Paano ba ang Tamang Diet? helphelp.com: Nakakataba ba talaga ang Kanin?

Sunday, January 1, 2012

Nakakataba ba talaga ang Kanin?

Eat the right amount of rice in your diet
    Hindi natin sinasabi na ang kanin o white rice ay isang nakakatabang pagkain, Ang kanin o ang rice ay may health advantage dahil ito ay low in fat at high in protein..
   At ang maganda dito ay ang kanin ay mabilis makabusog  kaya medyo mabigat sa tyan..so nakakatulong ito para tayo maibsan ang gutom at mapuno ang tyan at di agad ginugutom ..lalo na sa matagalang oras na pagtatrabaho..
   Ano naman ang Brown Rice?Ano ba pinagkaibahan ,rice naman pareho?
 Pero sinasabi ng iba na ang white rice ay di magandang pagkain lalo na sa nag da diet.at mas mabuti raw ang brown rice,  yes brown rice is the healthier option to white rice dahil ito ay high in fiber ,at 30g of fiber ay kailangan naten a day.ang fiber ay mabilis matunaw sa tyan di tulad ng white rice matagal tunawin ..
  Ang brown rice at white rice ay iisang uri ng bigas, na hinubaran at inalis ang nakabalot sa makulay na bigas.,pinaputi at pinakintab..At yung sinasabing sustansya ng rice na nasa brown rice ay naalis .
  Bakit ba ginagawa pang white rice kung mas more healthier ang brown rice?
     Ang White rice pag niluto mo na at kinain .sya ay makintab mabango at malagkit lalo na dito sa Japan the best ang rice nila,para syang malagkit napaka sticky nya..
     Ang brown rice pag niluto mo na hindi masarap tingnan dahil dry ang itsura nya na parang kulang sa tubig..sabi nga nila hindi ka gaganahang kumain...Ang tao kaya gusto lage masarap.pero di naman masama ang amoy nya ,katunayan gustong gusto ko sya..maganda talaga sya diet ,kase mabilis matunaw...pero wala reng masama kung white rice ang kainin nyo daily.ang importante ,watch the amount of rice lang..napakasimple po di ba?
    At sa aking pag susuri,ang tunay na dahilan na bakit puti at hindi brown ang  kilala ng tao...ay mas masarap kainin daw ang puti sa brown..nasubok nila na mas nabibili ang white sa brown..so yung nag nenegosyo ng bigas mas magbebenta sila ng mabili kesa sa di nabibili.subalit hindi naman nawawala ang brown rice hindi lang sya sikat,mapalad ang taong matalino na nakakaalam ng mga ganitong bagay at nagsusuri lalong lalo na may kinalaman sa ating kalusugan.
   Iba nga lang sila ng presyo mas mahal ang brown rice..Samantalang maraming ginawa sa puti bago maging puti,nakakatawa ano?
So ...Ang Tanong Nakakataba Ba Ang Rice? brown o white pa sya
   Alam nyo wala sa rice ang pagtaba ng isang tao.kahit araw araw ka pa mag rice kung you know how to limit the amount of your rice ay hindi ka tataba..
eh kung kakain ka ng sobra o ilang plato ang binanatan mo at kasabay pa ng mga mamantikang mga ulam ,may softdrinks ka pa..may dessert ka pa ..ay iyan panigurado ko kahit sino magiging dambuhala..


Hindi nakakataba ang rice ,white or brown,kaya lang ang brown rice is the healthier option lalo na sa mga seryosong nag dyedyeta. at lalo na sa  mga bodybuilder..
Rice can be part of many healthy diets brown pa o puti..nagkaiba lang sila sa sustansya.at lasa.. pareho po silang carbohydrate just be sure to watch your intake and count your calories if you like eating rice..


Too much eating rice....
  Nakakalaki  ito ng tyan..kaya nagtataka kayo bakit payat naman kayo subalit malaki ang tyan nyo...
ask yourself why?



No comments:

Post a Comment