Paano ba ang Tamang Diet? helphelp.com: February 2020

Sunday, February 9, 2020

Bakit Masarap Kumain ?

Bakit nga ba masarap ang kumain? 

Bakit nga ba nagagalak ang iyong pakiramdam sa oras ng ikaw ay kumakain .
Kahit pa nga ba minsan ..ang sabi ng iyong tiyan,  ay ayoko na , pero sabi naman ng bibig mo ,
ay gusto mo pa?
Panigurado ako ..Naitatanong nyo iyan sa inyong sarili, 
Alam ko at alam nyo... sigurado ako alam nyo ang sagot diyan or sadyang dedma ka na lang,  kase wala ka ng time isipin ang mga bagay na ganyan.
Ang importante ay mabusog ka at nasarapan.. tapos ang usapan ...sabi nila at hindi ako '

Ngunit naniniwala pa ren ako . May mga tao na gustong umiwas o magbawas ng pagkain subalit ang hirap gawin sa kadahilanang MASARAP TALAGA ANG KUMAIN..
 "Bakit ba nga ba ang Sarap Kumain"?

Yung tipong Matakaw ka talaga or nagiging stress releaver mo lang ang kumain , or sadyang wala ka ng pakialam para mag-isip basta importante nageenjoy ang iyong panlasa at pakiramdam.. at higit sa lahat busog at may makakain..

Sa mga gustong magbawas ng timbang o gustong mamayat , alam ko hirap silang pigilan ang kumain ng kumain, May ugali pa tayong mga pinoy , ay bukas na lang ako mag diet , patawa di ba? ay bukas mag gym ako . ay bukas mag jogging ako...effective ba ito?  or sadyang bukang bibig na lamang ..

 ANO ba sa palagay nyo ? GUTOM o KATAKAWAN? este Masaya ka lang sa mga Pagkain at Nagpapasalamat sa mga biyaya .
Ang point ko lang sa mga gustong magbawas or umiwas sa katakawan ..dahil nakakaramdam na ng kakaiba sa kanilang pangangatawan..


Anyway i can give you a satisfying answer or idea about this topic.
Bukod sa aking karanasan, pag susuri at pag sisiyasat ...bagamat hindi ako dalubhasa ang mga bagay na aking ilalahad ay sadyang mga halimbawa ayon sa aking observation at sa aking karanasan..

Handa ng Pamilya ko sa Pilipinas noong new year  


MGA DAHILAN BAKIT MASARAP ANG KUMAIN..

1.. Nakikita sa Television o Internet 
Katulad ng mga palabas na nakikita sa TV or sa internet like social media na tinatambayan nyo halos araw araw.. mga grupo na inaaniban nyo , na puro lutuan ng lutuan ng mga putaheng maka-tulo laway na pagkain na sadyang matatakam ka na at gugutumin ka pa.

2..Nagkalat na Restaurant , Street Food o Luto sa Palengke 
Mag Punta ka man ng mall o palengke makikita mo at maaamoy mo ay pagkain, kahit street food , ke sanay ka pa o hindi sanay na kumain ng lutong kalye , ay sadyang matutukso ka at gugutumin, lalo na ngat ikaw ay galing sa trabaho ..
aba ey , bawal na ang mag inarte ang sabi ng iba nating kababayan..
Kahit saang carenderia o mamahaling restaurant hindi ka makakaiwas basta ba , may budget ka lamang, anong diet diet"?  , gutom ako! , tapos ang usapan .. daw!!


3.. Luto sa Bahay o Ulam nyo..
Kung hindi ren ikaw ang nagluluto or wala ka pang asawa..
Isa ren itong dahilan , ay ang hindi ka makakatanggi o makakapili kung ano ang nakalapag na sa inyong hapag kainan ..magreklamo ka man o hindi , masarap man o tuyo lang ang ulam , basta may kanin , patis , bagoong , kamatis , sili o ano pang murang mabibili para may makain lang . walang pinipili tayong mga pinoy , mabusog lang ang mahalaga .
Mas happy ka pa kung ang paborito mong ulam ang nasa harapan, Mapapataas paa ka na at mapapakakamay ka pa , at kung sinuswerte ka pa , May kasama pa itong malamig at bumubulang inumin.. solve na solve ang pakiramdam di ba? ginawa ko na ren yan huwag kayong mag alala..

4..Pagkahilig sa Matatamis.. 
Ang mga taong mahihilig kumain ng matatamis ay isa reng dahilan kung bakit gumagana ang inyong apetite .. mentras kain kayo ng kahit ng sugary food ay lalo kayong gaganahang kumain. kase hindi nakakabusog ang asukal bagamat ito ay lalo kayong gugutumin..ayon sa mga experto ha.. of course with moderation is fine..

5.. Pagkahilig sa CHICHIRYA or junkfood..
Usually kung hindi matamis, pinirito, malutong, matamis, maanghang , maalat , masebo , malasang kahit hindi naman totoo. in short artificial flavoring .. alam nyo na yun , basahin nyo ang likod ng kinakain nyo..kung may label contents , minsan wala kase di ba, basta yummy yummy lang okay ang meryenda , ika nga.. ang food additives sa mga chichirya gives you to crave more... kaya nakakaadik search nyo na lang , mahirap magpaliwanag..

6.. Mas Mahilig sa Meat kaysa Gulay at Prutas..
hindi ko na kailangan mag explain.. obviously masarap ang adobong oink oink kaysa adobong saluyot , once ang ulam mo ay mamantika , maraming timplang pampalasa , okay lang naman kung mas marami ang gulay at ang rice ay kontrolado mo ang dami.. kaso sino ba namang di makakaiwas sa lutong pilipino.. aminin natin na ang lutong pinoy , malakas sa kanin..Right?

7..Imbes na uminom ng warm drink ay ano ang iniinom nyo? 
Ang mga iniinom nyo ay nakakapagdulot ren ng pagkatakaw sa pagkain .. kung umiinom kayo ng alak , mapapadami ang sarap ng kain nyo sa pulutan..mabubulang inumin or matatamis na inumin...
no explanation needed here... your discipline na ang kailangan..
try to drink warm tea like green tea ..guava tea. malunggay tea, tanlad tea.. or just plain warm water hindi yong maiitim na may asukal ang iinumin nyo , tapos puro ice pa . ay lagot ang bituka nyo namumuo na ang sebo..


8..Mga Pagkain sa Handaan 
Parang sinabi mong "EAT LL YOU CAN" basta ba hindi nakatitig ang may nag handa, sige lang kahit ilang balikan, kung sadyang masarap kang kumain , kapag nasa handaan ka na , mahirap mag kontrol ng tamang kakainin, ang iniisip mo kase eat all you want.. busugin ang tiyan ika nga wala nito sa bahay at libre pa , magpakabusog hanggat pwede , may take out pa kung papalarin ka pa..

Tandaan ang handaan ay hindi mo niluto , ano ba ang nilagay sa mga niluto ay sadyang ang kusinera ang nakakaalam..period kayo na ang sumagot sa usaping ito..

9.. Nag papalipas ng gutom or hindi kumakain ng breakfast
kasama na ren dito ang fasting , lalo na wala kang alam or paniniwala lang kaya ginagawa mo ito at hindi for healthy reason.. in short after palipas gutom ..ano resulta..lalamon ng marami..
Tandaan ang breakfast ang importante sa lahat kaysa lunch at dinner..
search nyo na lang kung gusto nyo ng detalyeng explanation..

10.. Minsan ang Depression ang Dahilan
Kapag depress o malungkot ang isang tao, napupunta ang isip sa pagkain.. nagiging sandigan nila o kaligayahan ang pagkain. hindi nila namamalayan, nawawala na sila sa control , kaya usually ang depress na tao ay matataba.. but not all , may depress kase tamad kumain.. so ask yourself kung hindi ka ito..

to be continue .. gingiginaw ako ..

Masarap ang kumain basta hindi mo aabusuhin ..in short eat according what your body needs..



May God Bless You