Paano ba ang Tamang Diet? helphelp.com: Nakakataba ba ang Mani{peanut}? at mga Nuts?

Friday, May 11, 2012

Nakakataba ba ang Mani{peanut}? at mga Nuts?

Ang halaga ng Nuts sa Kalusugan.
 Eating nuts is always a part of healthy diet... it`s also good for the heart, helps to lower bad cholesterol ..dahil ang nuts ay may "Good Fats" .na tinatawag na "unsaturated fat"...at may mga healthy nutrients like 
rich in energy,high in fiber,rich in anti oxidant,magnesium,folic acid,source of protein,may vit. E..and other nutrients.

Ano Ano ang Nuts?
Alam naten mahal ang nuts at bihira mabili o makita lalo na hindi sa atin ito ginagawa...ang importante muna nito ay malaman naten ano ano ba ang nuts ?Ang nuts at seed ay iisang uri,.ang almonds,cashew nuts,peanuts,wall nuts,macadamia nuts,pistachio nuts,hazel nuts,brazil nuts,chestnut at kung ano pang nuts..at mga seeds like flax seed,pumpkin seeds,sun flower seed,sesame seed at syempre kasama na ang Butong pakwan dito...lahat ng iyan ay isa reng mga kaanib ng nuts...halos pareho sila ng sustansya..naiiba na lang sila sa lasa laki korte at itsura...at ang bawat nuts ay may  iba reng taas ng Calories at pati na ng presyo.

May mga raw nuts ,roasted ,salted at sweetened or can be added in salad or other recipe. ..Mabuti ang pagkain ng nuts kung kaysa sa mga chips,cakes,dougnuts at mga ano pang chirchirya na wala namang sustansya..

Ang nuts ay kapalit ng junk food sabi nga nila ito ay great snack...ito ay malimit mong makikita o maririnig sa mga taong health conscious at mga taong laman ng Gym..lalo na yung nag bi build ng muscle..at ng mga hindi kumakain ng laman ng hayup..ang nuts ay source of protein ,hindi lang naman sa pagkain ng karne o manok ang may makukuhang protina...Ang nuts ay isang protein food..

Nuts on diet...
Hindi po pang diet ang Nuts..its only a part of healthy Diet..hindi porket maganda ang nuts at healthy snack ay lalamon na kayo ng isang supot..mali po iyon..small amount of nuts helps to loose weight...At ang  tamang pagkain ng nuts ay isang dakot ng kamay araw araw ay nakakabuti ..i mean one serving of nuts a day is one ounce po ang dami..pwedeng mix nuts o puro iisang klase ..

If possible maging dilat ang mata nyo kung kung kakain kayo nuts,wag kayong sosobra sa salt o sa sugar..dahil kung mataas na ang calorie ng nuts na kinakain nyo ay lalong tataas pa sa asin o asukal...be aware lang den kung gusto nyo ng malinis na diet..ang konteng asin o tamis ay okay lang...basta monitor nyo ang calories at dami ng amount na kinakain nyo...sabagay isang supot na nuts sa isang supot na potato chips ..ha ha ha ...sa nuts na ko...but remember everything must be on balance..kahit pa ito ay masustanya...

How about mane or peanut butter??
Ang peanut butter po ay isa sa pagkain ng mga bodybuilder o mga nag weweight lifting..mabilis nilang nabuburn ang calories nito dahil sa regular silang nasa gym....kung ordinaryong peanut butter namn ang binibili nyo...ay sapat na ang isang sliced na bread{whole wheat bread is good for healthy diet} na may isang kutsarang peanut butter a day..pero kailangan yan siguraduhin nyong ,hindi kayo matutulog o tamad kumilos..need to burn the calories in the gym.At yung ibang maingat .bumibili sila ng ng non added sugar peanut butter o kaya y organic...yung iba naman home made.para alam nila ang anong klase ng asukal ang isasama nila...
boiled is better than fried peanuts..

Mamantikang Mani??
Ang fried peanuts lalong lalo na ang ang mga deep fry peanuts ay hindi po talaga maganda....Imbis na maging maganda ang kalusugan nyo pati pag da diet nyo ay lalo itong masisira...kaya maghinay hinay kayo sa pagkain ng mamantikang mani....mas mabuti pa ang roasted at nilagang mani....alalahanin nyo ang mane ay hindi masama sa kalusugan ...ang mali po ay yung gumawa na pag mantikain ang mani at lunurin sa asin at vetsin....ang syang nagdudulot ng sakit ng tao..kaya bakit di nyo napapansen na marami ang takot kumain ng mani..sa dahilang nakaka pimples ito o nakakataas ng high blood ..maraming pintas sa mani ang ugaling pilipino...ang mane ay hindi masama,ang tao ang gumagawa kaya nagiging masama ang mane...

Tandaan nyo ang pagkain ng nuts ay mabuti kung kaysa kumain kayo ng mga junk food...ako halos araw araw kumakain ng nuts..isang dakot araw araw....pinipili ko ren ang yung hindi maalat...kung maalat inaalis ko sya ng tissue.ang.arte no!..ganun talaga ang health conscious...umaarte sa pagkain...lolz

Nuts is part of our meal..
Ang nuts para sa akin ay isang meal...nakakabusog na at masarap pang kutkutin. lalo na sa gabi habang nag cocomputer...pero  depende ito sa inyo paano nyo ito kakainin...kaya ako may 6 meals a day diet ...3 full meal at 3 small meal which is my snack time...Nuts is my best snack...along with hot green tea.
May mga expert na gumagawa ng mga healthy diet recipe ng nuts...like macadamia or Almond Cheese...macadamia milk ,mayonaise made from nuts, cakes cream from nuts,cookies nuts ,choco nuts etcheteras.....

So we all now know that Nuts is a part of healthy diet ,it is a great snack...At para makaiwas ng mga junk food.....basta one ounce a day is recommend or isang dakot ..kung malaki ang kamay nyo.eh di swerte nya lolz..baunin nyo sa bag lage .para may makutkot at makaiwas kayo sa anumang mga snack na may mag aalok sa inyo..o kaya ay biglang ginutom kayo,.thats my secret...


Have a great day and have a healthy diet everyday...


No comments:

Post a Comment