Paano ba ang Tamang Diet? helphelp.com: 2014

Wednesday, December 24, 2014

Bakit Nabalik ang Pagtaba ( Rebound Problem)

Simple lang ang sagot dyan..Maling paraan ng pag dyedyeta ay nag rerebound,

Quick Diet or instant diet ay hindi maganda..Like what?
Diet pills,or any kind of medication para sa loosing weight..Nariyan den ang maling paraan ng pag da diet ,or kawalan ng disiplina sa sarili after mag succes sa unang diet plan..

Dapat panatiliin nyo ang inyong tamang pagkain at huwag kalimutan ang pag papapawis..upang maburn ang fats at hindi maipon sa inyong katawan...


Ang Disiplina kapag binalewala ay wala reng halaga ang inyong pinaghirapan..
Minsan ka ngang Sumaya ngunit mas Mahaba ang Pagdurusa ..ika nga..ibig kong sabihin
masaya ang maging fit ,ngunit malungkot kung hindi mo ito mapapanatili..

Ngayun naman nahihirapan ka na iwasan ang kumain ng kumain dahil nakasabikan ulit ang masasarap na pagkain...Alam mo na ang sagot dyan..
So dahil nga lalong napasarap ang kain after ng maling pag da diet..
Namayat ka ng dahil may iniinom na pills at ng huminto ...ANO? biglang lumobo..so anong tawag mo dyan?

After ng malupit na pagtitiis ng ikaw ay nag dadiet..ayun ang sagot..Mabilis na REBOUND.
.Naging matakaw ka sa PAGKAIN NG MARAMI...

Mag diet ng dahan dahan ,unti unti...at hindi yung bigla ..iwasan ang mga maling paraan ng pag da diet ..ng hindi masira pati na ang inyong katawan..kumain ng tama at mag exercise regularly..

at iwasan ang madaliang pamamayat dahil kapalit nito ay bigla ren kayong magiging MATAKAW SA PAGKAIN which is nagiging rason ng PAG REREBOUND ng inyong TABA..so walang silbi..

strawberries in yougurt


Kung hindi maunawaan ang ganitong paraan ng pag aalaga sa inyong katawan..kumunsulta sa mga experto at ng mahimasmasan ang inyong mga DIWA...


Eat and Enjoy ....pero BALANCE...




Tuesday, November 18, 2014

Pitong Bagay na Dapat nyong Tandaan para sa Tamang DIET

.

Everything we need is RIGHT BALANCE .Ito ay ang ating Pagkain at ang ating Pamumuhay.
     Alam nyo naman siguro Ang Tamang diet..Tamad lang kayong iapply..
Ganito lang yan Kasimple mga kabayan..
Ihanda nyo ang inyong Pang UNAWA,Ang inyong pag tya TYAGA,
at higit sa lahat ang inyong DISIPLINA sa sarili...kung wala nito....ewan ko na lang sa inyo..

   Kung ayaw nyong mag Diet ng Tama.Eh di Kumain na lang kayo ng kumain ,katawan nyo naman ang mahihirapan..korek ba ako?  Ika nga " Sarap ngayon,Aray ko po bukas...."

   Alam nyo ba" ,Maari nyo namang kainin ang mga pagkaing gusto nyo eh" ,kung hindi nyo ito maiiwasan ..
   Ang importante lang naman ay marunong kayong BUMALANSE ng inyong pamumuhay .
 
   Huwag kayong Sakim o Matakaw.. ..gets nyo ?  halimbawa ,today ang dami nyong kinain dahil may handaan o napasarap ang kain nyo...so okay paano naman bukas,same thing ba ren gagawen nyo?
hindi di ba? dapat bukas ipahinga naman natin ang ating bituka .i mean low calories naman ang inyong kainin...bigyan natin ng batas ang ating mga sarili .


Mga Bagay na Dapat nating tandaan para sa tamang DIET..

1.Ugaliin ang pagkain ng Prutas at Gulay ..at mga pagkain nakakabuti sa katawan..at ugaliin ang pag inom ng tubig..( eat healthily and balance)



2.Ugaliin ang pagiging aktibo ng katawan o ang pagpapawis ng katawan..para hindi kayo lumobo ng lumobo..or mag enjoy ng mga sports ,dance or  hiking with your friends .
(burn your Fats through sweating )

3.Ugaliing matulog ng tama .hindi maganda ang laging puyat o kulang sa tulog (sleep properly)
ang taong puyat at kulang sa tulog ay aninag sa ating mukha,so kung wasto ang inyong tulog maganda ang inyong aura.

4.Bawasan ang stress.Ugaliin ang pagiging positive thinking. ( Reduce Stress)

5.Mahalin ang Katawan at Pangalagaan sa mga bagay na makakapagdulot ng sakit .
...in short wag abusuhin ang katawan,lalo na ang pag inom ng alak at paninigarlyo..(Love yourself)

6.Ugaliin ang regular na pag dumi ( regular bowel )

7 (Meditation and relaxation )Mag relax sa sarili ,like Recreation,Reading books,Crafts,Cooking.watching movies or tv..Mag sauna or pumunta sa mga spa saloon ,malakad lakad..marami kayong mga bagay na pwedeng gawin para marelax ang isip at diwa..

At marami pang bagay na maari kayong idagdag dito para sa inyong kalusugan ..
Kung ito ay ginagawa nyo ,Siguradong hindi kayo lalaki o tataba ng sobra..


Enjoy life with a healthy conscious living..



Friday, April 18, 2014

Home Remedy Para sa may Sinusitis

Mahirap ang may Nararamdaman kapag sa parte ng Sintido na ang Tinitira 
  Nariyang mahirap huminga,laging masakit ang ulo,barado ang hininga pati ang tenga parang tulig ,di na makaamoy ,lumalalim o umiitim na eye bags minsan namamaga ang mukha at di maintindihang pagka irita sa sarili lahat yan halos dulot ng sinus infection.
  Minsan walang lasa ang mga kinakain,kung hindi ito ipapagamot sa doctor baka lalong lumala.

Simpleng Paraan para sa Remedyo ng Sinus Infection 
   Hindi ako experto o Doctor ...Ang aking mga itinuturo ay aking mga karanasan,
magtatanong o magsiyasat muna ng mabuti kung gustong subukan ang aking mga tips.

    Kumuha ng isa o dalawang baso ng tubig ,pakuluan ito ng kulong kulo..ilagay sa isang lalagyan na sa palagay nyo hindi basta lalamig katulad maliit na termos ..lagyan ng 2 tbsp na vinegar(any vinegar)
at singhutin nyo ng ilong ang mga lumalabas na singaw na init doon.
( Adding Chamomile Tea is okay ren )ginagawa ko ito bago matulog.
    At para madaling gawen kumuha ng bimpo o takpan ng dalawang kamay para makulob ang parte ng bibig at ilong..steaming ang gagawin nyo para matunaw ang mga namumuong sipon o bacteria sa loob ng inyong sinus..
   Mas mabisa ito kung gagawen nyo ng 2 to 3 times a day sa mabilisang resulta ,or kahit bago matulog .
Ipagpatuloy ito hanggang sa makita nyong may tumutulo na sa inyong ilong..at iyan yung mga aasahan nyong resulta,malaki ang igiginhawa ng inyong pakiramdam..promise (Sauna Steaming Bath ay isa reng magandang paraan )Dahil ang buong katawan ay pagpapawisan.

Neo pot Wash..
  Sa mga nakakaalam na pag gamit ng neo pot wash,ito ay pag huhugas ng loob ng ilong sa pamamagitan ng maligamgam na tubig at kaunting asin..
  yung dulo ng nguso ng neo pot ay itatapat sa kabilang butas ng ilong at yuyuko kayo na patagilid para maipasok ang tubig sa ilong at lalabas ang tubig sa kabilang butas ng ilong..gawin ito ng salisihan ..
  Medyo may nakakaasiwa itong pakiramdam ,na minsan medyo mahapdi at kung di marunong ay malulunok ang tubig..
   Maganda itong paraan ng paghuhugas ng loob ng ilong ,parang nag mumumog lang kayo, ang mga alikabok o bacteria na nakakapit sa paligid ng ating ilong ay malilinis ,gawin ito ng regular at may makikita kayong pagbabago..

   Umiwas sa maruruming paligid o mababahong lugar ,at kung kinakailangan palagiing gumamit ng medical Mask ,dito sa Japan kinaugalian na nilang nagsusuot ng Mask ( Mask na ginagamit sa Hospital po )..
 
Ugaliing Maghugas ng Kamay at Magmumog
   Huwag Kalimutan ang palagiang paghuhugas ng kamay bago kumain at kapag galing sa labas,,anytime kung may oras ren lamang at magmumog everytime na magpapahinga na..
mumog sa umaga,mumog sa gabi ay isa reng remedyo para matulungan ang inyong allergy or sinus infection.
    Lahat ng bacteria kung hindi sa ilong pumapasok ay ang bibig natin ang unang nakakatanggap ng bacteria..

   At Higit sa lahat Eat Balance Diet..more Fruits and Vegetables is good suggestion..at uminom ng maraming tubig..Tandaan ang labis na pagkain ng di masusustansyang pagkain ay lalong nagbibigay sa atin ng sakit o problema sa ating katawan...

       Love Your body okay.....


Thursday, April 10, 2014

Paano Malalaman Kung Kulang sa Tubig..

    Ang uminom at kumain sa araw araw ay ginagawa natin para sa pangangailangan ng ating katawan,
ng hindi tayo magutom at mauhaw, Maling konsumo ng pagkain o ng iniinom ay nagdudulot ng hindi maganda sa ating katawan o nagdudulot ng sakit..Kaya nga kailangan natin ng balanse at tamang pagkain at pag-inom..

Bukod sa pagkain,Naitanong nyo na ba sa inyong sarili kung sapat ba ang tubig na inyong iniinom sa araw araw o sobra ba ang inyong iniinom ..

Mga Ilang Bagay na Makikita sa ating Sarili
Kung Paano Malalaman ang Kulang sa Tubig?
1.Mabagal o bihira ang pag ihi or patak patak kung umihi
2.Madilaw ang inyong ihi o hindi maliwanag.( ang sobrang dilaw o itim ng ihi ay maaring may sakit o di kaya sa matatapang na iniinom )visit your doctor in this case.
3.Makikita ito sa inyong skin,tuyot at kulubot na magaspang.pati na ang kaliskising balat ,Pagmasdan ang inyong palad kung tuyot..( UMBOK na palad ang may sapat na tubig )
4.Bihirang Pawisan.
5.Pagkakaroon ng amoy sa katawan,like anghit ,Hininga,utot at singaw ng pwerta,kahit singaw sa anit ( Mabilis na pag asim ng buhok)
6.Madalas na singawan sa loob ng bibig..
7.Mabilis Balakubakin
8.Mahirap Dumumi ( Constipation Problem)
9.Mainiting katawan( Body temperature )

Bukod dito ay marami pang bagay na malalamang kulang ka sa tubig..ilan lang iyan sa aking mga siniyasat at aking iniingatan sa araw araw..

Umiinom ako ng mahigit 2 liters na tubig araw araw..
Green tea..siguro ang naiinom ko sa isang araw ay mahigit 5 cups ng mainit na green tea..
Water...1.5 liters kapag nasa gym
Water kung nasa bahay 4 to 5 glass

At ang mga kinakain naten araw araw ay may tubig den ngunit hindi naten makukuha ang sapat na dami ng tubig kung hindi tayo iinom ng tubig .

Ang kulang sa tubig ang ay hindi maganda para sa kalusugan,kung ikaw ay isang taong concern sa health mo ,dapat maging aware ka kung umiinom ka ng sapat na tubig.

May tao akong kilala ,kahit sinisinok na ,bago uminom ng tubig siguro tigok na..importante ang tubig,
ang sabi nga maari kang mabuhay ng kahit isang linggo sa pag inom lamang ng tubig..

Ang softdrinks at alak or any carbonated juices or any drinks na may soda o asukal ay hindi masasabing healthy bagamat ito ay isang inumin..

Ang tubig sa gripo ay hindi na masasabing malinis 
so uminom ng malinis na tubig ,para sa ikabubuti ng inyong healthy diet..


bye bye...



Monday, March 31, 2014

Paano Ba Makatulog Ng Mahimbing?

Usapang Pag Walang Magawa: Paano Ba Makatulog Ng Mahimbing?:   Totoo marami sa atin ang hirap matulog lalo na,kung marami kang iniisip o may problemang mabigat,o kaya sobrang kaabalahan sa ginagawa ,y...

Paano Puputi ang Kili Kili

Usapang Pag Walang Magawa: Paano Puputi ang Kilikili..Underarm whitening..: Yup marami ang naiinis pag maitim o nangingitm ang under arm..hirap tuloy magsando o mag taas ng kamay..baka masilip ang itim ng inyong kil...

Prutas lang ..Payat ka na.

  Yes,tama ang nababasa nyo...Prutas lang po ay maari na kayong mamayat..subukan nyo muna for 3 days...kung kaya nyo...kung magagawa nyo ng maayos at tama....1 week to 2 weeks hanggang 1 month..
Fruit Diet is healthy at mabilis agad kayong mamayat at mababawasan ang timbang..bilbil at body fats nyo...
hindi ito maaring gawin kung kayo ay may problema sa kalusugan,magkunsulta muna sa inyong Doctor..

ang prutas ay mabilis makapagtunaw ng taba kung kakainin ng tama..


  Sa mga palakain ng kanin o mahilig sa cooked food..alam kong mahirap ito..lalo na sa mga may work na mahaba ang oras o kaya mabibigat na trabaho..Halos nakakagawa ng ganitong diet ay mga taong seryoso sa kanilang kalusugan at figure...mga taong may tyaga basta sa ikabubuti ng kanilang kalusugan at mapanatili ang timbang..

Ang Prutas ay nakakapagpaganda inside and outside

   Fruit diet ay isang paraan den ng paglilinis ng inyong colon,digestive system...at sa mga may allergy o mahihinang immune system..ibig kong sabihin mga taong madaling kapitan ng sakit..mga bacteria na gawa ng maruming kapaligiran at mga chemical na mga pagkain..

   Fruit diet is also good for your teeth,nakakatulong sa pag iwas ng cavities at pamamaho ng hininga...pati na ren sa inyong dumi...at mga singaw sa katawan gaya ng anghit o pamamawis ng katawan....dahil ang fruits ay sagana sa mineral ,enzymes na kailangan ng katawan.
nakakaganda ng skin at nakakatulong para hindi agad magmukhang matanda..

'bongga diba!.. so subukan na..hehehe..
kung walang budget ay di ko na problema lol..( pero pang Fastfood meron no?)hay kaloka'..

anyway.."enjoy fruit diet in 2 weeks ,promise you will loose 5 kilos"..no cheating ha..
( tested and proven by me)

Bakit ba Parang Busog Palage ? Bloated problem Issue

  Ang Bloated na sakit ay isang klase ng paglaki ng inyong tiyan or belly.
na kung hihipuin ay matigas ,bilugan,maumbok at parang lobo,na kala mo buntes ng ilang buwan..

  Naranasan nyo na ba ito? Hindi ka naman mataba subalit ang iyong tiyan ay laging umbok o yung naninigas sa bilog..nangyayare ito kapag busog o yung katatapos lang ng kumain.
Minsan naman kapag may nakain kang ayaw ng iyong tiyan ay naninigas ang iyong tiyan.Bakit nga ba?

   Maaring dahilan nito ay may mga gas problem kayo na hirap ilabas or iutot..
Hindi natutunawan ng ayos,
Maaring mabilis kayong kumain , Maaring low acid kayo o yung kulang sa enzymes.mga prutas o gulay na sariwa ,kulang sa fiber food..o may mga alaga kayo at kakaunti ang good bacteria sa inyong tiyan, at maaring may problema kayo sa food .like gluten, sugar , dairy at kung ano ano pa.

In short may problema kayo sa stomach ,at yung intestine nyo ay marumi like may yeast,fungus or candida na naka stay sa lining ng mga malilit na bituka..na dapat itong linisin at gamutin.

  Ilan lamang iyan sa mga dahilan ng bloated causes,ang nakakatakot dito ay sa mga babae ..baka ito ay may kinalaman sa ovary ,uterus ..so dapat magpacheck up tayo dito ,para malaman ang dahilan..marami ren akong nababalitaan na akala nila ay simpleng pag lobo lang ng tiyan ,yun pala ay may bukol na sa sila matris..( minsan reason den ito ng ovarian cancer)..so keep on the watch po lage..


no one likes bloated?


Paano kaya ito Malulunasan..

   In my simple tips and advice through my experienced..naranasan ko na ren ang ma bloated ,when i was in my vacation sa Pilipinas,i got kidney infection dahil sa mga kagat ng lamok and i took too much antibiotics na di ko namalayan na nasobrahan na pala ako..

  To make my story short,siguro nakakain den ako ng mga di malilinis na food,napasukan ako ng mga bacteria which naging cause den ng stomach problem ko..nadextrose ako para linisin ang colon ko pinaihi nila ako ng pinaihi ,umihi ng umihi is importante kase..so ayun until now i'm taking care of my stomach .at dito ko naranasan yung maging bloated..mula noon takot na ko basta kumain sa atin at nag ka trauma sa lamok at lintek na doctor sa atin na puro antibiotic..

Bumalik ako sa Japan at dito ako gumaling ,siguro hindi na ako sanay sa Pilipinas..hmm sad naman..
maski nga anak ko nagka infection sa mga lamok..

Mga Paraan na dapat ugaliin para maagapan ang sakit na bloated..

1.Drink Plenty of water ( Green Tea is maganda or herbal tea)
2. Nguyaing mabuti ang kinakain( Iwasang nagmamadali)
3.Eat in small amount,huwag kumain ng bultok (like 6 meals a day )
4.Iwasan o bawasan ang mga pagkaing di agad natutunaw ( bread,rice,meat,etc)
5.Damihan ang pagkain ng gulay at prutas kaysa meat or processed food
6.Umiwas sa food na nagdudulot ng gas sa tiyan,like chewing gum,using straw,soda drinks,beer,etc.
7.Iwasan ang ma stress,maglakad lakad o magpahangin sa park..irelax ang mind
8.Iwasan ang mapuyat o kulang sa tulog
9.Iwasan ang mga gamot over the counter(Pacheck para sigurado)
10.Mag exercise para gumalaw lahat ng natutulog na muscles at gumanda ang daloy ng dugo.nakakabuti ren ito sa stomach .
11..Ang upo ng upo ng mahigit 8 hours ay isang malaking sanhi ng vowel problem at nakakapag bloated den .
12.After your meal..tumayo kahit ten minutes ,ng bumaba ang kinain..hindi kailangang tumakbo o lumundag..bahagyang maglakad lakad..


Mga Dapat mong Gawin para makatulong sa BLOATED na Stomach
1.At ang isang ginagawa ko araw araw ay umiinom ako ng 1 pirasong pinigang fresh lemon before meal..puro ito o maaring haluan ng honey..( dahil sa low acid ako)

at alam nyo ba ang lemon ay ayaw ng mga bacteria sa tiyan so maganda itong gamot sa bloated.
2..ugaliing umihi at dumumi ng regular,iwasan ang nag iistock ng dumi sa tiyan..so kailangan ng ma fiber na pagkain ,enzymes at maraming tubig..

At marami pang mga bagay na maaring gawin para makatulong sa sakit na bloated..magsiyasat po tayo..

Kung sakali mang iba na ang nararamdaman nyo.nilalagnat ,nasusuka,nasakit ang ulo,masakit ang dibdib,hindi makahinga,hirap umihi.hindi na madumi ng ilang araw o mga bagay na di normal ay dapat mag pa check na kayo sa malapit na kilala nyong Doctor..

"Tandaan ..."huwag nating gawing dahilan na...
"BUSOG LANG AKO..."..Bigyan ng pansin ang paglaki ng inyong tiyan..ng sa huli di kayo magsisi..









Friday, February 28, 2014

Gusto nyo ba ng Payat na Katawan

Payat kamo ? Anong klaseng pagkapayat?
   Yung patpatin na pang tuko..joke ! or medyo balingkinitan lang,syempre wag naman nyong mukhang tinikling sa payat.
   Payat pero di luyloy ang mga laman o yung tigasin na slim? o payat pero may shape di ba.
At sino naman ang gusto ng malnourished? abay wala ano!..
At lalong sino naman ang may gusto ng mukhang adik sa kapayatan..eww'
O yung mukhang may may sakit ..payat na malaki ang tiyan,totoo yan maraming payat pero may mga umbok na tiyan.
Hay,' basta ayoko ren ng payat kung hindi ren lang balance.at ang importante ay healthy body ,kahit di na nga maganda ang korte ng inyong katawan..


i have average type of body lang naman.



   Kung ako ang tatanungin ayoko ng payat ,gusto ko ng maraming laman na siksik..I mean,yong toned.
Di nyo ba alam ,hindi lahat ng payat ay maganda,siguraduhin lang natin bakit tayo namamayat kung walang dahilan para tayo ay pumayat.

   Punahin nyo ang mga payat,kung hindi luwa o malaki na dilat ang mata o di kayang lubugin ang mata.Yan ang mga taong kulang sa nutrition ang katawan,di kaya ay may sakit,puyat lagi,may bisyo o sakit.

   May payat naman subalit malaki ang tiyan o mayroong bilbil,Ano ba ang dahilan ng mga ganyang katawan? Sila ang mga taong malakas sa carbohydrates or yung mga di basta natutunawan ng pagkain mga taong mahihilig uminom at mamantikang pulutan.at mahihilig kumain ng bultok na di agad natutunaw sa tyan.

   Kung gusto nyo ng healthy na pamamayat,kumain ng tama ,balanse at uminom ng maraming tubig.umiwas sa mga softdrinks,too much alcoholic drinks,mataramis na pagkain,too much rice,baked food,at marami pang iba.

   At dapat may exercise o nagpapapawis palage,hindi puro tulog at upo,tapos kain pa..patay tayo diyan,panigurado lolobo kayo.
At higit sa lahat ,kailangang dumudumi kayo araw araw,hindi tama ang nagpapalipas ng dumi.

   "Diet diet  Tayo diyan..isip isip pag may Time, Pero sa pagkain di na Nagiisip "
lol..
wala lang....ja ne..





Wednesday, January 8, 2014

Ikaw ba ay isang "Taong Malaki ang Tiyan.."

maintain a flat and healthy belly.
Malaki ba ang tiyan mo o di kaya lawlaw na ang bilbil mo?
Hindi ka ba naiilang o naiinis sa iyong malaking tiyan?Bakit ba nga lumalaki?
Marami ang dahilan ng paglaki ng tiyan..Bakit ba malaki ang tiyan?
   Maaaring buntis,may sakit sa bituka,di dumudumi ng regular,maraming alaga sa loob(parasites),may problema sa ovary o servic kung babae.monthly period , stress ,too much medication,obesity o matataba (over weight).At higit sa lahat malakas kumain ,gayung kulang naman sa exercise..at kung ano ano pa

me at the beach..

  Bago kayo mag isip o mag plano ng bagay kung paano nyo paliliitin ang inyong tiyan,siguraduhin nyo munang wala kayong sakit sa tiyan..mahirap na kung hindi lang fats ang nasa bilbil nyo ,kung may kakaibang nararamdaman,mas mabuti ang mag pakunsulta sa inyong Doctor.

  Nararamdaman at Malimit Ginagawa ng isang Malaki ang Tiyan..

1.Mahirap huminga minsan
2.Mabigat ang katawan,mabagal maglakad
3.Parang laging busog o puno ang tiyan..
4.Bihirang dumumi ,hirap dumumi.
5.Kumukulo ang tiyan palagi at ututin..
6.Mabaho ang singaw ng katawan.o kaya ay pawisin
7.Sira minsan ang appetite sa pagkain.
8.Madilaw ang ihi,minsan madalang,minsan malimit.
9.Iritado o mainitin ang ulo
10.Masasakitin ang ulo.
11.Nanlalambot o walang energy sa pagkilos/hingalin
12.matakaw sa matatamis at mamantika
13.malakas uminom ng alak o softdrinks
11.kulang sa tubig
12.mahilig sa mga pagkaing matagal matunaw gaya ng baked food,dairy food,fast food,junk
food,rice,meat and so on.
13.kahit malaki ang tiyan o bilbil,sige pa ren ang suot ng masisikip ng damit.
14.kung mainit.laging nakahubad at naka display ang tiyan ng mga lalaki/may patapik tapik pa sa tiyan..
15.Usually malalakas ang boses o malaki ang tono ng boses.
16.Mahilig matulog o nakahiga/in short tamad..

Hindi naman siguro lahat ng malalaki ang tiyan ay ganito ang ginagawa o nararamdaman..ilan lang iyan sa mga totoong nararamdaman ng mga malalaki ang tiyan..
May iba pa bang nararamdaman o malimit gawin ng isang malaki ang tiyan...?

  Ito ba ay maiiwasan ,Mababawasan o kaya bang alagaan ang katawan...Ang tamang sagot ,desisyon ay nasa sa ating sarili..
Hindi ito pansinin o bigyan ng halaga ang resulta sa pagdating ng panahon ay isang mabigat na sakit o karamdaman..
ALAM NYO BA'' 
"..Karamihan kase ,Iniisip lang ang pagiging healthy, o Nangangarap lang na maging sexy.
 Subalit, hindi naman kumakain ng Wasto...so....Ano ang inyong Gusto?

.....Lumobo?......"