Paano ba ang Tamang Diet? helphelp.com: Remedyo sa may mga Anghit [Body Odor]

Wednesday, June 20, 2012

Remedyo sa may mga Anghit [Body Odor]

 Poor diet minsan ang dahilan ng amoy sa katawan ng tao..
Sino ba ang gusto ng may amoy? Wala kaya..yung may maamoy nga lang nakakairita na  o paano naman kaya kung ikaw yung sumisingaw?.. Ay ! Naku sakit sa ulo..anyway...


Ano ba ang dapat talagang gawen kung ikaw ay may amoy o pawisin?
Narito ang mga bagay na dapat mong tandaan ......
  
  


1.Maging malinis palage kayo sa inyong sarili..
  Ibig sabihin laging naliligo nagpapalit ng damit...gumamit kayo ng deodorant soap.ikuskos ng mabuti sa parteng pawisin at medyo imassage nyo ito..at kung tapos ng maligo siguraduhin nyong malinis ang tuwalya nyo at hindi yung isang linggo nyo ng ginamit at pinatuyo lang ng di nilabhan..amuyin nyo ito bago nyo ipunas sa katawan nyo...
  Kung mabubukod nyo ang pamunas sa ulo,mukha ,kilikili at katawan ay mas maganda po..matrabaho eto pero ito yung tinatawag na kalinisan at pagiingat sa inyong skin..

2.Wag kayong Gagamit ng gamit ng iba .
  Lalo na nga at may anghit ang hihiraman nyo..kahit pa nga wala..iwasan nyo po iyan...ang lumang damit pag hindi nilabhan ng tama o nabilad ng wasto...kahit malinis na sa tingin nyo ay andoon pa ren yung tinatawag na bacteria ....amuyin nyo ang parte ng kilikili para sigurado kayo...
  Kahit deodorant iwasan nyo yung nakikipahid..ay naku,common sense na po..

3.Siguraduhing Malinis ang Pagkalaba ng ng inyong mga DAMIT..
At dahil sa damit den nag mumula ang amoy ng kilikili..lalo na ito ay hindi nalabhan ng maayos..o di kaya naman masikip at di makahinga ang inyong kilikili..mga telang nagbibigay ng amoy sa pawis..
Ugaliing piliin ang damit na hindi kayo basta papawisan ...
  Kung alam mong pawisin ka sa damit na iyon..ay wag nyo ng ulit ulitin pang isuot...
At higit sa lahat...
  Maging sigurado kayong laba at malinis ang ang inyong mga nilabhang damit..dahil pag hindi nga ito maayos na nalabhan ..ay mismo ang damit ang magbibigay ng anghit sa inyo...
  Amuyin nyo yun damit na susuutin nyo...kung mabango o mabaho ang laba....kung mabaho..wag nyong isuot..

4.Pagkaing Maanghang..o spicy food..
  Alam naten na ang garlic onion o mga spicy foods ay nagbibigay singaw sa katawan o hininga ng tao...
at kapag pinawisan nangangamoy..sa mga over kung kumain lang naman ..
  Kaya yung mga taong palakain ng spicy food ay isa sa mga maaanghit na tao sa mundo..batid na naten yang lahat..hindi naman bawal kumain..medyo problema nyo na yan kung gusto nyo lage ng maanghang...basta ba maingat kayo sa amoy nyo like sipilyo ,mouth care..at body care....

5.Iwasan nyo o bawasan ang Stress ..
  Ang pag init ng ulo o pag kaaburido..ang nagbibigay ren ng init ng katawan para kayo ay pawisan...kailangan relax lage..dapat lage maganda yung hormone balance ninyo.

6.Iwasang matensyon o yung kinakabahan lage..
  Isa ren itong nagbibigay para kayo ay pawisan ng malapot ang gumagawa ng bacteria sa inyong skin kasama na itong hahalo sa pawis na lumalabas sa inyo..at magbibigay amoy sa singaw ng inyong katawan..
okay lang namang matensyon at pawisan kung wala kang anghit ...kung alam nyong may anghit kayo...iwasan nyo sumali sa mga aktibong papawisan kayo..kungdi marami yung makakapuna at maiiilang sa iyo...kapalan na lang ng mukha kung okay lang na mabaho ka.parang sinabi mo..di amuyin nyo lolz...
  Ayaw naman nateng tayo ay pag usapan ng dahil sa anghit..di po ba?

7.Ugaliin nyong magbaon sa bag ng extra shirts,bimpo at deodorant..
  Kahit pa nga walang amoy .basta pinawisan maganda pa ren yung magpalit ng damit..
Ugaliin nyong may baon kayo sa bag ninyo ng mga pangkalinisang kailangan ng isang babae.
.like toothbrush,breath care,panyo,perfume o alcohol,at kahit under wear den..intriguing ba..parte po yan ng kalinisan..lalo na kapag period mo..hello!...common sense yan..
  Syempre iba na yung handa lage para lageng fresh sa amoy ng ibang tao..Kahit ang mga boys dapat ganito ren sila..At kung sobra ka naman talagang pawisan at mag ka amoy putok..dapat talaga alagaan mong hindi maging grabe ang singaw mo..


8.Ugaliin nyong maging Regular ang pag Dumi..
  Ang hindi pag dumi ng regular o pag papalipas ng ilang araw  ,ay nagiging sanhi ren ng masamang singaw sa inyong katawan...alam naten ang waste material nyo o yung TAE...ay naging solid sa loob ng katawan nyo..means bulok na sya at lalong mabaho...delikado po ito sa kalusugan..
  Nagiging dahilan ito na lalong mabaho ang inyong utot,hininga,pawis,singaw ng inyong genital part ..pati pag ihi...nagiging sanhi ren ng skin problem ..alerto po tayo dyan..

9.Maging maalaga kayo sa Balat..[ regular Skin Care]
  At kung kayo ay galisin,pimples sin ..o may mga kung ano anong skin diseases..pag pinawisan po kayo..yung sakit sa balat nyo at ang pawis pag nag halo..nagiging malansang amoy...

10.Ugaliin po naten ang regular na exercise ..
  Iba ang nagtatrabaho at kumikilos lang ng natural..ang naidudulot ng exercise ay good oxygen sa heart..ang pag hingal sa takbo ay nakakabuti sa heart lungs at liver..at nakakahinga ang mga skin dahil sa mga pawis na lumalabas dito...
  hayaan nyong lumabas ang masamang pawis na nakatago sa ibabaw ng inyong skin..at lahat ng inyong dugo ay dadaloy ng maganda..kung naiilang ka na baka may amoy ang pawis mo sa kwarto ka mag exercise o mag jogging sa park..gagaling den ang anghit nyo basta continue the healthy life style..

11.Uminom ng maraming Tubig..
  Ayon na ren sa inyong edad taas at timbang...ang tubig ay nakakatulong para lage malinis ang loob ng inyong katawan..makikita nyo kapag ang inyong ihi ay mapula o madilaw...ibig sabihin kulang kayo sa tubig..
  kung sagana kayo sa tubig ang mga maruruming toxin sa inyong katawan ay mailalabas nyo sa pamamagitan ng pag ihi palagi...aminin ko sa inyo hindi mabaho ang ihi kung umiinom kayo ng tubig palage..kahit ang pawis nyo ay laging narerecycle ..


  Pero kung ang lage nyong iniinom ay soft drinks o alak...mas lalo itong nagbibigay ng amoy sa inyong pawis at ihi...so lalo lang kayong mag kakamoy sa katawan..

12...Kumain ng maraming gulay at prutas..
Iwasan o bawasan ang palaging pag kain ng mga laman ng hayop...

Alam nyo isa ren dahilan ang pagkabaho ng inyong pawis ang gawa sa kinain nyong karne o ano mang laman ng hayop...
  At dahil ito ay matagal matunaw at idumi...kailangan muna itong mabulok ng matagal sa loob ng inyong katawan..as i mentioned kung hindi ka dumudumi ng regular ay lageng mabaho ang inyong singaw...bumabaho lalo ang amoy ng isang tao kung hindi tumatae araw araw..
  At kung palakain ka pa ng karne..yun na mismo ang dahilan na para kayo ay mag amoy hayop den..


  Ang gulay at prutas ay kahit saan mo dalhin ay kapuri puri.

lalo na larangan ng healthy diet...
Ang palakain ng gulay at prutas ay napatunayang mababa ang percentage ng may amoy anghit sa mga taong palakain ng mga animal meat...



Okay..mahaba na yata itong sinulat ko..
but last advice ko lang..How to use a Natural deodorant
Kapag kayo ay naliligo..mag dala kayo ng lemon o kalamansi sa bath nyo...ipahid nyo ito sa kilikili nyo pag matatapos na kayong maligo..


pwede ren namang after bath..wag na kayong gumamit ng deodorant kung sa bahay lang naman kayo..pwede ren pag oras ng matutulog kayo...
warning..select clothes to wear ..kase nakakamantsa ang lemon...mas maganda mag sando na lang kayo..~.^stay freshhh mga kapatid



o kaya gumamit kayo ng durog na tawas...
o kaya baking soda..
o kaya apple cider vinegar
marami pang tips pero next time na po ulit......

TANDAAN LAHAT NG MGA PROBLEMA SA KATAWAN AY IISA LANG ANG DAHILAN..
HEALTHY DIET PO..............

edited by lui1013

No comments:

Post a Comment