Paano ba ang Tamang Diet? helphelp.com: Count your Calorie
Showing posts with label Count your Calorie. Show all posts
Showing posts with label Count your Calorie. Show all posts

Friday, May 8, 2020

Bakit ba Ang Hirap Mag papayat

May problema ka ba sa sarili? Malungkot ka ba ? Gipit ka ba ? Bigo sa Pag-ibig or dahil sa nag aalala ka na , na napuna mong tumataba ka na , o di kaya ay mataba ka na ? o kaya naman ay  malaki na ang bilbil mo at di na magkasya ang mga damit mo, Hindi na makahinga? humihingal? Mabigat ang katawan? at ano pa ?

INSECURE or nalulungkot ka dahil ang taba mo na.. iniisip mo na gusto mo ng mamayat kaso pag andyan na ang pag kain , nakakalimot ka na.

Bakit nga ba ang hirap mag control ng sarili na bawasan ang pag kain o iwasan ang pagkaing nakakataba ????

May Bagay na Dapat Tandaan at Sanayin ang Sarili sa mga bagay na babanggitin ko..
Kung Bakit Ang Hirap Mag Papayat ..

 TANUNGIN mo ang SARILI MO ...

1. DISIPLINA .. kaya mo ba ito?

isa ito na importante kung gusto mong mamayat. dahil ang salitang disiplina ay isang action ng ating katawan o utos ng pag iisip o emotion , kung gagawin o hindi dapat .. kapag may disiplina ka , kaya mong kontrolin ang mali .. 
in short , kapag busog na , tama na..
kapag bawal , dapat bawal , huwag mag dahilan . kaunte lang naman o di kaya minsan minsan lang.. talaga lang ha? 

When you want to move on , and you learned something from your mistake or failure .. ano ang dapat na natutunan mo?
 Lesson di ba ?
after lesson learned ano tawag sa susunod mong hakbang ? DISIPLINA na sa sarili ng di na maulit ..Right ??

so same kung gusto mong mamayat . you need to learn how to discipline yourself..

2. MOTIVATION or GOAL.. Mayroon ka ba nito?

Kapag nangangarap ang isang tao , like gusto mong makaipon , or gusto mong mag negosyo , di kaya gusto mong bumili ng isang bagay .. Ano ginagawa mo ? Nagsisikap kang mag trabaho para mag kapera at nag titipid ka para makaipon..so ano tawag dyan.. dream pero may goal , plan pero may motivation..

kase kung puro dream tapos walang gawa ..eh di nganga !!
kung gusto mong pumayat talaga, aralin mo ang katawan mo at ano ang problema ng katawan mo , at pag aralan mo ang pagkain na nararapat at di dapat .. 
kailangan mo bang mag gym or ehersisyo , sumayaw para pawisan , anything na makakapayat .. ang goal is pinag iisipan with application po..
if you have motivation, ganon ka ka-eager to get your desired goal..na mamayat..right?

3. HEALTH CONSCIOUS ..naisip mo na ba ito sa sarili mo  ?

Eating is happiness and important but not being conscious what you eat is very danger , unless you eat with balance..
kase kapag malakas pa ang katawan . di mo maisip matakot pa..so iipunin mo muna bago ang pag sisisi.. think about that !

4. LIMITATION at MODERATION ...  Sa tagalog ano po ?

i know maraming masarap at kahit saan may makikitang masarap na pagkain, it's not bad to eat what your mouth wants to eat..
basta ba alam mo yung salitang limitation , disiplina , balance , moderation, consciousness , at right amount , 
eh pwede ka namang kumain di ba.. kung napadami ka ng kain , basta physically active ka, maburn out mo sya..gets ?

5. FAITH WITHOUT ACTION IS DEAD.. sabi sa Bible .. puro salita kulang sa ???

Bukang bibig na ito ng mga taong gustong mag bawas ng timbang, pero pag kaharap na yung food.."ay wala munang diet" , kesyo "galit galit muna"... hahahh... ikaw yan eh, so, sinagot mo na yung tanong ..Bakit mahirap Magpapayat..?

pwedeng magsalita?  ..huwag lang magagalit ....ang tawag ko sa mga ganyan ."  MATIGAS ANG ULO .." 

6. KNOW WHAT YOU EAT ? .. hindi porket masarap subo agad..

What i mean is, their calories. cholesterol , fats content mga ganoon ba.. paano ginawa at ano ang mga sangkap . importante yan kase , kung ikaw ay health conscious, maiisip mo yan.. ako kase binabasa ko yung mga contents sa back label ng product para sure ako kung ano yung binibili ko .. well, long topic na to.. 

Whole food means . hinugot sa lupa or pinitas sa puno.. hugasan lang mabuti kase maraming chemical den ..well, another story na yan..

7. HOW MANY TIMES YOU EAT IN A DAY  ?

kumain lang ng balanse para matikman lahat 



Eating at the wrong time is di ren maganda , even skipping your meal like breakfast is not advisable to all. unless you know what is intermittent fasting.. before bed , with heavy meal is not good syempre, 
ilan beses ba dapat kumain . well, it depends on your body built, height and age at kung gaano ka kaactive physically ..
then you can eat how much calories you can consume in a day ..pag aralan nyo ang food calorie chart


8. LOOK AT YOURSELF .. sa harap ng Salamin ..Ano mayroon?

sad face ? bakit , may kakaiba sa aura mo or korte ng katawan mo? 
Ikaw ang makakasagot nyan.. maganda po bang tingnan ? well..
ako bilbil lang makapa ko..panic na ko ..OA ko NO! pero totoo po yun..

Kapag nakita mo ang katawan mong malapad or malaki ang tyan . Di ka ba mapapaisip na magpapayat ng totoo 
di yung dada lang huh!

10.  INSECURE at EMBARASHMENT  ? May nag bibiro ba sa yo na mataba ka ? affected ka ba? 

Minsan kung di biro , bully ang maranasan mo or pag katuwaan ka .. masakit minsan di ba? unless manhid ka .
may nadedepress sa ganyan. huwag mo ng pahantungin sa ganyan or agapan mo na agad..walang imposible kung gusto mo ngang gawing posible... losing weight is not a magic , it's about you to decide .. work with it .. 
 

11. NO MONEY .. or walang budget 

Huwag idahilan walang pera , para makabili ng masustansyang pagkain. o kase di ikaw ang nagluluto ?
hey, di ko na problema kung wala kang job .. pero pwede kang magtanim , whatever , ano bang pinagsasabi ko..
ang gulay ay mura lang ..10 piso lang ang kangkong, nahihingi lang ang malunggay ..
mura ba pizza at burger ?.. mali o tama? kayo na sumagot 


12. DEPRESS or STRESS .. or may disorder ka

Depress ka ba ? or mataas ang Stress level? .usually yan yung reason kung bakit tumataba ang tao. di maiwasan ang kumain ng kumain dahil , mentally ill or may emotional issue , kapag stress at depress , ang interest iba iba , kung tamad ang kumain , mas marami yung matakaw..  you need a doctor here na.. so mahirap po na issue ito.. try to visit a phsychiatrist or stress care center..


13. MEDICATION or PILLS

May medication or iniinom na pills kaya daw tumataba ? yung iba totoo , yung iba mental problem na ,
 so mahirap turuan ng pag didiet minsan ang may iniinom na gamot na nakakataba , kung hindi naman eh , kontrolin nyo syempre ..
aba eh , kayo mismo na makakaalam ng iniinom nyo..hay buhay..galaw galaw ..

at kung ano ano pang rason ..medyo pagod na ko magtype ..wala na ko maisip... next time ulit

tips..
ask yourself 
MAHAL MO BA ANG SARILI MO ?
or mahal mo lang yung bibig mong sarap na sarap sa pagkain..
bawal pikon..

okay keep safe and God Bless you ..



Tuesday, May 1, 2018

Alam mo bang Tumataba ka na?

Ang sagot ,kapag nag-sisikipan ang inyong mga damit, bumibigat ka na at lumalapad ang katawan ,umuumbok ang tyan..Hinihingal at mabilis mapagod..or may nagsabi sa iyo na ,Bakit ang TABA mo yata? na mismo ikaw di mo namamalayan..or wala kang time isiping mataba ka.

Hulaan ko ..Gusto mong mabawasan ang iyong timbang kapag nakakakita ka ng magandang katawan kaso ang problema kapag ginutom ka na,nalilimutan mo na ang iyong iniisip na katawan..Bakit?
Dito kase nangingibabaw na ang nararamdaman ng panlasa ,sinasabi ng utak na masarap ang kumain..

Minsan siguro iniisip mo ,ay ewan basta gutom ako wala na akong pakialam kahit mataba pa ako..di ba? Masarap kumain eh..

Alam nyo po ba ,kung bakit mahirap kontrolin ang malakas at ganado na kumain?
minsan stress yan,hormone imbalance, too much sugar sa katawan, once matakaw ka sa sugar lalo kang maghahanap ng kakainin..

Syempre isa rin na dahilan, ang kulang sa disiplina or control sa sarili, kahit busog na ,gusto pa rin ng bibig ,ika nga ayaw paawat hanggat ganado pang kumain..

Then after mong mabusog, mag burf  ,tatapikin o hihimasin ang tiyan ..at itatanong sa sarili ,busog na busog ako at ang tigas ng tiyan ko..tapos makakaramdam ng medyo aantukin o tatamaring kumilos dahil mabigat ang pakiramdam,.


Minsan yung iba mukhang bitin yata,susundutan pa yan ng malamig na softdrinks para daw lumabas yung dighay, at yung iba kakain pa ng panghimagas na ang ang iinumin instead of warm or room temperature water ay yung nag yeyelong tubig or di kaya matamis den inumin like chocolate puro asukal,kape na puro asukal at dairy cream mate,tapos yung iba umiinom ng tea na may 2 o 3 kutsara deng asukal..Nag desserts pa kayo!

Observed ko lang yan sa mga Pinoy..when you eat Snacks or sweet food iinumin matamis na inumin den..think think think..

Kapag kumain kayo ng matamis,panulak nyo dapat plain clean WATER lang po..if possible warm tea
kase ako hot green tea talaga or any herbal tea..or just plain water..

Ay naku..Sinasabi ko ito kase nakikita ko sa mga Filipino ,kahit pamilya ko sa Pinas ,ganyan sila,kaya minsan galit ako..matigas ang ulo..so bahala kayo..

Kapag ang ulam naman mamantika ,imbes na uminom ng tubig ,iinoman ng malamig na softdrinks o nagyeyelong tubig..wala na ,yan yung reason kaya lumalaki tiyan ng isang tao..
bukod sa mamantikang ulam, masebo na mga meat, maraming kanin, at kulang sa gulay ,bibilis talaga ang pag laki nyo..tapos kahit bago matulog kakain pa ng heavy meal..o paano? alam nyo na ang sagot.

At higit sa lahat,dahil kulang sa fiber or enzymes ,mahina ang panunaw ,so hirap ilabas at di madumi ng ilang araw , kaya yung lobo ng tiyan di umimpisimpis, ang hindi ren pag dumi ng regular ay nakakalaki ren ng bilbil..bukod sa nakakabaho ng singaw ng katawan at nakaka pag bad breath ..

so , maraming side effect at problema kapag mataba ang isang tao..

Tandaan kumain man ng marami ,kinabukasan mag papawis kayo,at wag araw araw fiesta,,mamahinga naman kayo sa nakakatabang pagkain..alternate..parang aschedule lang yan..

Ako kumakain den minsan ng mga unhealthy food .like burger,fries,tempura,chocolates,cakes or ice cream..but in moderation ..at may limitation ang dami ng kinakain ko ..

well, long story na..i just want to share my experienced how i maintain my weight and my body figure ..kase mahirap ang mataba..tandaan nyo yan..kung masaya kayong mataba kayo ..so CHOICE nyo yan..goodluck po..

being figure conscious means healthy body 

i'm not young but i style myself like a teen ager 



Luweeh Tips ...
"Kumain ka ng Gusto mo... 
ng walang Pang-aabuso"
.




Monday, October 28, 2013

Ang Pagtaba ay Huwag Sisihin sa Masarap na Pagkain

May mga taong sadyang mahilig kumain .May mga tao naman na sadya lang matakaw o kung tawagin ay hindi nabubusog...siguro ang pagkain ay ang kanilang kaligayahan,
Kung baga sa bisyo, Food Lover sila..or food addict ? o sadyang masarap lang kumain ika nga'

mahilig akong kumain ayon sa nararapat ng aking katawan

Alam natin ang tao ay may sapat na dami ng kinakailangang kainin ,ayon na ren sa ating edad,pangangatawan ,taas at mga ginagawang trabaho.
Ang tawag dito ay yung Calorie intake natin ay dapat alam natin,kung sosobra tayo sa pagkain niyan,ay yan ang nagiging dahilan ng pag taba ng isang tao..tapos di pa gumagalaw..

Ganun pa man,Kumain ng masarap ay hindi naman bawal.Ang masama dito ay yung resulta ng hindi pagkain ng wasto o balanse.mahirap liwanagin ito sa taong walang paki.,di po ba!



Marami akong nakausap,natanong,o naririnig at nababasa na ren,na ang sinisisi ng iba ay ang mga masasarap na pagkain.Aba 'oo nga naman ,kung puro paligid ka nga naman ng mga nakakatulong laway na mga pagkain,eh makaiwas ka ba ,kung talagang masarap eh..eh matatakam ka nga.

Aba eh,walang masama sa pagkain ng dami ng gusto nyo,basta ba may pambili o pangkain ka.walang babawal sa iyo,ika nga.
Kung baga uminom ka kung may pera ka,wag kang puro palibre lol...magbibisyo ka lang ,nandamay ka pa..

Anyway,Ang mga pagkain ay sadya namang walang kasalanan..sisihin mo man ito ,
    " Ang mali talaga ay yung gumawa ng nakakaadik na timpla ng mga ito.."

Gawa ng iba kinain mo ,kasalanan mo..Kung masaya ka ,walang sisihan..dahil ang pagsisisi ay laging nasa huli..

Ang mga Pagkain ay sadyang tukso..yes, sila ay mga TUKSO lamang sa ating buhay..kaya medyo mahirap iwasan.lalong lalo na yung mahihina ang puso..lol

At kung sa tingin nyo na ang may kasalanan ay yung gumagawa ng pagkain..aheh" sino ba talaga ang dapat sisihin..este ,yung nagluto o yung kumain??? Sagutin nyo..
..'eh di ba ,ang mas may kasalanan naman .eh kundi ang bibig nyo na walang disiplina..hindi po ba .oo o hindi??? ewan ko na nga.

Ang masasabi ko lang .....Ang sarap ng lasa ng pagkain ay nasa bibig lamang.


"Ang Pagkain man ay kailangan,"Ang Katawan ay dapat mo reng pahalagahan , Pagkat ang sarap ng buhay ay panandalian lamang.




Thursday, October 17, 2013

Nakakainggit ba ang isang SEXY?

  Inggit ka ren ba ? ako naiinggit ha'......Pero aminin ,inggit ka ren di ba?
May kilala nga ako,grabe siya makapintas ,yun pala inggit lang ,medyo hindi na maganda kung ang pamumuna ay makakasakit sa kapwa ..di po ba"
Ang pagiging gitil o pagkainggit minsan kapag nakakakita ng sexy ay natural lang ,lalo na ikaw ay isang taong mataba in other words  nagiging bitter ang isang tao.

  Ako ang totoo naiinggit sa sobrang sexy,malaki yung boobs,slim ang waist line tapos booty up pa...grrr' Kainggit kaya,"hmmp' aha hahaha!mala Marilyn Monroe baga..lol'

  Hindi naman masamang humanga or maiinggit,kase yun ang katotohonan,yung wala sa iyo minsan kapag nakita mo sa iba,natural na maging bitter minsan.basta ba hindi ka naka trouble ng buhay ng may buhay..
what i mean hindi ka chismosa para manira ng ibang tao..

  Para sa akin.kung humanga ka sa iba kahit ayaw mong aminin na ikaw ay naiinggit, kailangang mas ganahan ka na gumawa ng paraan at mainspire sa nakita mo, na wala ka,Tulad kung sexy sya ,eh",di mag diet ka ,mag gym ka,ng di ka lumapad.
Hindi porket naiinggit ka eh,masama ng gumaya,basta ba sa ikabubuti mo yung ininggit mo.At hindi dapat pilitin ang bagay na hindi kaya dahil ito ay nagdudulot ng stress ,depression at pinagmumulan den ito minsan pagiging palaaway o magagalitin,or pagiging mapag isa.

  Kung naiingit ka,mainspire ka,ikanga lumaban ka kung may ilalaban naman..simple lang ,kung may tyaga daw,syempre ang resulta ay may nilaga..

   "Minsan ang inggit kung gagamitin sa mabuting halimbawa, 'ay nagiging resulta ng magandang ikatutuwa"...yan ang tinatawag na may gawa di dada..lol

 at Matabungkay beach resort

  Ako kung tatanungin,ayoko ng may bilbil,stress ako kapag lumaki ang tiyan ko ,so kumakain ako ng ayon sa dami ng kailangan ng aking katawan..umiiwas ako sa mga nakakalaki ng tiyan..tulad ng rice ,mga baked food at hindi ko inugali ang kumain sa mga fast food ,if possible pinipili ko ang kakainin ko at iinumin.At kung sakali namang mapadami ang kain ko,the next day iburn ko sa gym or kakain ako ng fresh fruits and veggies,kaysa kumain ng luto.

  Syempre ,ang ugali ko tinitingnan ko lage ang korte ng katawan ko sa salamin kung may nababago nagtitimbang ako ,kung ano na ang bigat ko..ganoon lang po kasimple para mapanatili nyo ang figure nyo.

   Mentras may nakikitang sexy at mentras naiinggit sa nakikita ,para sa akin lalo akong ganado na maging figure conscious..Kung ayaw mo maiinggit,sikapin mong ikaw naman ang kaiinggitan..
 
  "Kahit di na sexy basta laging healthy.,eh di mas ma beauty" he he he he ..

 "Kumain ng Tama ng Magmukhang Bata " ..
'see yah +.+'

Saturday, May 5, 2012

Paano ba ang Tamang Diet?

Not all Diet is right..
Marami ang ang alam na ang diet ay tumutukoy sa weight loss...subalit ang lahat ng paraan ng pag dadiet ay hindi masasabing lahat ay maganda .Katulad ng Western diet,Asian Diet,Religious diet, Fruitarian diet,Vegetarian Diet,South Beach diet,Mediterranean diet ,Raw food diet at may after 6 diet pa. May Keto,Paleo.vegan.at kung ano ano pa..

Ayoko namang pasakop sa diet tulad ng sa mga American life style puro sila karne ,baked food at fast food ..at mga relihiyoso na fasting diet naman...Kayo anong Diet ba ginagawa nyo? banana diet ba ?o cracker diet ? hmmm..



What is Diet really means?
Sa simpleng detalye,.Ang salitang Diet ay tumutukoy sa lahat ng pagkain at pag-inom ng tao .Pag sinabing Diet..ito ay may kinalaman sa katawan at kalusugan..may sakit man o wala,..Subalit may tamang paraan ng pag da diet..ano ba ito?

Ano man ang kinakakain nyo regularly ay tinatawag itong Diet..Ang pagkain ay ang inyong DIET..so kapag hindi balance ang diet or kinakain nyo....
doon ka tataba at magkakaroon ng problema sa kalusugan and so on..
bukang bibig lang ng mga Pinoy "mag dadiet ako.".na magpapapayat daw siya..

Diet is the food you consumed everyday,that's why may nagpapayo na add this to your diet or balance your diet..kase yung kinakain nyo hindi tamang diet..GETS?

Ang tamang Diet ay ang pagpili ng tama at wastong pagkain... yes,healthy diet is an act of restricting food intake 

Ang diet na salita ay hindi sapat kung hindi ren lang Healthy balanced diet..at para ito ay lalong maging epektibo at kapakipakinabang...lalo na sa gusto gumanda ang health ,timbang at ng figure..o di kaya naman sa nag papalaki ng muscle.

Hindi porket kumakain ka ng tamang pagkain ay sapat na..,kailangan ito ng tinatawag na pag galaw o yung tinatawag na excercise o workout..may nag da diet kase ng di nag eexcercise ,so hindi balance di ba?..importante ang nag papapawis ..para ma burn ang mga over na calories na nakuha nyo sa pagkain..

Ang tamang Diet ay yung may good results..at kita sa image nyo .

 Diet is about the manner of your living,not only what you eat and what you drink..but healthy diet is a course of food selection for health restriction or loose weight..

At alam naten na halos ang kinakain ng tao ay nakakasira ng kalusugan..,dahil sa mga chemicals at mga kung ano anong mga artificial flavoring  at mga hidden calories..

Ang Tanong ng Karamihan...Ano ba nga ang talaga ang tamang pag da DIET?
Kung ito ay tinatanong nyo at lito pa ren kayo bakit nga ba hindi kayo makapag diet ng tama?

May hindi pa kayo alam sigurado..Kailangan malaman nyo ano ang CALORIE?..
alam nyo ba ano ang Calorie?
importante po ito bago kayo mag simula ng tamang diet..kung gusto nyo ng magandang resulta,alamin nyo muna ito...

Are you counting your Calories?
 Ang tanong ko sa inyo?Alam nyo ba ang Calorie ,Ang Calorie ay iyan yung ,nakakataba sa tao na nakukuha sa mga pagkain at inumin.


per slice of pineapple is 40 calorie..
if you eat more calories than your body needs ,the left over calories are converted to fat and too much fat can lead to health problem.at weight gain..
Kaya tayo ay dapat binibilang ang tamang dami ng calories araw araw...

Ang calorie intake of the average of women ay nasa 2000 calorie o pataas
mentras mataas ang kinakain mong calories dapat malakas den ang pag buburn mo nito o pag papawis..kain papawis kain papawis ganoin..

At ang mga lalaki ay 3000 calorie pataas depende sa age .
and depends on their age,body built.weight,height ,activities o trabaho at yung kanilang metabolism..mahirap kaya unawain ito?.medyo mathematics na ano?

Pansin ko lang karamihan sa babae ngayon ay kumakain araw araw ng 3500 calories o mahigit p sa 4000 calories? at mas mataas pa yata dito hmmm..,
lalo na ren ang mga lalaki malakas kumain at sa mga umiinom ng alak pa.....ipunin nyo yan sa ilang buwan ,taon o ilang taon..kung hindi kayo mag babago ng tamang  kakainin..siguradong lalaki kayo at magkakasakit..ewan ko na lang..
Ikaw ...ilang calories meron a day ka ??

Masama ba ang CALORIES?
Hindi ito masama..
Sapagkat ang katawan naten ay kailangan ng Calories
because Calorie is the energy that fuels our body.,
parang gasolina iyan,kailangan ng kotse para umandar.

Kung kulang ka sa energy ang puso{heart} naten ay hindi titibok{beat} at ang baga{lungs} naten ay hindi makakahinga{breath} pati ang utak{brain} naten hindi gagana{function}.
So ang calorie ay kailangan ng katawan subalit pag sumobra ka sa Calories nagiging dahilan ito ng pag taba at mga sakit...Kaya kailangan nyong malaman ang calorie chart.

Paano ba malalaman ang calories sa pagkain?
Halimbawa ang ang isang babae na may edad 20 at may timbang na 48 kilos..may height na 5`3 ...mga ganyang average type siguro ang 1,500 calorie a day is mabuti na ren..hanggang 2000 calorie..wag na lalabis dito,kung masobrahan iyan, kailangan nya mag burn ng calories...o sunugin o magpapawes para matunaw ang taba..para mapanatili nya ang figure at timbang .at ang 30 minutes exercise kahit 3x a week ay sapat na ren..at ang pag kilos araw araw,paglalakad ay isa reng pag ba burn calories...

Hindi ka maaring puro healthy diet pero walang excercise...Kapag hinayaan ang calorie sa katawang maipon ,nagiging taba ito at syang nagiging dahilan ng mga sakit .
at kung kulang sa excercise nagiging sanhi ito ng pag ka bloated ,vowel problem,stress ,minsan panghihina ng katawan o mga tuhod o buto sa katawan... at kung ano ano pa..

Calculating your Calories is the right way of how to start your diet....
Kapag hindi kayo aware sa salitang Calorie....mali ang ang Pag da diet nyo..

Alamin nyo anong pagkain ang mataas ang calories..at mga pagkaing nakaka burn ng calories..exercise na mabilis makaburn ng calories..at pagkaing mababa sa calories...
       Yang po ang unang hakbang na gagawen nyo bago kayo mag simulang kumain at magsimulang mag DIET..
BILANGIN ANG CALORIES NYO ARAW ARAW..At kung tinatamad kayo...hindi tamang diet ang ginagawa nyo..


Halimbawa ng 100 calories na food
            kung target mo ay nasa 2000 cal..a day..
Ang 15 grams of mayonnaise ..o isang maliit na kutsarita ang dami siguro...kung malakas kayo sa mayonaise...ang 5 kutsarita ng mayonnaise.5 X nyo sa 100 Calories..ay=   500 calories na agad ..Natitira nyong kakainin ay 1,500 calories na lang...
        Ang mga bodybuilder ay mababa ang calorie nila a day..yung iba nasa 1,300 cal..lang..ako nasa 1,500 cal muna a day..minsan 1,300 cal..ayokong tumaas pa dyan..if nakalimot..i burn it in the gym..ganun lang po kasimple..

Kalahating baso ng gatas..o 181 grams...
299 grams of melon...mga 1/4 size ng maliit na melon siguro..
      Kaso iyan ay hindi pa timplado..ibig kong sabihin.yung mga lutong ulam..paano pa ang mga junk food,fast food,oily food,sugary food.etc...maraming hidden calories ang pagkain ng tao.....kayo na bahala paano nyo gagawen tama ang pag da diet nyo....

Mahirap talaga ang healthy balanced diet..sa walang tyaga..gudlak po sa gusto ng tamang diet..lahat ng bagay ay sarili ang nagdedecide....if you want perfect diet results..kailangan nyo ng tyaga at unawa lalong lalo na ang mga food calories..





"Remember ,Love your body first" before anything else
" Feed your body needs and not to feed the needs of your mouth"
                                                                                                       
                                                             Luweeh..~.^