Paano ba ang Tamang Diet? helphelp.com: January 2012

Wednesday, January 18, 2012

Kung Gusto ninyong Magsimula ng Dyeta Ay Bawasan nyo ang Matatamis

Lahat halos ng pagkain ay may asukal
  ..Hindi naman bawal ang pagkain ng matamis,ang masama ang pagkain ng labis..At ang maling pagpili ng mga kakaining matatamis...Ang pinakakain nyo ay sarili nyong katawan.hindi ang katawan ng iba.,ang nasisiyahan at ang mahihirapan pag nagkasakit ay sarili ninyo ring katawan...kung aalamin nyo naman ano at alin ang masamang matatamis ,ay napakarami po.

Magbibigay ako ng mga pagkaing matatamis na mahirap iwasan ng mga tao..
   Cakes ,tinapay,ice cream,chocolates ,candies.hopia..mga kakanin,minatamis sa bote,dried fruits,softdrinks,juices,junk foods at kung ano ano pa.....Ang mga iyan ay ilan lamang sa aking nabanggit..


Refined Sugar is bad for your health 
  Pero ayun sa mga experto ang puting asukal ay hindi po maganda talaga kaso sa buhay ngayon mahirap mamili,subalit kung gugustuhin mong maging healthy may paraan naman ..pwede nateng bawasan ang pagkain ng matatamis at magisip ng ibang kapalit na mas natural yung sugar.
medyo magastos nga lang  lalo na sa gipit sa buhay,hindi ko na yan masisisi,ang tinutukoy ko lang dito is about the right amount of sugar and the best alternative for sweet  like honey or stevia .yan po ang ginagamit ko lage..
at mas mabuti pa ang ang brown sugar ,o yung unang piga ng tubo o sugar cane. at marami pang natural na asukal
Ang prutas ay isang magandang halimbawa ng natural sugar....imbis mag desserts kayo magprutas kayo.
.


Maling paraan ng pagkain ng Matatamis.
    At pag sinabing desserts ay small amount ang tinutukoy dito. .not craving..at after ng desserts ano dapat nyong gawen...?? uminom ba ng coke?
 Marami kase kong nakikita na kumakain ng cakes,banana `q o hopia ,puto kalamay etc..ang iniinom ay juices or softdrinks.."patawa ba kayo"...kung gusto nyo ng tamang kalusugan..magtubig kayo
 .Ang titigas ng ulo ,ako ang naiinis pag nakakakita ng ganun..


 Alin ba ang importante Bibig ba o Tyan?
  Ang tao kase iniisip mabusog at masarapan ang bibig ..hindi naman talaga iniisip ano at saan pupunta yung kinakain .pagkatapos magsisisi dahil sila ay mataba o may sakit ng Dyabetis..ay naku marami na ko narinig nyan..sobra pa.
  Alam nyo ba na kung conscious kang talaga ,ang tama pong isipin bakit tayo kumakain ay hindi lamang mabusog at masarapan...Ang katawan naten ay isang makina .may kanya kanyang gamit..kaya iyan ay may kanya kanya reng pagkain na kailangan nateng ibigay kaya tayo kumakain..
  Bakit pa may tinatawag na vitamina kung wala itong purpose sa katawan naten..


Mag simula na kayong iwasan o bawasan ang pag kain ng maling pagkain lalo na ito ay matatamis..
natural sweets from fruits is the best sugar
Related topic.................buksan ang mga link..
Bago kayo mag diet.Alamin ano ang Calorie? ,...... http://paanobamagdiethelphelpcom.blogspot.jp/2012/05/paano-ba-ang-tamang-pagda-diet.html


Bakit marami sa atin ang hirap mag Diet..ano ang mga dahilan?...http://paanobamagdiethelphelpcom.blogspot.jp/2011/12/10-dahilan-bakit-mahirap-mag-diet.html


Alam nyo ba Gaano kadami ang sukat ng fats sa katawn nyo?? Alamin paano ba nga?http://paanobamagdiethelphelpcom.blogspot.jp/2011/12/sino-sa-inyo-alam-ang-sukat-o-dami-ng.html


Masarap maging sexy kaya gusto ko mag Diet?? http://paanobamagdiethelphelpcom.blogspot.jp/2011/12/sino-sa-inyo-alam-ang-sukat-o-dami-ng.html





Monday, January 9, 2012

I have Cute Bicep Muscle..

   Yeah.i know it is weird to those who are not appreciate muscle especially people who don`t like female muscle...well sorry but i have muscle.......
   i know i know muscles are not a common thing for a woman..its created for guys but who cares, .for me
muscle is healthy and sexy ...


Ang lahat ng tao babae o lalaki bata man o matanda ay may muscle po...lumalaki lang ito pag ito ay inyong inalagaan..tulad ng pagwoworkout at pagkain ng maraming protina...at syempre healthy eating importante po .marami pong bawal sa muscle building.......kung kayo ay mahilig kumain o tamad sa mga exercises..o may mahinang pangangatawan o kalusugan hindi po kayo nararapat mag muscle build..much better to check a physician..bago nyo ito gawen..

Muscle in Japanese...is Kin Niku
Jane..muah muah..













thanks  .....

Thursday, January 5, 2012

Nakakataba Ba Ang Tinapay?

 Ito ay napakagandang pag usapan tungkol sa ating pag da diet,
      Ang tinapay o yung mga baked food..like cakes ,cookies,pie,crackers,fudge,at lahat ng binebeyk na gawa sa arina...lahat yan masarap di ba..Ano ang paborito ninyo? chocolate cake ba?egg pie?sa palagay ko bihira ang hindi gusto ang mga ito...lalo na ang pandesal sa umaga,tasty at iba pang tinapay..
     At alam nyo ba ako ay lumaki sa panaderya ,ang lolo ko kilala sa lugar namin sa pag titinda ng tinapay lalo na ang pandesal...kaya may alam ako kung paano ginagawa ang mga tinapay..nakakatuwa siyang panoorin lalo na yung pag mamasa..at pag niluluto .Mabango siya at talagang gugutumin ka lage natatandaan ko pa lage naming  palaman ay matamis na bao at kasilyo,yung cottage cheese na kung tawagin

Ano ba ang pangkaraniwang sangkap sa pag gawa ng tinapay?
   Una sa lahat  hindi mawawala yung  baking powder o lebadura para mag paalsa ng tinapay, at mantika o mantikang tulog kung tawagin., mga butter ,mantekilya,  gatas,asukal  at asin, 
  At yung dagdag pang pasarap tulad ng mga keso,chocolate,nuts,dried fruits like raisins,tuna ,ham at kung ano ano pang pang dagdag pasarap sa tinapay...
    Kung susuriin nyo ang mga tinapay ,hindi nyo ba napupuna? kung hindi man matamis ang mga ito ay mamantika...kahit pa isang matabang na tinapay tulad ng tasty o pandesal ..ito ren ay puno ng mantika mantekilya at asukal..at ang arina ay isang mabigat na pagkain sa ating tiyan. at matagal itong matunaw ..


So, pag hindi mo binalanse ang tamang pag kain ng mga tinapay,sa palagay nyo ba,ang mga sangkap na aking nabanggit sa pag gawa ng tinapay ay hindi ka tataba?
   Kung ikukumpara nyo sa rice ang tinapay, ay pareho silang carbohydrates na mabigat sa ating tiyan..ang kanin ay wala nga lang sangkap na hinahalo ,maliban sa tubig
 ..kaya hindi nyo ba napapansin mas maraming over weight sa bansang kinaugaliang kumain ng  tinapay tulad ng America..


 Kung nakakataba ang tinapay ,so ano ang nararapat ?
   Hindi naman naten pwedeng sabihing, wag kayong kumain ng mga baked food ,mahirap namang iwasan sapagkat ang mga iyan ,ay mga pagkaing atin ng kinagisnan. lalo na nga at kapag ito ay masarap ,at kapag ikaw ay  gutom hindi mo na iisipin ang mga pag da diet.At kahit saan ka magpuntang sulok ng daigdig ay may tinapay..
   Ang usapin kong ito ay hindi para sabihing wag kumain ng tinapay,kunde sabihing nakakataba ang tinapay...
.
Balance eating ..
   Lahat naman ng bagay kapag labis ay hindi maganda,kaya dapat namang ugaliin natin ang  kumain ng balanse   at tamang dami..
   
To those who are figure conscious and serious about their diet ,you must reduce your intake of eating bread.. or piliin nyo yung wheat bread instead..
  If asking me honestly , hindi ako pala kain na ng bread or titingnan ko muna yung likod to check the contents and ingredients .
  
  At sa mga hindi nakakaalam  ,hindi advicesable ang tinapay para sa mga nag ba body build at sa mga gustong  magkaroon ng 6 pack abs ..Kaya yung ibang mahilig sa bread o baked food ay gumagawa  ng sarilng recipes para alam ang ingredients..




WHOLE WHEAT BREAD...is also made of flour but it is more nutritious than white flour..

  At hindi po pang diet ang tinapay  ito ay nakakabusog lang..

Pwede namang kumain wag lang lamon..








Monday, January 2, 2012

Nakakataba ba talaga ang Kanin?

Paano ba mag diet help help.com: Nakakataba ba talaga ang Kanin?: Eat the right amount of rice in your diet Hindi natin sinasabi na ang kanin o white rice ay isang nakakatabang pagkain, Ang kanin o a...

Sunday, January 1, 2012

Sino ba naman ako?

What I`m Doing Here Tokyo?: Sino ba naman ako?: simple me Let me tell you about me again ...Aside of being creative and artistic... 1,Mahilig ako na mag isa ...and i love being alo...

Nakakataba ba talaga ang Kanin?

Eat the right amount of rice in your diet
    Hindi natin sinasabi na ang kanin o white rice ay isang nakakatabang pagkain, Ang kanin o ang rice ay may health advantage dahil ito ay low in fat at high in protein..
   At ang maganda dito ay ang kanin ay mabilis makabusog  kaya medyo mabigat sa tyan..so nakakatulong ito para tayo maibsan ang gutom at mapuno ang tyan at di agad ginugutom ..lalo na sa matagalang oras na pagtatrabaho..
   Ano naman ang Brown Rice?Ano ba pinagkaibahan ,rice naman pareho?
 Pero sinasabi ng iba na ang white rice ay di magandang pagkain lalo na sa nag da diet.at mas mabuti raw ang brown rice,  yes brown rice is the healthier option to white rice dahil ito ay high in fiber ,at 30g of fiber ay kailangan naten a day.ang fiber ay mabilis matunaw sa tyan di tulad ng white rice matagal tunawin ..
  Ang brown rice at white rice ay iisang uri ng bigas, na hinubaran at inalis ang nakabalot sa makulay na bigas.,pinaputi at pinakintab..At yung sinasabing sustansya ng rice na nasa brown rice ay naalis .
  Bakit ba ginagawa pang white rice kung mas more healthier ang brown rice?
     Ang White rice pag niluto mo na at kinain .sya ay makintab mabango at malagkit lalo na dito sa Japan the best ang rice nila,para syang malagkit napaka sticky nya..
     Ang brown rice pag niluto mo na hindi masarap tingnan dahil dry ang itsura nya na parang kulang sa tubig..sabi nga nila hindi ka gaganahang kumain...Ang tao kaya gusto lage masarap.pero di naman masama ang amoy nya ,katunayan gustong gusto ko sya..maganda talaga sya diet ,kase mabilis matunaw...pero wala reng masama kung white rice ang kainin nyo daily.ang importante ,watch the amount of rice lang..napakasimple po di ba?
    At sa aking pag susuri,ang tunay na dahilan na bakit puti at hindi brown ang  kilala ng tao...ay mas masarap kainin daw ang puti sa brown..nasubok nila na mas nabibili ang white sa brown..so yung nag nenegosyo ng bigas mas magbebenta sila ng mabili kesa sa di nabibili.subalit hindi naman nawawala ang brown rice hindi lang sya sikat,mapalad ang taong matalino na nakakaalam ng mga ganitong bagay at nagsusuri lalong lalo na may kinalaman sa ating kalusugan.
   Iba nga lang sila ng presyo mas mahal ang brown rice..Samantalang maraming ginawa sa puti bago maging puti,nakakatawa ano?
So ...Ang Tanong Nakakataba Ba Ang Rice? brown o white pa sya
   Alam nyo wala sa rice ang pagtaba ng isang tao.kahit araw araw ka pa mag rice kung you know how to limit the amount of your rice ay hindi ka tataba..
eh kung kakain ka ng sobra o ilang plato ang binanatan mo at kasabay pa ng mga mamantikang mga ulam ,may softdrinks ka pa..may dessert ka pa ..ay iyan panigurado ko kahit sino magiging dambuhala..


Hindi nakakataba ang rice ,white or brown,kaya lang ang brown rice is the healthier option lalo na sa mga seryosong nag dyedyeta. at lalo na sa  mga bodybuilder..
Rice can be part of many healthy diets brown pa o puti..nagkaiba lang sila sa sustansya.at lasa.. pareho po silang carbohydrate just be sure to watch your intake and count your calories if you like eating rice..


Too much eating rice....
  Nakakalaki  ito ng tyan..kaya nagtataka kayo bakit payat naman kayo subalit malaki ang tyan nyo...
ask yourself why?