Paano ba ang Tamang Diet? helphelp.com: 2013

Tuesday, December 17, 2013

Infection sa Kidney dahil sa Kagat ng Lamok

    Hindi biro ang kagat ng lamok kung ito ay hindi agad gumagaling.
Huwag nyo itong dededmahin ,sapagkat ang kagat ng lamok na hindi agad gumagaling ay may posibleng magdulot ng infection sa ating buong katawan,tulad ng Dengue ,malaria,Skin disease,Kidney infection at kung ano ano pa.
   Dahil ang lamok ay isa sa napakaruming insekto na dala ay puro sakit,ang tulis ng kanilang ngipin kapag bumaon sa ating balat ay naiiwan ,at kung mahina ang inyong resistensya lagot tayo dyan.
isipin nyo kapag kayo ay nakagat ,kagat pa sa iba,hawa hawa na tayo..lintek na lamok iyan..bat di pa nawala.

 
     Ang mga gamot na iniinom na hindi reseta ng Doctor o hindi iniinom ng tama ay nakakasira ng ating Kidney.Mga gamot na pinapahid sa ating balat ,lalo na ito ay matagalan mong ginagawa,lahat ng pinapahid natin sa ating balat ay pumapasok sa loob ng ating system,na ang nag hihirap ay ang ating Kidney.
    Infection sa balat na di inagapan ay nagiging sanhi ng Kidney Infection..ang munting kagat ng lamok kapag hindi gumaling kaagad kakalat sa braso,mangangati kayo,mahihirapan,di makakatulog,dudumi pati balat..kapag malala na mahirapan na kayong umihi na signal na may infection pati loob ng katawan nyo..

Ilang bagay na GUSTOng gusto NG LAMOK NA PUPUGIN..
   Madaling kagatin o paborito ng lamok ang iba ang amoy ng balat ,lasa ng dugo .so di nyo napapansin ang mga galing sa ibang bansa ay gustong gusto ng mga lamok pupugin..parang ako at ng pamilya ko sa Japan.
   May damit na maputi o nakakasilaw ,iyan ang gusto nilang lapitan..so dapat madidilim ang damit ng takot sa lamok..
   Mga paligid na tambak ng gamit o damit na di nasasanting palage like kurtina.madilim na ilalim ng lamesa..mabaho o maruming tambak.
   Mga taong umiinom ng alak o lasing o amoy alak ..
At marami pa...

Huwag nyong balewalain ang kagat ng lamok dahil may posibilidad itong lumala at mapunta ang infection sa inyong Kidney..

Kawawa pati mga bata...Ingat po tayo palage at maging malinis sa ating kapaligiran ,at iwasang may mga stock na tubig sa ating paligid .


more topic next time...jane!


Monday, October 28, 2013

Ang Pagtaba ay Huwag Sisihin sa Masarap na Pagkain

May mga taong sadyang mahilig kumain .May mga tao naman na sadya lang matakaw o kung tawagin ay hindi nabubusog...siguro ang pagkain ay ang kanilang kaligayahan,
Kung baga sa bisyo, Food Lover sila..or food addict ? o sadyang masarap lang kumain ika nga'

mahilig akong kumain ayon sa nararapat ng aking katawan

Alam natin ang tao ay may sapat na dami ng kinakailangang kainin ,ayon na ren sa ating edad,pangangatawan ,taas at mga ginagawang trabaho.
Ang tawag dito ay yung Calorie intake natin ay dapat alam natin,kung sosobra tayo sa pagkain niyan,ay yan ang nagiging dahilan ng pag taba ng isang tao..tapos di pa gumagalaw..

Ganun pa man,Kumain ng masarap ay hindi naman bawal.Ang masama dito ay yung resulta ng hindi pagkain ng wasto o balanse.mahirap liwanagin ito sa taong walang paki.,di po ba!



Marami akong nakausap,natanong,o naririnig at nababasa na ren,na ang sinisisi ng iba ay ang mga masasarap na pagkain.Aba 'oo nga naman ,kung puro paligid ka nga naman ng mga nakakatulong laway na mga pagkain,eh makaiwas ka ba ,kung talagang masarap eh..eh matatakam ka nga.

Aba eh,walang masama sa pagkain ng dami ng gusto nyo,basta ba may pambili o pangkain ka.walang babawal sa iyo,ika nga.
Kung baga uminom ka kung may pera ka,wag kang puro palibre lol...magbibisyo ka lang ,nandamay ka pa..

Anyway,Ang mga pagkain ay sadya namang walang kasalanan..sisihin mo man ito ,
    " Ang mali talaga ay yung gumawa ng nakakaadik na timpla ng mga ito.."

Gawa ng iba kinain mo ,kasalanan mo..Kung masaya ka ,walang sisihan..dahil ang pagsisisi ay laging nasa huli..

Ang mga Pagkain ay sadyang tukso..yes, sila ay mga TUKSO lamang sa ating buhay..kaya medyo mahirap iwasan.lalong lalo na yung mahihina ang puso..lol

At kung sa tingin nyo na ang may kasalanan ay yung gumagawa ng pagkain..aheh" sino ba talaga ang dapat sisihin..este ,yung nagluto o yung kumain??? Sagutin nyo..
..'eh di ba ,ang mas may kasalanan naman .eh kundi ang bibig nyo na walang disiplina..hindi po ba .oo o hindi??? ewan ko na nga.

Ang masasabi ko lang .....Ang sarap ng lasa ng pagkain ay nasa bibig lamang.


"Ang Pagkain man ay kailangan,"Ang Katawan ay dapat mo reng pahalagahan , Pagkat ang sarap ng buhay ay panandalian lamang.




Thursday, October 17, 2013

Nakakainggit ba ang isang SEXY?

  Inggit ka ren ba ? ako naiinggit ha'......Pero aminin ,inggit ka ren di ba?
May kilala nga ako,grabe siya makapintas ,yun pala inggit lang ,medyo hindi na maganda kung ang pamumuna ay makakasakit sa kapwa ..di po ba"
Ang pagiging gitil o pagkainggit minsan kapag nakakakita ng sexy ay natural lang ,lalo na ikaw ay isang taong mataba in other words  nagiging bitter ang isang tao.

  Ako ang totoo naiinggit sa sobrang sexy,malaki yung boobs,slim ang waist line tapos booty up pa...grrr' Kainggit kaya,"hmmp' aha hahaha!mala Marilyn Monroe baga..lol'

  Hindi naman masamang humanga or maiinggit,kase yun ang katotohonan,yung wala sa iyo minsan kapag nakita mo sa iba,natural na maging bitter minsan.basta ba hindi ka naka trouble ng buhay ng may buhay..
what i mean hindi ka chismosa para manira ng ibang tao..

  Para sa akin.kung humanga ka sa iba kahit ayaw mong aminin na ikaw ay naiinggit, kailangang mas ganahan ka na gumawa ng paraan at mainspire sa nakita mo, na wala ka,Tulad kung sexy sya ,eh",di mag diet ka ,mag gym ka,ng di ka lumapad.
Hindi porket naiinggit ka eh,masama ng gumaya,basta ba sa ikabubuti mo yung ininggit mo.At hindi dapat pilitin ang bagay na hindi kaya dahil ito ay nagdudulot ng stress ,depression at pinagmumulan den ito minsan pagiging palaaway o magagalitin,or pagiging mapag isa.

  Kung naiingit ka,mainspire ka,ikanga lumaban ka kung may ilalaban naman..simple lang ,kung may tyaga daw,syempre ang resulta ay may nilaga..

   "Minsan ang inggit kung gagamitin sa mabuting halimbawa, 'ay nagiging resulta ng magandang ikatutuwa"...yan ang tinatawag na may gawa di dada..lol

 at Matabungkay beach resort

  Ako kung tatanungin,ayoko ng may bilbil,stress ako kapag lumaki ang tiyan ko ,so kumakain ako ng ayon sa dami ng kailangan ng aking katawan..umiiwas ako sa mga nakakalaki ng tiyan..tulad ng rice ,mga baked food at hindi ko inugali ang kumain sa mga fast food ,if possible pinipili ko ang kakainin ko at iinumin.At kung sakali namang mapadami ang kain ko,the next day iburn ko sa gym or kakain ako ng fresh fruits and veggies,kaysa kumain ng luto.

  Syempre ,ang ugali ko tinitingnan ko lage ang korte ng katawan ko sa salamin kung may nababago nagtitimbang ako ,kung ano na ang bigat ko..ganoon lang po kasimple para mapanatili nyo ang figure nyo.

   Mentras may nakikitang sexy at mentras naiinggit sa nakikita ,para sa akin lalo akong ganado na maging figure conscious..Kung ayaw mo maiinggit,sikapin mong ikaw naman ang kaiinggitan..
 
  "Kahit di na sexy basta laging healthy.,eh di mas ma beauty" he he he he ..

 "Kumain ng Tama ng Magmukhang Bata " ..
'see yah +.+'

Wednesday, July 31, 2013

Bakit Mahirap Iwasan ang Kanin?

Bakit nga ba mahirap iwasan ang rice? Talaga namang mahirap itong iwasan dahil ang Filipino ay ugali ng kumain ng rice,hindi ka mabubusog kapag walang rice,So paano nga ba ang gustong mangyare ng taong gustong umiwas sa rice?

fried tice


   Ang point ko dito,Hindi naman kailangang umiwas sa kanin ,kundi bawasan lang natin ang amount ng rice na ating kinakain sa araw araw
   Ang sasabihin ko lang sa taong namomoblema sa lakas kumain ng rice ay unti untiin nyo lang ang pag babawas ng kanin every meal.
   Huwag nyo itong bibiglain ,tulad ng pagpapalipas ng gutom o mag skip ng meal,maling mali po ito lalo lang kayong matatakaw at kakain ng mas labis.

Alam nyo ba ang totoong dahilan..kung bakit mahirap umiwas sa kanin
  Ito ay dahil na ren sa mga ulam ..na araw araw ay puro mamantika o yung nakakatakaw na ulam para lumakas ang kain nyo ng rice..hindi po ba?
 At kung minsan kapag kakaunti ang putahe,napapadami ng kain ng rice para mabusog lamang
(budget problem na ito)

   Kailangang mas marami ang gulay , protein dish ,soup kaysa sa rice..ang pinoy kase isang putahe sa tatlong plato ng kanin..( out na po ko diyan)

Hindi nyo ba alam ,hindi masama ang Rice
   Kahit pa araw araw kayong kumain,Basta kailangan nyo lang ng disiplina
At kumain lang sa tamang oras ng rice at tamang dami
dahil ang rice ay matagal idigest sa tiyan kaya marami ang nag aadvice na hindi maganda kumain ng
too much rice lalo na sa gabi..

   Subukan nyo ang rice every morning,kahit 1 cup ,lunch 1 cup ,sa hapon 1 cup..huwag kayong kakain ng rice ng before 2 hours ng oras ng inyong tulog..Maari ren na hindi na kayo kumain ng rice sa dinner basta sigurado kayong kompleto ang dinner nyo na mabubusog kayo ng tama,dahil after 2 to 3 hours ang tao po ay ginugutom lage.

  At one tip from me,before meal try to drink soup first kung mayroon.or drink water first not cold water either fresh juices or start your meal with fresh fruits or veggies salad then tsaka kayo mag start sa rice..kundi nyo kaya,it's not my problem anymore.

At ugaliing uminom ng warm drink after meal instead of cold water..
( cold water with ice ay nakakadagdag ng pagtaba) search for this..yung mantika na kinain nyo ay magiging sebo sa loob ng bituka nyo..

  At ang masasabi ko pa kung 1 cup ang rice nyo every meal,dapat full of veggies kayo,may fish ,small amount of desserts,at prutas..sa mahilig sa mga baboy ,manok,karne,..remedyo lang po sa mga iyan..iwasan nyo ang mga mamantika o matatabang ulam...( kung Physically Active kayo mas better po )
kung mahilig kayo sa pagkaing pinoy,at kulang pa kayo sa exercise,alam nyo na ang sagot diyan..


one cup every meal is good 

Aba eh....Kumain lang tayo ng RICE 
         Hindi ito kailangang IWASAN,kundi ...........dapat itong BAWASAN
Umiwas ka sa RICE 
         Kung may alam ka................................ sa larangan ng HEALTHY DIET

   At hayaan ninyong masanay ang inyong bituka sa maliit na amount ng rice every meal,dahil kung malakas kayong kumain ng kanin..
natural ay luluwang po ang inyong lalagyan ng pagkain ,i mean sa loob ng inyong tiyan..yung bituka nyo sanayin nyo reng lumiit ng hindi lumobo .


    "Tandaan ang rice ay isang carbohydrates na mabigat at matagal matunaw sa tiyan..
kung di nyo maiiwasan kumain ng labis nito..ay kayo na ang nakakaalam ng sagot nito."

Ang Bilbil o Pagtaba...na karamihang problema ng Filipino..
isang patunay ito.. na ang Pinoy ay malakas kumain ng RICE..



Salamat po...

Wednesday, March 6, 2013

Hindi Makontrol na Pagkain ng Marami.

  Yan ,Ang tanong ng karamihan,Kapag napaharap na sa mga masasarap na pagkain,Hindi na makaiwas na hindi matakam lalo na masarap at amoy ng mga pagkain....Lalo na nga, kung ikaw ay gutom pa.
  Ay naku!!, Mahina siguro ang tatlong platong balik..."Yung iba nga busog na ang tyan,Yung bibig naman daw ay gutom pa," kaloka'
  Yan po ang problema ng taong mahilig kumain"..Aray ko..Tama po ba ako?

  Sabi nila masaya ang kumakain ,nakakawala daw ng stress..oo nga pero paano ang resulta inday' Remember today is okay ,tomorrow is paano na..??

don't ignore your body...change yourself with a healthy clean life style

  

Ano ba ang Dapat Gawen sa di makontrol na pagkahilig sa Pagkain?
o pagka adik sa pagkain ng marami...
  Ang una sa lahat ,hindi iyan kaya ng pabigla bigla,yung iba sumusubok para umiwas kumain.
tulad ng di muna kakain sa umaga o kaya eh,dalawang beses na lang daw kakain ,alam ko mali po iyan..Hindi nyo ba alam,lalo lang kayong magiging matakaw...at masasabik kumain .

   Sa aking karanasan at napatunayan,"Simulan nyo ang umaga nyo ng saging at nilagang itlog or kamote bawasan ang bread and rice...kung walang green tea kahit hot cocoa ..if cannot avoid sugar, less your sugar..( sa mahilig sa Coffee) and i never use sugar basta drinks..so iba tayo iba kayo..
   Sinasabi ko lang ang pwede na makakaya nyo..Mahirap talaga ang seryosong pag babawas ng timbang

Alam nyo ba ang Pagdidisiplina ng Pagkain
   Dahil disiplina sa pagkain means pag iwas o pag bibigay limitasyon sa mga pagkaing gusto ninyong kainin.Torture Diet para sa hirap iwasan ang kumain ng masasarap..

  Ang pinaka madaling paraan na aking masasabi sa mga hirap magkontrol ng pagkain,Bawasan nyo lang ang sukat o dami ng kinakain nyo araw araw,ay alam kong madali para sa inyo kaysa sa iwasan ang mga pagkaing nakakataba..Bawasan nyo po ang amount ng palagian nyog kinakain...mahirap po ba?

  Eat rice ng my sukat ,one cup then plenty of veggies,soup na di lunod sa taba ng baboy,....avoid soups with fats floating ...or yung nagsesebo ,Di nyo ba alam,sa loob ng bituka nyo maninigas yan tapos iinom pa kayo ng cold water..bad po iyon..you're just storing fats inside your body at kapag ito ay naipon,yan po yung taba na nakikita nyo sa inyong baba,leeg,braso ,bilbil ,hita at lahat na taba na nakapulupot sa inyong katawan..

  Just remember drink more than 8 to ten glass of water a day..eat meat 2 times a week kung di nyo maiwasan...eat more on green veggies and fruits...more on sea foods instead of pork and beef...
hinay hinay lang..at promise in one month until 3 months masasanay kayo at lilit ang bituka nyo..at hindi na kayo lageng gugutumin....

Ang Too much MSG or Vetsin ay ang Nagdudulot ng Sobrang Appetite ng tao at Sugary food       
   Nagpapatakaw sa bibig ng tao ang mga iyan.....so ang mga fast food ,junk food,dairy food,processed food ay sagana sa sugar at MSG..Kaya ang tao nagiging matakaw..at kung hinde nyo kayang bawasan o umiwas...ay bahala na kayo,kase kayo nakakaalam ng body nyo..

  The true secret of flat abs and healthy body is clean eating lang po....Hindi nyo yan magagawa kung wala kayong disiplina....so kung hirap kayo madisiplina sarili nyo...ask for help through prayesrs..promise ,if you're serious and it really comes deeply from your heart ,there's nothing impossible para di kayo sagutin...

Nasa sa inyo ang gawa,tyaga at unawa ..nasa Diyos ang Biyaya at kasagutan sa inyong mga tanong ,,,why not try,para malaman nyo kung totoo..okay?


bye na muna...Love your body..so you can have healthy body...

Wednesday, February 6, 2013

Payat Tingnan Pero Malaki ang Bilbil..

Sigurado marami sa atin ang may ganyang pangangatawan,Di naman mataba ang katawan subalit may tiyan o bilbil..Hindi nyo ba natatanong sa sarili nyo ang dahilan kung bkit?..

Sa mga hindi nakakaalam,ang tunay na dahilan nyan ay labis na pagkain ng mga solid food na matagal matunaw sa ating tyan at mga taong mahilig kumain ng mga rice ,baked food,soft drinks, o kaya palainom ng beer...tapos mga matitinding pulutan pa..
Ang sobrang pagkain ng mga carbo food like rice ay nakakalaki ng tyan,dahil ang rice ay matagal matunaw,so bago nyo ito ilabas ay nanatili ito sa inyong tyan na syang nagiging dahilan ng pag umbok ng inyong tiyan at ang labis na pagkain ng pagkaing nakakataba o yung matataas sa calorie ay syang nagiging dahilan ng inyong bilbil..
Kung kayo ay palakain ng rice ay dapat nyong ugaliin ang kumain ng maraming gulay at prutas,at hindi puro kanin...para makatulong sa pagbilis ng pagtunaw ng inyong kinain at ng hindi kayo nagpapalampas ng araw sa inyong pagdumi..ang di pagdumi ng tamang oras ay isa ring nagiging dahilan ng paglaki ng tyan..
At ang kakulangan sa eherisyo o pagpapawis ng katawan ay isa reng dahilan para maipunan kayo ng taba sa katawan na syang nagiging sanhi ng inyong bilbil..

Kung gusto nyo itong mabawasan ,uminom ng maraming tubig na may lemon o kalamansi...mag sit ups tuwing umaga..o kahit 2 to 3 times a week na workout.jogging o 30 minutes na lakad everyday..

Payat o slim ka mang tingnan..kung malaki naman ang iyong bilbil,ay hindi ren kaaya ayang tingnan..ugaliin nateng bawasan ang mga pagkaing mabibigat na hindi agad natutunaw ,o di kaya ugaliing mag ehersisyo at kumain ng balanse..hindi lamon..yun lang ang masasabi ko,disiplina lang ang kailangan kung gusto nyo ng flat abs...at magkaroon ng healthy na katawan..




Tandaan.....
    "Ang kinakain natin,ay nakikita sa ating itsura"...

until here..babush...