Paano ba ang Tamang Diet? helphelp.com: live healthily
Showing posts with label live healthily. Show all posts
Showing posts with label live healthily. Show all posts

Thursday, April 16, 2015

Kamusta naman ang mga BILBIL nyo?

May improvement bang maganda? o nanatiling lawet at luyloy pa ren? o di kaya eh mas lumolobo at hirap maisara ang zipper ng pantalon,aray ko po!



Anyway ,nangungumusta lang ako sa mga gustong gustong maalis ang kanilang makapal na taba sa kanilang mga tiyan..

Sumubok ba kayo sa paraan ng tamang pag dyedyeta ? o sadyang hindi kaya? o kaya tinamad na dahil masarap ang kumain at nakakatamad ang mag exercise at kumain ng tama..

So huwag magtaka at magreklamo sa inyong bilbil,ang bilbil di mawawala kung di nyo palalayasin..
joke lang ,what i mean is ,kung nagsisipilyo kayo para luminis ang ngipin at ang bibig para di marumi ang inyong hininga at di masira ang ngipin..
  Eh di sipilyuhin nyo ren ang loob ng inyong tiyan,PAANO? MAg DETOX kayo.or yung tinatawag na
Colon cleansing or Detoxification...( search in the web tamad ako mag explain hahahh)

Update ko na lang itsura ko ngayon sa inyo..nag woworkout pa ren syempre ako ,nag papawis,
like nag sasayaw ako ng zumba,kick boxing,aero dance...lahat ng pwedeng gawin sa loob ng Gym .
syempre if i have time ,busy ren ako sa bahay ,isa ren akong butihing ina at asawa na need magluto at maglinis ng bahay,at isang pinay na mahilig tumawa ,lumaboy at iniingatan ang sarili kung kayang ingatan hehehh.

we are not perfect so minsan may palpak sa buhay.basta ang kamalian di mawawasto kung di mo ren ito iwawasto..basta yun , ganun nga,
PAWIS Pawis naman pag may TIME ng ang mga BILBIL ay LUMAYAS..





Saturday, January 17, 2015

Bakit Manas ang Mukha kapag tumataba?

Napapansin ko nga sa mga tao or usually nakikita ko sa mga kababayan natin karamihan kung hindi manas ang mukha at mataba ang katawan ,Halos sa mga edad na nasa 30 plus .
at karamihan may asawa at nagkaanak na,babae o man o lalaki ..

Pansinin nyo ang mga 30 na edad pataas,mapalad ang mga taong napapanatili ang kanilang timbang o katawan ng hindi lumalaki ng sobra..ngunit ang karamihan ay sadyang tumataba at lumolobo..

Hindi nyo ba alam kaya ang mga bata ay halos payat o balingkinitan..karamihan dyan ay kulang sa mga kinakain or kulang sa pagkaing sagana sa nakakataba ..at kakaunti pa ang may bisyo ,karamihan pihikan den ,lumalakas ang kain kapag umeedad ang tao..isa pa walang pera walang pangpataba hehehe
Kapag ang isang tao ay nagkapera ,means may trabaho na ..nakakabili ng gusto o nakakakain ng gusto..ang mga kabataan limitado ang mga kinakain kaya di basta tatataba..

Ang mga taong umiinom ng alak ay siyang nagbibigay dahilan ng pagtaba at kasama na rito ang mga pulutan..ang buntis na babae ,lumalakas ang gana sa pagkain ,at kahit pa ito ay nanganak na,

Ang hormone balance ng mga kabataan sa umeedad na tao ay iba,kahit ang metabolism ay nag babago..kung humina ang metabolism ng isang tao ,ito ang nagiging dahilan ng pagtaba ,sa dahilang mahina ang panunaw kaya mabilis tumaba...bakit humihina ang metabolism ng isang tao ? ito ay kulang sa exercises o physical activities ,at mga maling pagkain ( balance Diet)

Ang isang dahilan ng pag mamanas ng mukha ng tao sa aking pag sisiyasat ...ay ang sobrang pag kain ng mga FOOD ADDITIVES,MSG.too much SUGAR intake,too much salt ,Fats na galing sa Animal Meat, Artificial Food Coloring, dairy product,processed food ,Bread ( Gluten Food) Artificial Flavoring or mga Fake na pangpapasarap ...puro chemical hindi ba?
kaya ,Lahat ng chemicals na kinakain ng tao...Ano ang resulta? good or Bad? Makikita nyo sa inyong mukha instead BUMATA kayo ay TUMATANDA kayo ..at nagiging dahilan ng inyong pag taba at pagmamanas ng mukha ,yan yung side effect ng too much chemical na inyong kinain..
 ..subukan nyong puro fruits and vegetables ang kainin nyo..baka sabihin nyo ,you look very young at your age,promise...include nyo ang mga food that rich in omega fatty acids like nuts,salmon fish , flax seed ...and so on..
search nyo sa internet ang mga healthy food ,how to look younger ,and how to eat healthily...

we cannot stop aging  but we can enjoy healthy life style 



At isa reng nakakapag pabilis ng inyong kahinaan ng katawan,Pagbilis ng pagtanda kahit ika nga ay thirty pa lang naman...ang mga 40's halos lolo at lola na ang mukha...Nakakapagpabilis na pag puti ng buhok at nagpapadami ng PUTI ng BUHOK...

Hindi sa pag yayabang almost 40 na ko WALA PA AKONG PUTING BUHOK...
my secret is...i'm avoiding MSG ....

Search and find ..to know the answer..I'm here to share experienced but not advising to stand that i'm an expert..


Smile and be a Health conscious person...

Tuesday, September 4, 2012

Masarap Mabuhay ng Hindi Sakitin

Yes...Kung kayo ay magbabago ng style ng pamumuhay ..what i mean is yung mga kinakain is importante po sa lahat ng sakit na nararamdaman ng tao...kahit pa man ito ay di panghabang buhay..importante ay malusog at masigla kayo hanggang sa huling sandali ng inyong buhay...di po ba magandang pakinggan ..

Kung malala na ang sakit nyo,ayan Doctor ng bahala sa inyo,alam kong mahirap o masakit ..at alam kong ito ay magastos na sakit....subalit kung may magagawa pa namang paraan di pa po huli ang lahat...kahit man lang mabawasan ang bigat ng inyong sakit ..iyon po ay mahalaga...

Alam nyo bang ang Healthy Diet ay importante ,kahit na ano pang sakit o ano pang nararamdaman nyo sa katawan nyo ay ,isa lang po ang mali sa inyong ginagawa o mali sa inyong pamumuhay...bagkus alam kong mahirap ang buhay lalo na nga at gipit at hindi madaling kumita ng pera,nandyaang sa tindi ng stress tayo po ay nadedepress at iyan ang nagiging sanhi ng isa reng dagdag sakit sa buhay ng tao...

Isa lang ang masasabi ko ,kahit sino pang Dooctor o eksperto ,alam man ang paraan o remedyo sa natural na paraaan para matulungan ang isang may karamdaman.....AY ...hindi nila ito sasabihin sa buong tao..BAKIT? .........hindi sila kikita ...okay....Walang bibili ng gamot sa botika At wala ng magpapadoctor...

Okay...Para sa aking sarili pagsusuri at pagoobserba sa mga paligid,tao ,kilala o mga bagay na nakikita ko at nababasa sa loob ng internet...ay marami akong napatunayan at pinaniwalaan...ANO PO IYON?
Ang katotohanan tungkol sa HEALTHY DIET..or healthy living..

Alam kong mahirap sunden ang lahat ng mga pumapaloob sa pagiging malinis ang pamumuhay..dahil tayo ay paligid sa maruruming kapaligiran at hindi maayos na batas ,magulong pamumuhay at lahat ng makasanlibutang gawa ng tao ...madayang produkto ..etc etc..

Ang lahat po ay nasa sa ating sarili...ang nagdedesisyon po ay tayo...nahihirapan ay tayo...nasasarapan ay tayo...napapagod ay tayo...lahat tayo po ang gumagawa ng sarili nateng tinatamasa o nararamdaman ngayon...kayo man ay sagana..mahirap o may sakit..sikat o inaapi...

Isa lang po..kung mayroon ka ren lang naman talino..gamitin mo ito..
KUMAIN NG WASTO AT TAMA...suggestion ko focus on natural food..fruits and veggies
INGATAN ANG SARILI SA BAWAT DESISYON O GALAW NG DI MAPAHAMAK
IMPORTANTE ANG TUBIG BAGO PA ANG LAHAT NG MASASARAP NA INUMIN.
GUMALAW AT MAGPAPAWIS ,IWASAN ANG PAGIGING TAMAD.
MAGING RELAX AT IWASAN ANG STRESS O MAGALIT
PILIIN ANG KALIKASAN KAYSA SA SYUDAD NA PUNO NG RADIATION AT POLLUTION
ANG CEL PHONE AY ISANG RADIATION SA KALUSUGAN..gamitin ng tama at umiwas kung di naman importante
DUMUMI NG REGULAR AT UMIHI NG MAY MALINAW PA SA TUBIG..katibayan na malinis ang inyong inner body..
MEDITATION and PRAYER importante po ito sa lahat....
at huli sa lahat....LOVE YOURSELF,YOUR FAMILY.YOUR NEIGHBOR.....at syempre LOVE GOD ..our CREATOR..

HAVE A NICE WEEKEND PO.....God bless you all muahhh


See you...................................

Beautiful Nature...malapit lang sa house ko...im here every morning to take Vitamin D  from the Sun...try nyo ren


Saturday, August 18, 2012

Nalulungkot ka ba Dahil Mataba ka na

   Mataba man o payat lahat ay may pinag daraanan na hirap sa buhay..
Ang mahirap lang sa buhay hindi tayo pantay pantay..mapalad ka kung ikaw ay isinilang na mayaman at kawawa ang ipinanganak na mahirap.

   Ngunit ang lahat ay hindi naman palaging ganyan,lahat ng nabubuhay ay magpag asa
magsikap at magtiwala ang lahat ay may pagbabago..sa atin ang tyaga nasa Diyos ang awa.

   Ngayon,ang lungkot ay isang parte ng ating nararamdaman, maari naman itong maging masaya kung susubukan natin na maging masaya,sa hirap man o sa ginhawa..

 Malungkot ka sapagkat ikaw ay Mataba na
   Malungkot ka dahil labis na ba ang pagbabago ng inyong timbang ? Nag iba na ren ba ang sukat at laki ng inyong mga damit at syempre ang iyong kinakain ay dumami na ren ba?.....
Nasaan na ang dating sexy na kayo o ang iyong makisig na katawan?
   Mas malungkot ka dahil dati ka na talagang mataba...at hindi mo man lang ba naranasang maging slim..
 
  Masarap balik balikan sa isip ang dating isang taong payat ngunit ngayon
nagiisip kung maari pa o may chance pang mamayat..
   Ang mahirap daw,paano mababalikan ang nawala ng katawan, Malimit nyo siguro itong itanong sa sarili.
  Wala namang impossible kung gugustuhin nyong mamayat ulit.yun nga lang maraming rules,
kapag magsisimula ng tamang diet.
  
 Ang hirap naman daw kase ang sarap kumain ano?.........lalo na at maraming party at ocassion kayong napupuntahan...kahit saang paligid ,makikita mo masasarap na pagkain.wala ng ligtas baga.


   Tandaan ,hindi masamang kumain ng gusto mong kainin .kung hindi ren lang kayang maging perfect sa pag diet..
  The only key is moderation lang naman yan eh..
balance in everything ganun kasimple lang ang buhay.... kaso yun na nga,sa salita lang..
   minsan sa una lang madaling gawin katagalan sumusuko na.....

   Try to go to gym regularly ,sumali sa mga active sports para makatulong sa pagbabawas ng fats sa katawan..nakakalibang pa ito ng isip ,at nakakabawas stress.( i go to gym 4 times a week) i dance zumba ,hula, aero dance ,yoga at marami pa.

Gawing libangan ang pagpapayat at iwasan ang ma pressure sa diet .
  Tumawag ng kaibigan para mas masaya ..maraming paraan ng pag da diet na malilibang ang inyong sarili..like dancing,yoga,aerobics,cycling.hiking,play tennis etcs.

Ang pagpapapayat ay hindi impossible ano'  
  Ngunit huwag susuko , sumubok mag diet ng tama ..at mag exercise palage.reduce stress.

  if possible. MAKIPAG FRIENDS kayo sa mga HEALTH CONSCIOUS people ..or encourage some friends to do healthy diet ,mas bongga diba.
so kung pare pareho kayo ng gusto ,walang bad influence..di ba..
wala ng malulungkot,lahat na happy.'

   Remember, kung lage ka lang kain ng kain at puro lungkot ,ay sakit lang ang mahihita mo.iwasan mag tamad tamad..
   Ang taba mo ay paano maaalis ,iyan ang iisipin mo ,kumilos at gumawa ng paraan ng walang masayang na panahon. para maging good looking ka...at hindi sakitin
(Mahirap maging Diabetic ,tandaan nyo)
kung ikaw ay fit ,magiging healthy ka pa....masarap pang magdamit at magaan den ang pakiramdam...
   so hindi ka na malulungkot,at baka may maenganyo pa sa yo kung ikaw makita nilang may pagbabago..





.

.....

Bye ...see you soon..
stay cool