Paano ba ang Tamang Diet? helphelp.com: Kung Gusto ninyong Magsimula ng Dyeta Ay Bawasan nyo ang Matatamis

Wednesday, January 18, 2012

Kung Gusto ninyong Magsimula ng Dyeta Ay Bawasan nyo ang Matatamis

Lahat halos ng pagkain ay may asukal
  ..Hindi naman bawal ang pagkain ng matamis,ang masama ang pagkain ng labis..At ang maling pagpili ng mga kakaining matatamis...Ang pinakakain nyo ay sarili nyong katawan.hindi ang katawan ng iba.,ang nasisiyahan at ang mahihirapan pag nagkasakit ay sarili ninyo ring katawan...kung aalamin nyo naman ano at alin ang masamang matatamis ,ay napakarami po.

Magbibigay ako ng mga pagkaing matatamis na mahirap iwasan ng mga tao..
   Cakes ,tinapay,ice cream,chocolates ,candies.hopia..mga kakanin,minatamis sa bote,dried fruits,softdrinks,juices,junk foods at kung ano ano pa.....Ang mga iyan ay ilan lamang sa aking nabanggit..


Refined Sugar is bad for your health 
  Pero ayun sa mga experto ang puting asukal ay hindi po maganda talaga kaso sa buhay ngayon mahirap mamili,subalit kung gugustuhin mong maging healthy may paraan naman ..pwede nateng bawasan ang pagkain ng matatamis at magisip ng ibang kapalit na mas natural yung sugar.
medyo magastos nga lang  lalo na sa gipit sa buhay,hindi ko na yan masisisi,ang tinutukoy ko lang dito is about the right amount of sugar and the best alternative for sweet  like honey or stevia .yan po ang ginagamit ko lage..
at mas mabuti pa ang ang brown sugar ,o yung unang piga ng tubo o sugar cane. at marami pang natural na asukal
Ang prutas ay isang magandang halimbawa ng natural sugar....imbis mag desserts kayo magprutas kayo.
.


Maling paraan ng pagkain ng Matatamis.
    At pag sinabing desserts ay small amount ang tinutukoy dito. .not craving..at after ng desserts ano dapat nyong gawen...?? uminom ba ng coke?
 Marami kase kong nakikita na kumakain ng cakes,banana `q o hopia ,puto kalamay etc..ang iniinom ay juices or softdrinks.."patawa ba kayo"...kung gusto nyo ng tamang kalusugan..magtubig kayo
 .Ang titigas ng ulo ,ako ang naiinis pag nakakakita ng ganun..


 Alin ba ang importante Bibig ba o Tyan?
  Ang tao kase iniisip mabusog at masarapan ang bibig ..hindi naman talaga iniisip ano at saan pupunta yung kinakain .pagkatapos magsisisi dahil sila ay mataba o may sakit ng Dyabetis..ay naku marami na ko narinig nyan..sobra pa.
  Alam nyo ba na kung conscious kang talaga ,ang tama pong isipin bakit tayo kumakain ay hindi lamang mabusog at masarapan...Ang katawan naten ay isang makina .may kanya kanyang gamit..kaya iyan ay may kanya kanya reng pagkain na kailangan nateng ibigay kaya tayo kumakain..
  Bakit pa may tinatawag na vitamina kung wala itong purpose sa katawan naten..


Mag simula na kayong iwasan o bawasan ang pag kain ng maling pagkain lalo na ito ay matatamis..
natural sweets from fruits is the best sugar
Related topic.................buksan ang mga link..
Bago kayo mag diet.Alamin ano ang Calorie? ,...... http://paanobamagdiethelphelpcom.blogspot.jp/2012/05/paano-ba-ang-tamang-pagda-diet.html


Bakit marami sa atin ang hirap mag Diet..ano ang mga dahilan?...http://paanobamagdiethelphelpcom.blogspot.jp/2011/12/10-dahilan-bakit-mahirap-mag-diet.html


Alam nyo ba Gaano kadami ang sukat ng fats sa katawn nyo?? Alamin paano ba nga?http://paanobamagdiethelphelpcom.blogspot.jp/2011/12/sino-sa-inyo-alam-ang-sukat-o-dami-ng.html


Masarap maging sexy kaya gusto ko mag Diet?? http://paanobamagdiethelphelpcom.blogspot.jp/2011/12/sino-sa-inyo-alam-ang-sukat-o-dami-ng.html





No comments:

Post a Comment