Paano ba ang Tamang Diet? helphelp.com: Home Remedy Para sa may Sinusitis

Friday, April 18, 2014

Home Remedy Para sa may Sinusitis

Mahirap ang may Nararamdaman kapag sa parte ng Sintido na ang Tinitira 
  Nariyang mahirap huminga,laging masakit ang ulo,barado ang hininga pati ang tenga parang tulig ,di na makaamoy ,lumalalim o umiitim na eye bags minsan namamaga ang mukha at di maintindihang pagka irita sa sarili lahat yan halos dulot ng sinus infection.
  Minsan walang lasa ang mga kinakain,kung hindi ito ipapagamot sa doctor baka lalong lumala.

Simpleng Paraan para sa Remedyo ng Sinus Infection 
   Hindi ako experto o Doctor ...Ang aking mga itinuturo ay aking mga karanasan,
magtatanong o magsiyasat muna ng mabuti kung gustong subukan ang aking mga tips.

    Kumuha ng isa o dalawang baso ng tubig ,pakuluan ito ng kulong kulo..ilagay sa isang lalagyan na sa palagay nyo hindi basta lalamig katulad maliit na termos ..lagyan ng 2 tbsp na vinegar(any vinegar)
at singhutin nyo ng ilong ang mga lumalabas na singaw na init doon.
( Adding Chamomile Tea is okay ren )ginagawa ko ito bago matulog.
    At para madaling gawen kumuha ng bimpo o takpan ng dalawang kamay para makulob ang parte ng bibig at ilong..steaming ang gagawin nyo para matunaw ang mga namumuong sipon o bacteria sa loob ng inyong sinus..
   Mas mabisa ito kung gagawen nyo ng 2 to 3 times a day sa mabilisang resulta ,or kahit bago matulog .
Ipagpatuloy ito hanggang sa makita nyong may tumutulo na sa inyong ilong..at iyan yung mga aasahan nyong resulta,malaki ang igiginhawa ng inyong pakiramdam..promise (Sauna Steaming Bath ay isa reng magandang paraan )Dahil ang buong katawan ay pagpapawisan.

Neo pot Wash..
  Sa mga nakakaalam na pag gamit ng neo pot wash,ito ay pag huhugas ng loob ng ilong sa pamamagitan ng maligamgam na tubig at kaunting asin..
  yung dulo ng nguso ng neo pot ay itatapat sa kabilang butas ng ilong at yuyuko kayo na patagilid para maipasok ang tubig sa ilong at lalabas ang tubig sa kabilang butas ng ilong..gawin ito ng salisihan ..
  Medyo may nakakaasiwa itong pakiramdam ,na minsan medyo mahapdi at kung di marunong ay malulunok ang tubig..
   Maganda itong paraan ng paghuhugas ng loob ng ilong ,parang nag mumumog lang kayo, ang mga alikabok o bacteria na nakakapit sa paligid ng ating ilong ay malilinis ,gawin ito ng regular at may makikita kayong pagbabago..

   Umiwas sa maruruming paligid o mababahong lugar ,at kung kinakailangan palagiing gumamit ng medical Mask ,dito sa Japan kinaugalian na nilang nagsusuot ng Mask ( Mask na ginagamit sa Hospital po )..
 
Ugaliing Maghugas ng Kamay at Magmumog
   Huwag Kalimutan ang palagiang paghuhugas ng kamay bago kumain at kapag galing sa labas,,anytime kung may oras ren lamang at magmumog everytime na magpapahinga na..
mumog sa umaga,mumog sa gabi ay isa reng remedyo para matulungan ang inyong allergy or sinus infection.
    Lahat ng bacteria kung hindi sa ilong pumapasok ay ang bibig natin ang unang nakakatanggap ng bacteria..

   At Higit sa lahat Eat Balance Diet..more Fruits and Vegetables is good suggestion..at uminom ng maraming tubig..Tandaan ang labis na pagkain ng di masusustansyang pagkain ay lalong nagbibigay sa atin ng sakit o problema sa ating katawan...

       Love Your body okay.....


No comments:

Post a Comment