Ang uminom at kumain sa araw araw ay ginagawa natin para sa pangangailangan ng ating katawan,
ng hindi tayo magutom at mauhaw, Maling konsumo ng pagkain o ng iniinom ay nagdudulot ng hindi maganda sa ating katawan o nagdudulot ng sakit..Kaya nga kailangan natin ng balanse at tamang pagkain at pag-inom..
Bukod sa pagkain,Naitanong nyo na ba sa inyong sarili kung sapat ba ang tubig na inyong iniinom sa araw araw o sobra ba ang inyong iniinom ..
Mga Ilang Bagay na Makikita sa ating Sarili
Kung Paano Malalaman ang Kulang sa Tubig?
1.Mabagal o bihira ang pag ihi or patak patak kung umihi
2.Madilaw ang inyong ihi o hindi maliwanag.( ang sobrang dilaw o itim ng ihi ay maaring may sakit o di kaya sa matatapang na iniinom )visit your doctor in this case.
3.Makikita ito sa inyong skin,tuyot at kulubot na magaspang.pati na ang kaliskising balat ,Pagmasdan ang inyong palad kung tuyot..( UMBOK na palad ang may sapat na tubig )
4.Bihirang Pawisan.
5.Pagkakaroon ng amoy sa katawan,like anghit ,Hininga,utot at singaw ng pwerta,kahit singaw sa anit ( Mabilis na pag asim ng buhok)
6.Madalas na singawan sa loob ng bibig..
7.Mabilis Balakubakin
8.Mahirap Dumumi ( Constipation Problem)
9.Mainiting katawan( Body temperature )
Bukod dito ay marami pang bagay na malalamang kulang ka sa tubig..ilan lang iyan sa aking mga siniyasat at aking iniingatan sa araw araw..
Umiinom ako ng mahigit 2 liters na tubig araw araw..
Green tea..siguro ang naiinom ko sa isang araw ay mahigit 5 cups ng mainit na green tea..
Water...1.5 liters kapag nasa gym
Water kung nasa bahay 4 to 5 glass
At ang mga kinakain naten araw araw ay may tubig den ngunit hindi naten makukuha ang sapat na dami ng tubig kung hindi tayo iinom ng tubig .
Ang kulang sa tubig ang ay hindi maganda para sa kalusugan,kung ikaw ay isang taong concern sa health mo ,dapat maging aware ka kung umiinom ka ng sapat na tubig.
May tao akong kilala ,kahit sinisinok na ,bago uminom ng tubig siguro tigok na..importante ang tubig,
ang sabi nga maari kang mabuhay ng kahit isang linggo sa pag inom lamang ng tubig..
Ang softdrinks at alak or any carbonated juices or any drinks na may soda o asukal ay hindi masasabing healthy bagamat ito ay isang inumin..
Ang tubig sa gripo ay hindi na masasabing malinis
so uminom ng malinis na tubig ,para sa ikabubuti ng inyong healthy diet..
bye bye...
No comments:
Post a Comment