Paano ba ang Tamang Diet? helphelp.com: Stop Food craving
Showing posts with label Stop Food craving. Show all posts
Showing posts with label Stop Food craving. Show all posts

Friday, May 8, 2020

Bakit ba Ang Hirap Mag papayat

May problema ka ba sa sarili? Malungkot ka ba ? Gipit ka ba ? Bigo sa Pag-ibig or dahil sa nag aalala ka na , na napuna mong tumataba ka na , o di kaya ay mataba ka na ? o kaya naman ay  malaki na ang bilbil mo at di na magkasya ang mga damit mo, Hindi na makahinga? humihingal? Mabigat ang katawan? at ano pa ?

INSECURE or nalulungkot ka dahil ang taba mo na.. iniisip mo na gusto mo ng mamayat kaso pag andyan na ang pag kain , nakakalimot ka na.

Bakit nga ba ang hirap mag control ng sarili na bawasan ang pag kain o iwasan ang pagkaing nakakataba ????

May Bagay na Dapat Tandaan at Sanayin ang Sarili sa mga bagay na babanggitin ko..
Kung Bakit Ang Hirap Mag Papayat ..

 TANUNGIN mo ang SARILI MO ...

1. DISIPLINA .. kaya mo ba ito?

isa ito na importante kung gusto mong mamayat. dahil ang salitang disiplina ay isang action ng ating katawan o utos ng pag iisip o emotion , kung gagawin o hindi dapat .. kapag may disiplina ka , kaya mong kontrolin ang mali .. 
in short , kapag busog na , tama na..
kapag bawal , dapat bawal , huwag mag dahilan . kaunte lang naman o di kaya minsan minsan lang.. talaga lang ha? 

When you want to move on , and you learned something from your mistake or failure .. ano ang dapat na natutunan mo?
 Lesson di ba ?
after lesson learned ano tawag sa susunod mong hakbang ? DISIPLINA na sa sarili ng di na maulit ..Right ??

so same kung gusto mong mamayat . you need to learn how to discipline yourself..

2. MOTIVATION or GOAL.. Mayroon ka ba nito?

Kapag nangangarap ang isang tao , like gusto mong makaipon , or gusto mong mag negosyo , di kaya gusto mong bumili ng isang bagay .. Ano ginagawa mo ? Nagsisikap kang mag trabaho para mag kapera at nag titipid ka para makaipon..so ano tawag dyan.. dream pero may goal , plan pero may motivation..

kase kung puro dream tapos walang gawa ..eh di nganga !!
kung gusto mong pumayat talaga, aralin mo ang katawan mo at ano ang problema ng katawan mo , at pag aralan mo ang pagkain na nararapat at di dapat .. 
kailangan mo bang mag gym or ehersisyo , sumayaw para pawisan , anything na makakapayat .. ang goal is pinag iisipan with application po..
if you have motivation, ganon ka ka-eager to get your desired goal..na mamayat..right?

3. HEALTH CONSCIOUS ..naisip mo na ba ito sa sarili mo  ?

Eating is happiness and important but not being conscious what you eat is very danger , unless you eat with balance..
kase kapag malakas pa ang katawan . di mo maisip matakot pa..so iipunin mo muna bago ang pag sisisi.. think about that !

4. LIMITATION at MODERATION ...  Sa tagalog ano po ?

i know maraming masarap at kahit saan may makikitang masarap na pagkain, it's not bad to eat what your mouth wants to eat..
basta ba alam mo yung salitang limitation , disiplina , balance , moderation, consciousness , at right amount , 
eh pwede ka namang kumain di ba.. kung napadami ka ng kain , basta physically active ka, maburn out mo sya..gets ?

5. FAITH WITHOUT ACTION IS DEAD.. sabi sa Bible .. puro salita kulang sa ???

Bukang bibig na ito ng mga taong gustong mag bawas ng timbang, pero pag kaharap na yung food.."ay wala munang diet" , kesyo "galit galit muna"... hahahh... ikaw yan eh, so, sinagot mo na yung tanong ..Bakit mahirap Magpapayat..?

pwedeng magsalita?  ..huwag lang magagalit ....ang tawag ko sa mga ganyan ."  MATIGAS ANG ULO .." 

6. KNOW WHAT YOU EAT ? .. hindi porket masarap subo agad..

What i mean is, their calories. cholesterol , fats content mga ganoon ba.. paano ginawa at ano ang mga sangkap . importante yan kase , kung ikaw ay health conscious, maiisip mo yan.. ako kase binabasa ko yung mga contents sa back label ng product para sure ako kung ano yung binibili ko .. well, long topic na to.. 

Whole food means . hinugot sa lupa or pinitas sa puno.. hugasan lang mabuti kase maraming chemical den ..well, another story na yan..

7. HOW MANY TIMES YOU EAT IN A DAY  ?

kumain lang ng balanse para matikman lahat 



Eating at the wrong time is di ren maganda , even skipping your meal like breakfast is not advisable to all. unless you know what is intermittent fasting.. before bed , with heavy meal is not good syempre, 
ilan beses ba dapat kumain . well, it depends on your body built, height and age at kung gaano ka kaactive physically ..
then you can eat how much calories you can consume in a day ..pag aralan nyo ang food calorie chart


8. LOOK AT YOURSELF .. sa harap ng Salamin ..Ano mayroon?

sad face ? bakit , may kakaiba sa aura mo or korte ng katawan mo? 
Ikaw ang makakasagot nyan.. maganda po bang tingnan ? well..
ako bilbil lang makapa ko..panic na ko ..OA ko NO! pero totoo po yun..

Kapag nakita mo ang katawan mong malapad or malaki ang tyan . Di ka ba mapapaisip na magpapayat ng totoo 
di yung dada lang huh!

10.  INSECURE at EMBARASHMENT  ? May nag bibiro ba sa yo na mataba ka ? affected ka ba? 

Minsan kung di biro , bully ang maranasan mo or pag katuwaan ka .. masakit minsan di ba? unless manhid ka .
may nadedepress sa ganyan. huwag mo ng pahantungin sa ganyan or agapan mo na agad..walang imposible kung gusto mo ngang gawing posible... losing weight is not a magic , it's about you to decide .. work with it .. 
 

11. NO MONEY .. or walang budget 

Huwag idahilan walang pera , para makabili ng masustansyang pagkain. o kase di ikaw ang nagluluto ?
hey, di ko na problema kung wala kang job .. pero pwede kang magtanim , whatever , ano bang pinagsasabi ko..
ang gulay ay mura lang ..10 piso lang ang kangkong, nahihingi lang ang malunggay ..
mura ba pizza at burger ?.. mali o tama? kayo na sumagot 


12. DEPRESS or STRESS .. or may disorder ka

Depress ka ba ? or mataas ang Stress level? .usually yan yung reason kung bakit tumataba ang tao. di maiwasan ang kumain ng kumain dahil , mentally ill or may emotional issue , kapag stress at depress , ang interest iba iba , kung tamad ang kumain , mas marami yung matakaw..  you need a doctor here na.. so mahirap po na issue ito.. try to visit a phsychiatrist or stress care center..


13. MEDICATION or PILLS

May medication or iniinom na pills kaya daw tumataba ? yung iba totoo , yung iba mental problem na ,
 so mahirap turuan ng pag didiet minsan ang may iniinom na gamot na nakakataba , kung hindi naman eh , kontrolin nyo syempre ..
aba eh , kayo mismo na makakaalam ng iniinom nyo..hay buhay..galaw galaw ..

at kung ano ano pang rason ..medyo pagod na ko magtype ..wala na ko maisip... next time ulit

tips..
ask yourself 
MAHAL MO BA ANG SARILI MO ?
or mahal mo lang yung bibig mong sarap na sarap sa pagkain..
bawal pikon..

okay keep safe and God Bless you ..



Sunday, February 9, 2020

Bakit Masarap Kumain ?

Bakit nga ba masarap ang kumain? 

Bakit nga ba nagagalak ang iyong pakiramdam sa oras ng ikaw ay kumakain .
Kahit pa nga ba minsan ..ang sabi ng iyong tiyan,  ay ayoko na , pero sabi naman ng bibig mo ,
ay gusto mo pa?
Panigurado ako ..Naitatanong nyo iyan sa inyong sarili, 
Alam ko at alam nyo... sigurado ako alam nyo ang sagot diyan or sadyang dedma ka na lang,  kase wala ka ng time isipin ang mga bagay na ganyan.
Ang importante ay mabusog ka at nasarapan.. tapos ang usapan ...sabi nila at hindi ako '

Ngunit naniniwala pa ren ako . May mga tao na gustong umiwas o magbawas ng pagkain subalit ang hirap gawin sa kadahilanang MASARAP TALAGA ANG KUMAIN..
 "Bakit ba nga ba ang Sarap Kumain"?

Yung tipong Matakaw ka talaga or nagiging stress releaver mo lang ang kumain , or sadyang wala ka ng pakialam para mag-isip basta importante nageenjoy ang iyong panlasa at pakiramdam.. at higit sa lahat busog at may makakain..

Sa mga gustong magbawas ng timbang o gustong mamayat , alam ko hirap silang pigilan ang kumain ng kumain, May ugali pa tayong mga pinoy , ay bukas na lang ako mag diet , patawa di ba? ay bukas mag gym ako . ay bukas mag jogging ako...effective ba ito?  or sadyang bukang bibig na lamang ..

 ANO ba sa palagay nyo ? GUTOM o KATAKAWAN? este Masaya ka lang sa mga Pagkain at Nagpapasalamat sa mga biyaya .
Ang point ko lang sa mga gustong magbawas or umiwas sa katakawan ..dahil nakakaramdam na ng kakaiba sa kanilang pangangatawan..


Anyway i can give you a satisfying answer or idea about this topic.
Bukod sa aking karanasan, pag susuri at pag sisiyasat ...bagamat hindi ako dalubhasa ang mga bagay na aking ilalahad ay sadyang mga halimbawa ayon sa aking observation at sa aking karanasan..

Handa ng Pamilya ko sa Pilipinas noong new year  


MGA DAHILAN BAKIT MASARAP ANG KUMAIN..

1.. Nakikita sa Television o Internet 
Katulad ng mga palabas na nakikita sa TV or sa internet like social media na tinatambayan nyo halos araw araw.. mga grupo na inaaniban nyo , na puro lutuan ng lutuan ng mga putaheng maka-tulo laway na pagkain na sadyang matatakam ka na at gugutumin ka pa.

2..Nagkalat na Restaurant , Street Food o Luto sa Palengke 
Mag Punta ka man ng mall o palengke makikita mo at maaamoy mo ay pagkain, kahit street food , ke sanay ka pa o hindi sanay na kumain ng lutong kalye , ay sadyang matutukso ka at gugutumin, lalo na ngat ikaw ay galing sa trabaho ..
aba ey , bawal na ang mag inarte ang sabi ng iba nating kababayan..
Kahit saang carenderia o mamahaling restaurant hindi ka makakaiwas basta ba , may budget ka lamang, anong diet diet"?  , gutom ako! , tapos ang usapan .. daw!!


3.. Luto sa Bahay o Ulam nyo..
Kung hindi ren ikaw ang nagluluto or wala ka pang asawa..
Isa ren itong dahilan , ay ang hindi ka makakatanggi o makakapili kung ano ang nakalapag na sa inyong hapag kainan ..magreklamo ka man o hindi , masarap man o tuyo lang ang ulam , basta may kanin , patis , bagoong , kamatis , sili o ano pang murang mabibili para may makain lang . walang pinipili tayong mga pinoy , mabusog lang ang mahalaga .
Mas happy ka pa kung ang paborito mong ulam ang nasa harapan, Mapapataas paa ka na at mapapakakamay ka pa , at kung sinuswerte ka pa , May kasama pa itong malamig at bumubulang inumin.. solve na solve ang pakiramdam di ba? ginawa ko na ren yan huwag kayong mag alala..

4..Pagkahilig sa Matatamis.. 
Ang mga taong mahihilig kumain ng matatamis ay isa reng dahilan kung bakit gumagana ang inyong apetite .. mentras kain kayo ng kahit ng sugary food ay lalo kayong gaganahang kumain. kase hindi nakakabusog ang asukal bagamat ito ay lalo kayong gugutumin..ayon sa mga experto ha.. of course with moderation is fine..

5.. Pagkahilig sa CHICHIRYA or junkfood..
Usually kung hindi matamis, pinirito, malutong, matamis, maanghang , maalat , masebo , malasang kahit hindi naman totoo. in short artificial flavoring .. alam nyo na yun , basahin nyo ang likod ng kinakain nyo..kung may label contents , minsan wala kase di ba, basta yummy yummy lang okay ang meryenda , ika nga.. ang food additives sa mga chichirya gives you to crave more... kaya nakakaadik search nyo na lang , mahirap magpaliwanag..

6.. Mas Mahilig sa Meat kaysa Gulay at Prutas..
hindi ko na kailangan mag explain.. obviously masarap ang adobong oink oink kaysa adobong saluyot , once ang ulam mo ay mamantika , maraming timplang pampalasa , okay lang naman kung mas marami ang gulay at ang rice ay kontrolado mo ang dami.. kaso sino ba namang di makakaiwas sa lutong pilipino.. aminin natin na ang lutong pinoy , malakas sa kanin..Right?

7..Imbes na uminom ng warm drink ay ano ang iniinom nyo? 
Ang mga iniinom nyo ay nakakapagdulot ren ng pagkatakaw sa pagkain .. kung umiinom kayo ng alak , mapapadami ang sarap ng kain nyo sa pulutan..mabubulang inumin or matatamis na inumin...
no explanation needed here... your discipline na ang kailangan..
try to drink warm tea like green tea ..guava tea. malunggay tea, tanlad tea.. or just plain warm water hindi yong maiitim na may asukal ang iinumin nyo , tapos puro ice pa . ay lagot ang bituka nyo namumuo na ang sebo..


8..Mga Pagkain sa Handaan 
Parang sinabi mong "EAT LL YOU CAN" basta ba hindi nakatitig ang may nag handa, sige lang kahit ilang balikan, kung sadyang masarap kang kumain , kapag nasa handaan ka na , mahirap mag kontrol ng tamang kakainin, ang iniisip mo kase eat all you want.. busugin ang tiyan ika nga wala nito sa bahay at libre pa , magpakabusog hanggat pwede , may take out pa kung papalarin ka pa..

Tandaan ang handaan ay hindi mo niluto , ano ba ang nilagay sa mga niluto ay sadyang ang kusinera ang nakakaalam..period kayo na ang sumagot sa usaping ito..

9.. Nag papalipas ng gutom or hindi kumakain ng breakfast
kasama na ren dito ang fasting , lalo na wala kang alam or paniniwala lang kaya ginagawa mo ito at hindi for healthy reason.. in short after palipas gutom ..ano resulta..lalamon ng marami..
Tandaan ang breakfast ang importante sa lahat kaysa lunch at dinner..
search nyo na lang kung gusto nyo ng detalyeng explanation..

10.. Minsan ang Depression ang Dahilan
Kapag depress o malungkot ang isang tao, napupunta ang isip sa pagkain.. nagiging sandigan nila o kaligayahan ang pagkain. hindi nila namamalayan, nawawala na sila sa control , kaya usually ang depress na tao ay matataba.. but not all , may depress kase tamad kumain.. so ask yourself kung hindi ka ito..

to be continue .. gingiginaw ako ..

Masarap ang kumain basta hindi mo aabusuhin ..in short eat according what your body needs..



May God Bless You 







Monday, October 28, 2013

Ang Pagtaba ay Huwag Sisihin sa Masarap na Pagkain

May mga taong sadyang mahilig kumain .May mga tao naman na sadya lang matakaw o kung tawagin ay hindi nabubusog...siguro ang pagkain ay ang kanilang kaligayahan,
Kung baga sa bisyo, Food Lover sila..or food addict ? o sadyang masarap lang kumain ika nga'

mahilig akong kumain ayon sa nararapat ng aking katawan

Alam natin ang tao ay may sapat na dami ng kinakailangang kainin ,ayon na ren sa ating edad,pangangatawan ,taas at mga ginagawang trabaho.
Ang tawag dito ay yung Calorie intake natin ay dapat alam natin,kung sosobra tayo sa pagkain niyan,ay yan ang nagiging dahilan ng pag taba ng isang tao..tapos di pa gumagalaw..

Ganun pa man,Kumain ng masarap ay hindi naman bawal.Ang masama dito ay yung resulta ng hindi pagkain ng wasto o balanse.mahirap liwanagin ito sa taong walang paki.,di po ba!



Marami akong nakausap,natanong,o naririnig at nababasa na ren,na ang sinisisi ng iba ay ang mga masasarap na pagkain.Aba 'oo nga naman ,kung puro paligid ka nga naman ng mga nakakatulong laway na mga pagkain,eh makaiwas ka ba ,kung talagang masarap eh..eh matatakam ka nga.

Aba eh,walang masama sa pagkain ng dami ng gusto nyo,basta ba may pambili o pangkain ka.walang babawal sa iyo,ika nga.
Kung baga uminom ka kung may pera ka,wag kang puro palibre lol...magbibisyo ka lang ,nandamay ka pa..

Anyway,Ang mga pagkain ay sadya namang walang kasalanan..sisihin mo man ito ,
    " Ang mali talaga ay yung gumawa ng nakakaadik na timpla ng mga ito.."

Gawa ng iba kinain mo ,kasalanan mo..Kung masaya ka ,walang sisihan..dahil ang pagsisisi ay laging nasa huli..

Ang mga Pagkain ay sadyang tukso..yes, sila ay mga TUKSO lamang sa ating buhay..kaya medyo mahirap iwasan.lalong lalo na yung mahihina ang puso..lol

At kung sa tingin nyo na ang may kasalanan ay yung gumagawa ng pagkain..aheh" sino ba talaga ang dapat sisihin..este ,yung nagluto o yung kumain??? Sagutin nyo..
..'eh di ba ,ang mas may kasalanan naman .eh kundi ang bibig nyo na walang disiplina..hindi po ba .oo o hindi??? ewan ko na nga.

Ang masasabi ko lang .....Ang sarap ng lasa ng pagkain ay nasa bibig lamang.


"Ang Pagkain man ay kailangan,"Ang Katawan ay dapat mo reng pahalagahan , Pagkat ang sarap ng buhay ay panandalian lamang.




Wednesday, March 6, 2013

Hindi Makontrol na Pagkain ng Marami.

  Yan ,Ang tanong ng karamihan,Kapag napaharap na sa mga masasarap na pagkain,Hindi na makaiwas na hindi matakam lalo na masarap at amoy ng mga pagkain....Lalo na nga, kung ikaw ay gutom pa.
  Ay naku!!, Mahina siguro ang tatlong platong balik..."Yung iba nga busog na ang tyan,Yung bibig naman daw ay gutom pa," kaloka'
  Yan po ang problema ng taong mahilig kumain"..Aray ko..Tama po ba ako?

  Sabi nila masaya ang kumakain ,nakakawala daw ng stress..oo nga pero paano ang resulta inday' Remember today is okay ,tomorrow is paano na..??

don't ignore your body...change yourself with a healthy clean life style

  

Ano ba ang Dapat Gawen sa di makontrol na pagkahilig sa Pagkain?
o pagka adik sa pagkain ng marami...
  Ang una sa lahat ,hindi iyan kaya ng pabigla bigla,yung iba sumusubok para umiwas kumain.
tulad ng di muna kakain sa umaga o kaya eh,dalawang beses na lang daw kakain ,alam ko mali po iyan..Hindi nyo ba alam,lalo lang kayong magiging matakaw...at masasabik kumain .

   Sa aking karanasan at napatunayan,"Simulan nyo ang umaga nyo ng saging at nilagang itlog or kamote bawasan ang bread and rice...kung walang green tea kahit hot cocoa ..if cannot avoid sugar, less your sugar..( sa mahilig sa Coffee) and i never use sugar basta drinks..so iba tayo iba kayo..
   Sinasabi ko lang ang pwede na makakaya nyo..Mahirap talaga ang seryosong pag babawas ng timbang

Alam nyo ba ang Pagdidisiplina ng Pagkain
   Dahil disiplina sa pagkain means pag iwas o pag bibigay limitasyon sa mga pagkaing gusto ninyong kainin.Torture Diet para sa hirap iwasan ang kumain ng masasarap..

  Ang pinaka madaling paraan na aking masasabi sa mga hirap magkontrol ng pagkain,Bawasan nyo lang ang sukat o dami ng kinakain nyo araw araw,ay alam kong madali para sa inyo kaysa sa iwasan ang mga pagkaing nakakataba..Bawasan nyo po ang amount ng palagian nyog kinakain...mahirap po ba?

  Eat rice ng my sukat ,one cup then plenty of veggies,soup na di lunod sa taba ng baboy,....avoid soups with fats floating ...or yung nagsesebo ,Di nyo ba alam,sa loob ng bituka nyo maninigas yan tapos iinom pa kayo ng cold water..bad po iyon..you're just storing fats inside your body at kapag ito ay naipon,yan po yung taba na nakikita nyo sa inyong baba,leeg,braso ,bilbil ,hita at lahat na taba na nakapulupot sa inyong katawan..

  Just remember drink more than 8 to ten glass of water a day..eat meat 2 times a week kung di nyo maiwasan...eat more on green veggies and fruits...more on sea foods instead of pork and beef...
hinay hinay lang..at promise in one month until 3 months masasanay kayo at lilit ang bituka nyo..at hindi na kayo lageng gugutumin....

Ang Too much MSG or Vetsin ay ang Nagdudulot ng Sobrang Appetite ng tao at Sugary food       
   Nagpapatakaw sa bibig ng tao ang mga iyan.....so ang mga fast food ,junk food,dairy food,processed food ay sagana sa sugar at MSG..Kaya ang tao nagiging matakaw..at kung hinde nyo kayang bawasan o umiwas...ay bahala na kayo,kase kayo nakakaalam ng body nyo..

  The true secret of flat abs and healthy body is clean eating lang po....Hindi nyo yan magagawa kung wala kayong disiplina....so kung hirap kayo madisiplina sarili nyo...ask for help through prayesrs..promise ,if you're serious and it really comes deeply from your heart ,there's nothing impossible para di kayo sagutin...

Nasa sa inyo ang gawa,tyaga at unawa ..nasa Diyos ang Biyaya at kasagutan sa inyong mga tanong ,,,why not try,para malaman nyo kung totoo..okay?


bye na muna...Love your body..so you can have healthy body...

Tuesday, May 15, 2012

Ano ang Dapat Gawen Para Hindi Tumaba

Alam nyo ang sagot nyan? 
Hindi nyo lang kayang iwasan o kaya naman,mahina yung self control nyo lalo na kapag ang pagkaing nasa harapan nyo ay masasarap...yung iba walang paki sa katawan basta masarapan lang ang bibig..

Pero may taong kahit malakas kumain ay nag aalala sa figure at health nila...hindi pa po huli ang lahat..


Bakit ba ang Hirap Mamayat  ?

food choice is the key 



Kase... hindi macontrol ang Over eating o sadyang mahilig at adik na sa pagkain..
kung ikaw ay may obessity problem na,ay kailangan mag pacheck sa doctor
Karamihan sa tao ay mahilig kumain,may magana ,may matakaw ,may hayok,may masiba,at may adik na talaga ,at nanginginig o hindi mapakali kung hindi makakasubo ng pagkain...medyo hindi na po iyan normal..unbalanced eating disorder na yan.....at mga taong may obesity problem..di na daw macontrol ang sarili pag kumakain...yang ganyang klase ng attitude sa pag kain ay hindi na healthy,kailangan po iyang pina gagamot para malaman ang dahilan at macontrol ang labis na kahiligan sa pagkain..we need to balance our eating habit..and we need time to focus our own health by choosing the right food..before its too late.

At Ano nga ba ang  "Dapat Malaman para Madali ang Magbawas ng Timbang at Maiwasan ang Pag Taba"


1.. CALORIE CHECK ..
     
 Syempre una sa lahat, Calorie check control...alam nyo dapat ang kinakain nyo , kung mataas ang fats contents or source of what nutrients ang kinakain nyo.. baka puro sebo na ..masarap pa naman yan ..hehehe 

2. BE ACTIVE PHYSICALLY ..
     
At higit sa lahat kulang sa exercise o wala talagang hilig sa sports o sa gym..kahit man lang walking ,jogging,stretching..importante po ito...kahit sa loob ng bahay ay okay naman,basta ito ay regular..you need to burn calories in your body..di bali kung yung work mo ay nakakapawis na job eh paano yung naka aircon tapos upo lang at computer lang,paano na po tayo jan?

2.. SWEETS 

 bawasan kung hindi kayang iwasan ang matatamis... alamin ang kinakain kung puro asukal..
root cause ng pagtaba ang asukal bukod sa sakit na diabetis..

3.. MEAT 

Sobrang hilig sa pagkain ng mga karne ,baboy,manok,...Katulad ng mga lamang loob ng hayop,
like bopis,sisig,dinuguan,isaw,at iba pa, may mga chicharon,pa,lechon .barbeque,porkchops,adobo,bulalo,
 lahat ng lunod sa taba at sebo ng hayop ... 
bawasan o iwasan o di kaya pumili ng walang masyadong sebo..

4.. INSTANT FOOD 

Fast Food at Junk Food , Parang halos ang tao tamad ng magluto...sosyal at masarap sa restaurant basta may pera..
Kung matalino kayo sa pag pili ng kakainin.at mahal nyo ang inyong katawan at hindi bibig lang at tyan ang mahal nyo...
kung anjan kayo sa lugar na iyan...piliin nyo yung isusubo nyo....may gulay at isda naman akong nakikita..

5.. FAMILY KITCHEN
Ang pamilya mo pag mahilig kumain ng mga masarap at mamantika,matatamis...
natural mahahawa ka na at kasama ka na doon.ehh..Kung.ano yung meal nila ay siya mo na reng meal...mahirap pag kayong magkaksama ay ni isa ay walang health conscious..halos lahat ng kasama mo ,kunde mataba ay may sakit naman...
mag pa check kayo lalo na yung malalaki na yung bilbil....promise!!!

6.. PARTY ..
Mga handaan , fiesta , events , anumang okasyon na may pagkain , na di mo maiwasan o matanggihan..Ang handaan ay isang saganang lutuan at grabeng mga putahe kunde mamantika o matatamis..punong puno ng calories...
At hindi ka talaga tatanggi..halos tao sa aten mahihilig sa kainan ,handaan,fiesta ..basta may mga chibugan 

7.. APPETIZERS 
Mga mahilig makitumpok ng kainan..mga konteng katuwaan ,.yung bang food tripping ,like inuman ng alak...tapos lunod sa mga pulutang nakakataba...o magtatambay sa mga restaurant o Bar ng mga inuman ng alak..
..halos tao jan inom lamon ingay ang ginagawa....they don`t think about what their eating and drinking...so bad ...
ang results nyan...in the future some people suffer sickness on early stage..
ingat kayo baka kayo na ang next...if not your lungs,liver or kidney... keep conscious po .

8..STRESS
Stress ang pinaka malaking dahilan..Pag naboboring o walang magawa sa kwarto..no ginagawa nyo?....yung iba bibili ng chirchirya..at iinom ng soft drinks...Stress nila ay junk food trip, ang nangyayare....walang control ang bibig pag ganyan...ako pag gusto ko ng snack at Kapag naboboring.instead chichirya..i eat fruits or yogurt..ihahalo ko dun yung fruits..mag kutkot ako ng nuts..o mag gawa ko ng veggies salad..anything snack basta healthy...not junk food..and i make my own healthy kakanin...Why not di ba?


9.. HEALTH PROBLEM 
At kung ikaw ay may health problem..o may depression.,at umiinom ng medication drug ...ay may posibleng tumaba ..medyo another topic to explain na ito...

10..FRAGNANCY 
Karamihan ang caused ng pagtaba ng mga babae ay ang pag bubuntes ..Mga inang nag kaanak at tumaba sa panganganak...Magingat po kayo sa mga pagkain nyo.kung hindi kayo magiingat ..iyan po ang magiging simula ng pag lobo ninyo...may paaraan naman mamayat ulit subalit kungdi nyo aagapan mahihirapan po kayo.......iilan lang ang ang hindi tumataba sa nag bubuntes.,

11..TEMPTATION 
Magingat kayo sa tukso..Kapag kayo ay nasa convenience o mga groceries..marami talaga kayong makikitang nakakatuksong bilihin at kainin...Be wise when choosing the right food to eat...yun lang po...


Di porke Masarap Masaya kana..oo ngayon Masaya ka at busog ..Hindi mo ren ba Mahal ang bukas mo...Hindi mo ba gustong sumaya ang Pagtanda mo..at makaiwas ng mabigat na sakit...

Though we all know we die and we cannot stop or avoid aging..but through healthy life style i believe in Gods Guidance ,we can reduce our aging process and why not if we can live a long life on earth..in healthy state...But still only GOD KNOWs....if we survive..!!!


Qutes ko para sa inyo... 
"Ang buhay naten ay hindi atin,Ang katawan naten ay hindi aten...dapat po natin itong alagaan at ingatan ayon sa may likha ng ating buhay...Nang tayo naman ay may magandang pamumuhay hanggat  tayo pa ay nabubuhay..."May God Bless all our effort.."

Monday, May 14, 2012

Paano ba Mawawala ang Bilbil o Belly fats?

Paano ba Mawawala ang Bilbil o Belly Fats?:
  Hindi lahat ng may belly fats o bilbil ay kayang matanggal...At hindi ren lahat ng may bilbil ay mataba sapagkat may mga taong sadyang malaki ang tiyan o bilbilin talaga..
  Kahit na nga ang mga taong payat o balingkinitan ang katawan ay kung titingnan nyo ay malaki ang tiyan...Bakit nga ba?

Bakit Ba May Bilbil Ang Tao.?
   Alam nyo ba, may mga taong sadyang bilbilin,o ipinanganak ng matiyan.
o maaring sa dahilang ganun talaga ang korte ng kanyang katawan.
Ang katawan ng tao ay hindi pare pareho ng laki o sukat.
may parte sa katawan ng tao na malaki at maliit..tulad ng maliit na tenga at malaking tenga..malaking ulo o maliit na ulo..malaking paa o maliit na paa.
 
   Kapag napuna nyo,na sobra na sa laki at bilog ng tiyan ng isang tao ,maari itong over weight or may obesity problem.
 
    At para sa mga nanganak ng caesarian....kung hindi tulis ay may lawlaw na taba sa kanilang tiyan o puson. karamihan ang dumaan sa ganyang panganganak ay may tiyan..pero may pag asa namang mawala kung bibigyan ng atensyon..
 
    Ang mga may health problem na umiinom ng medication o gamot ay nakakapagpalaki ren minsan ng tiyan,naiipon ang tubig sa katawan na dala ng side effect den ng drug.
na kung titingnan mo naman ay manas lang pala.
Nagdudulot den ito ng  pagkahilig sa pagkain na siyang nagiging dahilan ng paglaki ng tiyan.
 
   At ang mga taong payat na malaki ang tiyan,usually sila yung mga malnourished ..at yung maraming parasites sa tiyan..o kaya yung may stomach bloated problem...hindi healthy ang kanilang intestine o ang colon..

Imbalance Hormones
  This one is the greatest causes of belly fat..,usually pag ganito, ay mga stress na tao, so pag stress napagtutuunan ng pansin ang mag crave ng pagkain,na parang hindi nabubusog ,kapag kumakain sila ay nararamdaman nila ay kasiyahan ng katawan..(Stress Craving )
   Sabi nga ng mga experto ,when you eat wrong food ,it causes your body to produce insulin,
at kapag ito ay mataas na,ito ay nagiging another fat-storing hormone ,at ang high process ng insulin sa katawan ay nagiging dahilan para hindi gumana ang fat burning hormone known as glucagon.. so ibig sabihin may kinalaman ito sa life style? it means ang labis na pagka stress ay nakakasira ng hormone balance ng tao.

Kapag Kulang sa Calories at labis na Calorie?
  Yes,alam nateng consuming high amounts of calories will lead to more weight gain..
subalit ang hindi alam ng iba,believe it ,if you're not consuming the right amounts of calories .o kulang sa calorie...according sa inyong edad at timbang ,ay nagiging dahilan den ng inyong bilbil.
hmmm bakit kaya?

Avoid Additive and Preservative..
  Isa itong dahilan bakit halos lahat ng tao ay nag durusa sa high amounts of belly fats,this giant food manufacturer are responsible for producing foods....imbes na healthy food ay puro chemicals na ang kinakain natin,kaya ang tao ay addicted na sa mga pagkain..
  At mentras kumakain kayo ng mga iyan,
naiipon lahat iyan sa katawan nyo at nagiging bilbil..so tayo ren ang gumagawa ng sarili nating taba dahil sa mga kung ano anong pagkain na nagsusulputan ngayon,na di mo naman alam kung healthy..
ngunit ang tao, kain lang basta masarap eh.

Workout in the Gym or any kind of exerise...
  Working out in the Gym ay nakatulong para lumiit ang bilbil.
at kahit ang paglalakad araw araw na may tagal na 30 minutes ay malaking nagagawa sa pagburn ng fats..ang jogging at cycling , kahit 2 to 3 times in a week  ay magandang way ng pagpapawis.
Hindi basta liliit ang bilbil nyo kung di kayo magpapalabas ng pawis.
   At kung may gusto kayong pagandahin sa katawan nyo,doon kayo magfocus..kung lawlaw ang braso,mag dumb bell workout kayo.like bicep curl..kung conscious sa butt ,mag butt workout kayo
  chest workout ...sit ups,push up etc.(learn about Body building para maka relate kayo)

   Naniniwala ba kayo na may parte sa katawan ng tao,kung aalagaan ay nababago ang laki at korte..
Ito ay naihuhulma ng sapat na laki at tigas..
  Of course,Kung kakain kayo ng ayon sa pangangailangan ng bawat parte ng katawan natin
( PROTEIN ang food ng muscle) ..at ang pagiging aktibo sa pag eehersisyo as i mentioned ,ito yung tinatawag na body building...na nagbibigay korte sa muscles para lumaki or tumigas.
   Kung nais mo ng flat at matigas na abs, of course.you need regular workout para matunaw yung mga fats sa paligid ng inyong tyan.

Food That Burn Calories
  Hindi naman siguro mahirap kumain ng mga prutas o gulay para naman makatulong sa pag tunaw ng mga fats sa inyong katawan..like lemon,orange,grape fruit o yung suha...mga maiinit na sabaw na {healthy ingredients }soy milk, nuts,oat meal o whole grain, ilan lang yan sa mga nakatulong para lumiit ang inyong bilbil..(Search about food that helps to burn fats)

Paano ba Maiiwasan ang Paglaki ng Bilbil o Tiyan..?
  Aside from too much stress,chemicals sa foods, ay Kailangan nyo ng Disiplina sa sarili...kumain ng wasto at tama.
Disiplina sa pagkain kung paano kakain ng tamang dami..
hindi ren maganda ang mga high carbohydrates tulad ng too much consume of rice ,bread,pasta at mga fast food like burger.....Ibig sabihin kailangan tamang Calories lang ang kakainin nyo daily at hindi ren dapat kulang...Iwasan nyo ang pagiging matakaw sa pagkain o kahit pag inom..
.
Drink plenty of water daily
   Instead of any carbonated drinks or sugary juices .mas mabuti pa ang uminom na lang kayo ng tubig.. more water is the better dahil lumilinis ang loob ng katawan ninyo...makakaiwas pa kayo sa irritable bowel......
   Ang beer o alak ay isang inuming nakakapagpalaki ren ng bilbil ,drink in moderation kung di nyo maiiwasan..of course avoid if possible......

How To Flat Abs Tips Exercise 
  Bukod sa healthy eating..Pag gising nyo sa umaga try to sit ups 10 times daily hanggang mag increase kayo daily..example,..ngayon 10 times bukas 15 times the other day 20 times..the more repeats is the better..(do this everyday)
  Huwag magtataka ng magsakitan ang abs o katawan ..you can take rest if di nyo kaya..but sa una lang yan..masasanay den kayo..iyan kase ay mga tulog na mantika  at muscle na di gumagalaw kaya po ganun..

At last tips...How to Cleanse your Colon

Try LEMON WATER ...before breakfast and before dinner ..it helps to purify the body..
Pag gising sa umaga..drink 1 glass of  lemon water.don't drink in hot kase it will damage the gastric stomach lining...so dapat tama lang na lamig.o kaya bit warm.(half lemon or 2 kalamansi..no added sugar) (or search about food for detox)
Try to do this in 2 weeks ..then change kayo ng healthy smoothies

Lemon water cleanse your system,aid digestion
   Ang lemon water ay tumutulong para luminis ang daanan ng ating dumi(cleansing of the vowels)..at mga parasites na sumosobra sa ating tiyan..(prevent bacteria)
You can detox your body para mabilis luminis ang loob ng tiyan at mabilis maging flat ang abs nyo..
of course ( Search more about this in web)

So to Get a Good Diet Results ,Watch your Calories When Eating your Meal
  At please ,huwag nyo itong susubukin kung may stomach problem kayo or health problem..lalo na yung may ulcer at acidic.
instead try to drink warm water at take 1 tbsp of honey (honey is good for antibiotic) lalo na a loob ng tiyan..lols...


"Basta ang lahat ay may paraan kung gustong gawan ng paraan.."

okay po.. next time na man ulit...babushh ~.^



                                                    Hey! Look at my abs...lolz
For those mommy...wag kayong sumuko...i have 2 kids na po..
Be inspired to change your life style and smile ~.^.....so you can have healthy body.....................





..








Wednesday, April 25, 2012

Nakakataba ba ang Junk food?

  Kahit saan may chichirya....lahat halos ng tao bata o matanda gusto may kinukutkot...kaso alam nateng hindi ito maganda sa kalusugan...dahil ba sa.pang alis gutom? pang alis boring? pang alis stress? o Pulutan? o sadyang adik na ...he he he..masarap kase mentras maalat mamantika maanghang nakakatakaw..yan ang junk food....


potato chips ay lunod sa mantika



junk food shop for kids sa tokyo...lahat ng anjan na junk food nakita ko na..unhealthy halos..lol
Ano ba ang Junk Food? Alam nyo ba paano ginagawa ang mga pagkaing iyan? Gaya ng mga chips,candies,chocolates,cakes.crackers etc..Ang bunga ng isang punong bayabas pag pinitas mo at kinain mo .siguradong ang bayabas na iyon ay isang totoong pagkain.means you ate it in natural state .bakit? kase kinain mo sya ng walang ano mang halo o timpla..maliban na lang lagyan nyo ng asin..


So,Ang Junk Food po ay isang processed food often contains of chemicals  ,too much sugar at salt .mga preservatives at synthetic vitamins,sa dahilang kinakailangang tumagal ang produktong kanilang ginawa..tulad ng mga naka pack na chips..may mga due date diba?


Okay .bakit ba masama kung masama ang junk food sa health.eh bakit ba nga ginagawa at ibinebenta pa??
Tanong ko ba,ang tao ba sa mundo lahat concern sa health nyo..Ayaw ng doctor na mawalan sila ng pasyente...at isa mas.iniisip nila yung kikita sila, maibebenta ang produkto nila...Pero eto ang point ko,hindi mo nga talaga maiiwasan bumili o kumain ng mga ito,bakit? andyan ang nagkalat ang mga display ,commercial sa telebisyon,mga nakakatuksong sarap .di po ba?ako may kontrol kung may nagtatanong he he he..


At kahit sa drug store may junk food nga ehh..Ang mga tao nga naman,pa health health concern pa,kahit naman guro sa school puro mukhang nasa obesity na ren ehh..may alam ,wala o nag aral ka man ng nutrition o tungkol sa kalusugan ..alam mo iyan..ako sa sarili ko lang itong pagsusuri at observation...ang taong mangmang habang buhay magiging mangmang kung ikaw ay magbubulag bulagan o magbibingi bingihan..alam mong mali pero sige lang ng sige , kase yun ang gusto mo ehh...i m telling you .your feeding your mouth and feeding your stomach to satisfied,not your body
Kung body kase dapat concern ka sa health mo..kumakain tayo para alagaan at ibigay ang bawat sangkap na kailangan ng katawan di po ba..?conscious ka dapat...kaso ang tao dedma lang..masarap kaya.ehh..it means matigas lang ang ulo ng tao at walang disiplina..so dahil  imperfect tayo,i ca do nothing na dyan..i am just giving advice lang..apply it or not..its you the one to decide ..


Nasa sa atin po ang pagdedesisyon kung gusto naten .and if you eat junk food for long period of time it can lead to obesity,heart deseases,and other health problem..
isipin nyo po,ang junk food ay ginawa na punong puno ng asukat at sandamukal na asin at vetsin...maraming artificial flavor,syrup,colors at kung ano ano pang ikakaadik ng tao .bata man o matanda..


Masarap naman talaga ang Junk food ,isa itong drug na tulad ng caffeine nakaadik..mentras matamis .mentras mamantika.mentras maalat....mas gustong gusto mo pang mag crave ng mag crave,,,
Well,.may mabuti bang madaling gawen kahit sa kalokohan masaya gumawa ng kalokohan at mahirap mag pakatino..parang LOVE NO?pagkain pa kaya !!!hanggat bata nagpapasarap ,ganun katwiran ng tao..well.no comment na ko..


Anyway..only i can say JUNK FOOD is nakakataba dahil na nga ito ay high in calories,low nutrients,nag iipon lang kayo ng fats sa katawan at gumagawa ng bagong sakit pag dating ng takdang panahon..


Kunde agad maiwasan ,eh di bawasan ...should be eaten in moderation ,mahirap namang sabihin..ayaw nyo na agad...it is your conscience..to eat or not..


Para maiwasan mag kutkot ng chirchirya o ano mang junky food..why not try nuts..fruits..boiled camote..




May mga junk food naman na gawa sa whole wheat flour tulad nito.kahit paano  digestive food...mga low in sugar at salt na ren..at medyo mahal nga lang may mga ORGANIC snack na ren ..piliin nyo na lang ang snack na kakainin nyo..read nyo yung label contents para sure kayo...
So gudlak sa inyo,.basta ingat lang ng sobra sa junk food...over salty food nakaka UTI pa...matamis naman Diabetis...ay naku dami ko ng kilalang nghihirap ngayon dahil sa tigas ng ulo nila date..ang singil di pa ngayon ..

janeeeeeeeeeeee...

Kung Di mo Maiwasan kumain ng Junk Food .. Huwag mo Araw Arawin.. Bigyan mo ng schedule in short
 CHEAT FOOD DAY tawag don.. gets?? 




Tuesday, April 24, 2012

Gusto mo bang tawagin kang Sexy ?

Ayaw mo?? Gusto mo??  Oa, na nagsabi ng ayaw,di ayaw kung ayaw,...Siguro sa mga conservative ayaw nila ng salitang sexy ,o siksik type nyo siguro..??? o baka lang mas maganda na lang tawaging slim o slender na lang....desente baga...kase nga naman sexy means is giving apetite about sex ,or enhancing or seducing ..ewww ganun? ,ganun? ganun ba yon?? okay para sakin .yung maging  fit and toned ka lang ..ang sarap kaya ng feeling..or gorgeous looking pa.. ,ang drama ng lola nyo .anyway..

Kaso may tao o kahit guys ang tipo nila sa babae ay medyo chubby daw ,yong bolapshoos daw ahheheh.medyo malaman.pag yakap marami taba esteeee  malaman pala..HUG gable ba type na mga ireng mga julakis na to..ginoo..bumili na lang kayo ng stuff toys..at siguradong masarap yakapin ....anyway ulit..

Sexy man kayo o hindi,mataba ,payat butiki,pandak,bochog,luyloy,.bungal.,kalbo.buntes,at walang pera este walang pakialam kung sexy ka man o hinde...katwiran kase ng iba..importante busog kahit ano pa yang bilbil ko..magsuffer na daw ang kalusugan basta di nagugutom...Nauunawaan ko naman nyan..gutom ka na iisipin mo pa ba nga naman mag Diet...


BAKIT MAHAL BA MAGDIET???
Sumagot kayo...mahal ba????????????.mahal ba ang gulay at prutas ? kesa sa pang Joli bee nyo kesa sa pang maccdonald nyo at kentucky at pizza nyo ha? ha? ha?    sagutin nyo ko.?
Puro kayo reklamo malaki tyan nyo ,may bilbil kayo.mataba kayo..tapos puro naman kayo lamon..sino ba gusto nyong sisihin..?? si batman? joke lang po..seryosong usapan to ,okay..!!

Yung mapepera nagrerely yan sa mga diet pills..kita nyo bibili ng diet pills,pagkatapos naging  lumba lumba na sila..sus mariya ,anak ng tokwang...rebound gusto nyo..? yung soshal sempre may pang BELO ..lypo lang daw yan...kaya nyo ba yon o gusto nyo ng ganun..?? pang mayaman lang yan at sayang ang pera..anyway forget na si belo..

Aminin ,Nakakainggit ang sexy ano? kase masarap po magbihis.di mabigat ang katawan...at syempre mayroong maiiggit sanyo.madaming manliligaw o pupuri mga ganun ba....ngayon paano na??mataba  ka ba?ehh..oh ano simulan nyo na mag diet..Paano daw mag diet?? asusko..
itintatanong pa ba yan...Di syempre eat properly .eat the right food.and learn about the basic step of proper eating ...in other words....eat healthily ,live healthily then we are happy ...




HEALTHY EATING HEALTHY LIVING LANG PO....kung di nyo kaya..bawasan lang ninyo ang labis sa matatamis,junk food,fast food, moderation lang po..at higit sa lahat ang MAMANTIKA...
Sa bilbil nyo para mabawasan at lumiit,konte lang sa rice at mga baked food...sit ups every morning kahit 5 minutes ..
.More discipline lang po sa kinakain naten..at gumalaw galaw kayo..di puro tulog...haayy buhay...


okay babush sa mga gusto magpa sexy at di mag pa siksik...


look me here....siksik ba ???
di yan sexy ..slim lang lolz





Friday, March 30, 2012

10 Dahilan Bakit Mahirap Mag Diet?

Paano ba mag diet ????...............eat more fruits to your diet    1.Walang kontrol ng pagkain ng masasarap .,Katulad ng mga mamantika o matatamis..junk food, fast food ,p...