Paano ba ang Tamang Diet? helphelp.com: About Rice
Showing posts with label About Rice. Show all posts
Showing posts with label About Rice. Show all posts

Friday, April 24, 2020

Bakit ba ang Pinoy Matakaw sa Kanin

Pasensya na kung masakit ang title ko..
Alam ko namang hindi naman lahat ..para sa tinatatamaan lang.. i'm not bullying anybody but instead i'm just honest and telling you the truth about the side effects of katakawan ..

Ipag paumanhin nyo kung may tinatanamaan, I'm not referring it generally , siguro or totoo ako di ba .  almost ng mga Filipino malakas kumain ng kanin, kung ayaw ng salitang matakaw..

Ang Kanin or Rice ay Sobrang Importante sa mga FILIPINO lalo na ang mga hikahos,
mahirap ka man , mayaman ,  middle class o poor class , kanin pa ren ang hinahanap , may ulam o wala . importante may kanin sa bahay..

Hindi ko nilalahat na ang pinoy ay matakaw sa rice , maaring ganito ang scenaryo " UY Ang SARAP NG ULAM , MAPAPALAKAS YATA ang RICE KO ..yan karamihan ang bukang bibig ng kababayan naten ..or
BUKAS NA DIET... di ba tama ?

Datapwat alam ko naman marami na reng pinoy ang conscious sa kinakain lalo na ikaw ay celebrity , model , or whatever na puhunan mo ang figure mo.. or my health problem

May tao namang kahit ordinary lang ay ingat na ingat kumain ng maraming kanin , sapagkat alam nila ito ay nakakalaki daw ng tyan at kung may diabetis , ay nakakataas naman lalo ng sugar ,
anyway...

katulad ko figure conscious ako so ingat ako sa dami ng rice na kinakain ko . kahit matanda na ako 20 years old ang korte ng katawan ko..hehehehh yabang ko ba..anyway

Hindi naman masamang kumain ng rice , of course yan yung main food ng pinoy para matagalan ang gutom sa mahabang trabaho kahit na kaunti pa ang ulam...

Gets ko na ang mahihirap o hikahos sa buhay na walang pambili ng ulam , makakain lang kahit KANIN at ASIN , masaya na sila kahit bitin , di nila kaya magreklamo kahit gustuhin nila kung iyan lang ang kaya ng magulang nila... mga bata ngayon , ramdam na ren kung sila may pagkain o wala, ramdam nila kung mahirap sila o hikahos ang pamilya nila.. masakit man sa puso makarinig ng kapwa pinoy na hirap sa buhay..BIGAS lang para makakain ang pinoproblema pa nila..


Maiba tao ng usapan. para sa mga taong mapalad na can afford rice or can buy rice to complete their meal lalo na masarap ang ulam..pasalamat tayo sa Poong May kapal at sa pamilya nyong nag sisikap , para makakain ang kasamahan nyo sa bahay , or ikaw baka bread winner or ambag sa pamilya nyo na taga bili ka ng ulam . bigas , tubig or else ..

Humahaba ang topic ko ..
Sa Gustong Malaman
BAKIT BA BA NAKAKATAW kumain ng maraming kanin kahit minsan ayaw mo na.. ?????




i'm gonna give you an idea bakit ka matakaw sa kanin or malakas sa kanin na di maiwasang bumalik balik pa sa kaldero or mag UNLI rice pa kung ikaw ay nasa restaurant na may eat all you can..GETS MO?


BAKIT HINDI PWDENG WALANG KANIN ANG MGA ANG PINOY .(totoo yan..)

DAHIL MAIN FOOD daw natin yan at hindi bread or Pasta (korek)
DAHIL MASARAP ANG ULAM ( isa reng dahilan ito)
DAHIL GUTOM NA GUTOM NA ( totoo naman )
DAHIL HINDI KA PWEDE NA TINITIPID ANG KANIN ( magana tawag dito papunta na sa katakawan  lol)
DAHIL ANG KANIN ANG KALIGAYAHAN MO ( medyo disorder na ito )
DAHIL ININIISIP MO MABIGAT SA TYAN AT DI AGAD GUGUTUMIN ( gets ko po )
DAHIL KAKAUNTI ANG ULAM Kaya Puro kanin lang ang makakain ( gets ko ren)
DAHIL ANG KANIN LALO ITOY MAINIT nakakalakas daw lalo kumain ( ganoon ba yon)
DAHIL Di PA SUMUSUKO ANG BIBIG MO KAHIT MABIGAT NA ANG TYAN. ( eto talaga Katakawan po ito ) in short enjoy pa si bibig mo eh..paki ba raw nila
DAHIL NASA HANDAAN at nilulubos lubos kumain ( naunawaan ko lalo na't gipit ka )




Bukod jan ano pa pwede nyong IDAHILAN SA KATAKAWAN NYO SA RICE...
Although may reason ang iba kung bakit malakas sila sa rice..
so yung iba may katawakan talaga ... yung iba depress or stress , may disorder or else reason.


ask yourself why you eat too much rice then you're complaining why i'm bloated ? funny di ba?

HINDI MAGANDANG DULOT NG SOBRANG KAIN NG KANIN o RICE

Ayon sa aking pag susuri at sarling karanasan , at ng mga nakakasalamuha ko according to their experienced..
i'm not an expert okay. i'm just an ordinary Filipina who married with two kids . i'm just a very figure conscious person..syempre health conscious den ..importante yun

1..Bukod mabobloated ka , papangit korte ng katawan mo , at para kang buntes
2. Anjang mabigat ang katawan , hirap gumalaw , hirap huminga at madaling mapagod
3. Yung iba nagiging acid reflux na
4 yung iba nagiging constipated na
5 yung iba tumataas ang cholesterol
6. tumataas ang BP
7..Minsan malimit mag palpitate
8 .Hirap makatulog..
9, Gutumin minsan , Di makakain minsan kase puno na ang tyan
10. Minsan naiiipit ang dibdib , naninigas ang tyan na di mo maintindihan
11..Pangit mag bihis ng damit , kase masisikip na ang damit o pantalon
12.. tutuksuhin ka ng butete or maiinsecure ka kapag naka kita ka ng flat tummy
13 minsan nagiging sanhi ito ng stress, depression , yung iba quiet lang pero yung iba nagiging BULLY...lalo na sa social media..stress sa sarili ibinabaling na sa iba  ( totoo o hindi )
14 Minsan naging bugnutin o mainitin ang ulo , dala yan ng lason sa loob ng tyan mo ( parasites)
15..PERO MAY TAONG POSSITIVE pa ren kahit malaki ang bilbil GO LANG sila in short
TANGGAP NILANG MATABA SILA.. ika nga they don't care..( okay life mo yan eh)


Anyway marami pa sana akong isusulat , kailangan kong mag luto ng breakfast ng family ko
tandaan ang kumain ng Rice ay di masama
Ang puntos ko lang KUMAKAIN KA BA NG TAMANG DAMI according sa yong age , Height, Body built , Activities or Work , or kung may health problem ka ba o wala

Truth is here..
RICE IS a Good source of CARBOHYDRATES
but anything over or abusing your body through eating too much is not GOOD..
THANK YOU po

TIPS of the day

"Eat the right amount of rice and balance your meal so you can any food you like without being greedy .."

                                  


@tokyopinay at your service


.







Wednesday, July 31, 2013

Bakit Mahirap Iwasan ang Kanin?

Bakit nga ba mahirap iwasan ang rice? Talaga namang mahirap itong iwasan dahil ang Filipino ay ugali ng kumain ng rice,hindi ka mabubusog kapag walang rice,So paano nga ba ang gustong mangyare ng taong gustong umiwas sa rice?

fried tice


   Ang point ko dito,Hindi naman kailangang umiwas sa kanin ,kundi bawasan lang natin ang amount ng rice na ating kinakain sa araw araw
   Ang sasabihin ko lang sa taong namomoblema sa lakas kumain ng rice ay unti untiin nyo lang ang pag babawas ng kanin every meal.
   Huwag nyo itong bibiglain ,tulad ng pagpapalipas ng gutom o mag skip ng meal,maling mali po ito lalo lang kayong matatakaw at kakain ng mas labis.

Alam nyo ba ang totoong dahilan..kung bakit mahirap umiwas sa kanin
  Ito ay dahil na ren sa mga ulam ..na araw araw ay puro mamantika o yung nakakatakaw na ulam para lumakas ang kain nyo ng rice..hindi po ba?
 At kung minsan kapag kakaunti ang putahe,napapadami ng kain ng rice para mabusog lamang
(budget problem na ito)

   Kailangang mas marami ang gulay , protein dish ,soup kaysa sa rice..ang pinoy kase isang putahe sa tatlong plato ng kanin..( out na po ko diyan)

Hindi nyo ba alam ,hindi masama ang Rice
   Kahit pa araw araw kayong kumain,Basta kailangan nyo lang ng disiplina
At kumain lang sa tamang oras ng rice at tamang dami
dahil ang rice ay matagal idigest sa tiyan kaya marami ang nag aadvice na hindi maganda kumain ng
too much rice lalo na sa gabi..

   Subukan nyo ang rice every morning,kahit 1 cup ,lunch 1 cup ,sa hapon 1 cup..huwag kayong kakain ng rice ng before 2 hours ng oras ng inyong tulog..Maari ren na hindi na kayo kumain ng rice sa dinner basta sigurado kayong kompleto ang dinner nyo na mabubusog kayo ng tama,dahil after 2 to 3 hours ang tao po ay ginugutom lage.

  At one tip from me,before meal try to drink soup first kung mayroon.or drink water first not cold water either fresh juices or start your meal with fresh fruits or veggies salad then tsaka kayo mag start sa rice..kundi nyo kaya,it's not my problem anymore.

At ugaliing uminom ng warm drink after meal instead of cold water..
( cold water with ice ay nakakadagdag ng pagtaba) search for this..yung mantika na kinain nyo ay magiging sebo sa loob ng bituka nyo..

  At ang masasabi ko pa kung 1 cup ang rice nyo every meal,dapat full of veggies kayo,may fish ,small amount of desserts,at prutas..sa mahilig sa mga baboy ,manok,karne,..remedyo lang po sa mga iyan..iwasan nyo ang mga mamantika o matatabang ulam...( kung Physically Active kayo mas better po )
kung mahilig kayo sa pagkaing pinoy,at kulang pa kayo sa exercise,alam nyo na ang sagot diyan..


one cup every meal is good 

Aba eh....Kumain lang tayo ng RICE 
         Hindi ito kailangang IWASAN,kundi ...........dapat itong BAWASAN
Umiwas ka sa RICE 
         Kung may alam ka................................ sa larangan ng HEALTHY DIET

   At hayaan ninyong masanay ang inyong bituka sa maliit na amount ng rice every meal,dahil kung malakas kayong kumain ng kanin..
natural ay luluwang po ang inyong lalagyan ng pagkain ,i mean sa loob ng inyong tiyan..yung bituka nyo sanayin nyo reng lumiit ng hindi lumobo .


    "Tandaan ang rice ay isang carbohydrates na mabigat at matagal matunaw sa tiyan..
kung di nyo maiiwasan kumain ng labis nito..ay kayo na ang nakakaalam ng sagot nito."

Ang Bilbil o Pagtaba...na karamihang problema ng Filipino..
isang patunay ito.. na ang Pinoy ay malakas kumain ng RICE..



Salamat po...

Sunday, January 1, 2012

Nakakataba ba talaga ang Kanin?

Eat the right amount of rice in your diet
    Hindi natin sinasabi na ang kanin o white rice ay isang nakakatabang pagkain, Ang kanin o ang rice ay may health advantage dahil ito ay low in fat at high in protein..
   At ang maganda dito ay ang kanin ay mabilis makabusog  kaya medyo mabigat sa tyan..so nakakatulong ito para tayo maibsan ang gutom at mapuno ang tyan at di agad ginugutom ..lalo na sa matagalang oras na pagtatrabaho..
   Ano naman ang Brown Rice?Ano ba pinagkaibahan ,rice naman pareho?
 Pero sinasabi ng iba na ang white rice ay di magandang pagkain lalo na sa nag da diet.at mas mabuti raw ang brown rice,  yes brown rice is the healthier option to white rice dahil ito ay high in fiber ,at 30g of fiber ay kailangan naten a day.ang fiber ay mabilis matunaw sa tyan di tulad ng white rice matagal tunawin ..
  Ang brown rice at white rice ay iisang uri ng bigas, na hinubaran at inalis ang nakabalot sa makulay na bigas.,pinaputi at pinakintab..At yung sinasabing sustansya ng rice na nasa brown rice ay naalis .
  Bakit ba ginagawa pang white rice kung mas more healthier ang brown rice?
     Ang White rice pag niluto mo na at kinain .sya ay makintab mabango at malagkit lalo na dito sa Japan the best ang rice nila,para syang malagkit napaka sticky nya..
     Ang brown rice pag niluto mo na hindi masarap tingnan dahil dry ang itsura nya na parang kulang sa tubig..sabi nga nila hindi ka gaganahang kumain...Ang tao kaya gusto lage masarap.pero di naman masama ang amoy nya ,katunayan gustong gusto ko sya..maganda talaga sya diet ,kase mabilis matunaw...pero wala reng masama kung white rice ang kainin nyo daily.ang importante ,watch the amount of rice lang..napakasimple po di ba?
    At sa aking pag susuri,ang tunay na dahilan na bakit puti at hindi brown ang  kilala ng tao...ay mas masarap kainin daw ang puti sa brown..nasubok nila na mas nabibili ang white sa brown..so yung nag nenegosyo ng bigas mas magbebenta sila ng mabili kesa sa di nabibili.subalit hindi naman nawawala ang brown rice hindi lang sya sikat,mapalad ang taong matalino na nakakaalam ng mga ganitong bagay at nagsusuri lalong lalo na may kinalaman sa ating kalusugan.
   Iba nga lang sila ng presyo mas mahal ang brown rice..Samantalang maraming ginawa sa puti bago maging puti,nakakatawa ano?
So ...Ang Tanong Nakakataba Ba Ang Rice? brown o white pa sya
   Alam nyo wala sa rice ang pagtaba ng isang tao.kahit araw araw ka pa mag rice kung you know how to limit the amount of your rice ay hindi ka tataba..
eh kung kakain ka ng sobra o ilang plato ang binanatan mo at kasabay pa ng mga mamantikang mga ulam ,may softdrinks ka pa..may dessert ka pa ..ay iyan panigurado ko kahit sino magiging dambuhala..


Hindi nakakataba ang rice ,white or brown,kaya lang ang brown rice is the healthier option lalo na sa mga seryosong nag dyedyeta. at lalo na sa  mga bodybuilder..
Rice can be part of many healthy diets brown pa o puti..nagkaiba lang sila sa sustansya.at lasa.. pareho po silang carbohydrate just be sure to watch your intake and count your calories if you like eating rice..


Too much eating rice....
  Nakakalaki  ito ng tyan..kaya nagtataka kayo bakit payat naman kayo subalit malaki ang tyan nyo...
ask yourself why?