Paano ba ang Tamang Diet? helphelp.com: Workout
Showing posts with label Workout. Show all posts
Showing posts with label Workout. Show all posts

Thursday, April 16, 2015

Kamusta naman ang mga BILBIL nyo?

May improvement bang maganda? o nanatiling lawet at luyloy pa ren? o di kaya eh mas lumolobo at hirap maisara ang zipper ng pantalon,aray ko po!



Anyway ,nangungumusta lang ako sa mga gustong gustong maalis ang kanilang makapal na taba sa kanilang mga tiyan..

Sumubok ba kayo sa paraan ng tamang pag dyedyeta ? o sadyang hindi kaya? o kaya tinamad na dahil masarap ang kumain at nakakatamad ang mag exercise at kumain ng tama..

So huwag magtaka at magreklamo sa inyong bilbil,ang bilbil di mawawala kung di nyo palalayasin..
joke lang ,what i mean is ,kung nagsisipilyo kayo para luminis ang ngipin at ang bibig para di marumi ang inyong hininga at di masira ang ngipin..
  Eh di sipilyuhin nyo ren ang loob ng inyong tiyan,PAANO? MAg DETOX kayo.or yung tinatawag na
Colon cleansing or Detoxification...( search in the web tamad ako mag explain hahahh)

Update ko na lang itsura ko ngayon sa inyo..nag woworkout pa ren syempre ako ,nag papawis,
like nag sasayaw ako ng zumba,kick boxing,aero dance...lahat ng pwedeng gawin sa loob ng Gym .
syempre if i have time ,busy ren ako sa bahay ,isa ren akong butihing ina at asawa na need magluto at maglinis ng bahay,at isang pinay na mahilig tumawa ,lumaboy at iniingatan ang sarili kung kayang ingatan hehehh.

we are not perfect so minsan may palpak sa buhay.basta ang kamalian di mawawasto kung di mo ren ito iwawasto..basta yun , ganun nga,
PAWIS Pawis naman pag may TIME ng ang mga BILBIL ay LUMAYAS..





Wednesday, February 6, 2013

Payat Tingnan Pero Malaki ang Bilbil..

Sigurado marami sa atin ang may ganyang pangangatawan,Di naman mataba ang katawan subalit may tiyan o bilbil..Hindi nyo ba natatanong sa sarili nyo ang dahilan kung bkit?..

Sa mga hindi nakakaalam,ang tunay na dahilan nyan ay labis na pagkain ng mga solid food na matagal matunaw sa ating tyan at mga taong mahilig kumain ng mga rice ,baked food,soft drinks, o kaya palainom ng beer...tapos mga matitinding pulutan pa..
Ang sobrang pagkain ng mga carbo food like rice ay nakakalaki ng tyan,dahil ang rice ay matagal matunaw,so bago nyo ito ilabas ay nanatili ito sa inyong tyan na syang nagiging dahilan ng pag umbok ng inyong tiyan at ang labis na pagkain ng pagkaing nakakataba o yung matataas sa calorie ay syang nagiging dahilan ng inyong bilbil..
Kung kayo ay palakain ng rice ay dapat nyong ugaliin ang kumain ng maraming gulay at prutas,at hindi puro kanin...para makatulong sa pagbilis ng pagtunaw ng inyong kinain at ng hindi kayo nagpapalampas ng araw sa inyong pagdumi..ang di pagdumi ng tamang oras ay isa ring nagiging dahilan ng paglaki ng tyan..
At ang kakulangan sa eherisyo o pagpapawis ng katawan ay isa reng dahilan para maipunan kayo ng taba sa katawan na syang nagiging sanhi ng inyong bilbil..

Kung gusto nyo itong mabawasan ,uminom ng maraming tubig na may lemon o kalamansi...mag sit ups tuwing umaga..o kahit 2 to 3 times a week na workout.jogging o 30 minutes na lakad everyday..

Payat o slim ka mang tingnan..kung malaki naman ang iyong bilbil,ay hindi ren kaaya ayang tingnan..ugaliin nateng bawasan ang mga pagkaing mabibigat na hindi agad natutunaw ,o di kaya ugaliing mag ehersisyo at kumain ng balanse..hindi lamon..yun lang ang masasabi ko,disiplina lang ang kailangan kung gusto nyo ng flat abs...at magkaroon ng healthy na katawan..




Tandaan.....
    "Ang kinakain natin,ay nakikita sa ating itsura"...

until here..babush...

Friday, June 1, 2012

Gusto Mo Bang Tawagin Kang Taba.?

  Kayo ? Gusto nyo ba ng mataba ? o malapad ka na ba ngayon?,o may bilbil lang naman.?.o di kaya naman ay  malaki yung hita o luyloy yung baba o braso?...o kaya malaki yung mukha..lahat ng iyan ay  ayaw naten ano?Subalit hindi nyo ba napapansin na may mga payat naman na hindi kontento sa katawan nila.Bakit?
Minsan kase may mga slim na hindi balanse yung piyesa ng katawan nila..nakakainis den minsan ano?...may payat kase na walang korte ...kulang sa balakang o sa butt ...malaki yung shoulder etc etc..? kaso ang katawan ng tao iba iba eh.....hindi naman tayo ipapanganak ng iisa itsura...he he he...so ang tanong gusto mo ba ng mataba o ayaw mong tumaba?


Marami kayang Stress Ang isang Mataba...
.So kaya ayoko..Minsan na akong naging mataba ,noong ako ay nagkaanak ..ang hirap kumilos,grabe kaya.. ...mabigat ang katawan...hindi masarap magbihis..maiinggit ka lang sa mga slim o sexy...andyang maiinis kang humarap ng salamin ..basta ..mahirap ,lalo na nga at dati na akong slim....walang kwenta ang maging mataba....tapos tatawagin ka pang debu...no way....may mga picture nga ako sa beach noong ako ay mataba....naka swim suits pako ng red..ayoko nang makita ha ha ha...kakahiya...~.^
  Kaya pinilit ko ulit na maibalik yung figure ko ,kahit paano man lang magkaroon ng curve yung waist line ko....pag nagkaanak pa naman kase.lumalapad na yung balakang ng babae..may bilbil pa..
Pagkatapos hindi nyo papansisin ang sarili nyo..sabagay kanya kanya tayo ng pagiisip..at desisyon ...basta wala sa huli ba ang pagsisisi....Ayoko ng buhay na.puro kain tulog lang..ay naku...dyan nagsisimula ang pagka losyang ng mga babae ....dapat po hindi naten kinakalimutan na kahit may anak na.tayo ay.alagaan pa ren naten ang ating katawan....hindi lang sa figure at para na ren sa ating kalusugan

At kapag mataba..usually sakitin ..o may dala na talagang karamdaman tulad ng jabetis,high blood. at kung ano ano pa..lalo na sa mga umeedad..mahirap ng basta basta mamayat...unless mag eefort sila to loose weight..means they need to change their life style to healthy living..
Pero nakakatawa ang mga matatabang cute tingnan...kahit mataba pasexy fashion pa ren sila...o sadyang magaling lang mag ayos o fashionista lang talaga  
Subalit para sa akin.kahit anong sabihin..kung magagawan ren lang ng paraan, Ayokong manatiling mataba.kayo ano sa tingin nyo?..Wala namang imposible ang pagpapayat ..nasa saiyo mismo ang kasagutan ...
....
Workout in the Gym...
Yes..ang pag woworkout o pag punta sa gym ang magbibigay ng kasagutan sa mga gusto nyong mangyare sa inyong katawan .kung gusto mo matoned ang katawan mo..dahil may mga luyloy sa braso,sa hita o malambot yung butt nyo...kailangan ng konteng firm..o kaya naman chest workout parang mafirm yung dibdib ..lalo na sa mga girls ,kung worried kayo na soft na yung breast nyo..bench exercise lang po yan...o kaya kung mahilig kayo sa sports...  the best ang tennis ,golf,badmenton or volleyball..nakakapag firm ng mga arms yan ,legs at chest or breast..."firm ha !! not become bigger"....maganda pa sa heart..so dapat itry nyo na..

Ang pagiging sports minded o pagiging active sa gym o sa pag eexercise ay napakaganda po sa kalusugan at lalo na sa inyong pangangatawan...iba yung itsura ,.nagiging mukhang bata,malakas,masigla...at fresh yung dateng ng aura nila...at makakabawas pa ng matinding mga sakit..Ayaw nyo nyan?

Kaya ako ,ayoko ng di nag woworkout ..kahit man lang magsasayaw ka sa kwarto mo..~.^ okay den po iyon...basta pinapawisan kayo ...nakakaburn na kayo ng mga fats ....alam nateng.mahirap maipunan ng sobrang calories sa katawan...



So ganun na nga....
Mataba o payat ka man..may korte ..pandak  matangkad  mayaman matalino bobo mahirap pangit o maganda ka pa ...iisa lang po ang kailangan ng tao ,para maging healthy ang inyong sarili.....syempre wag kalimutan ang tamang pagkain..at exercise...bahala na kayo sa desisyong iyan...dahil kanya kanya tayo ng buhay..sa akin lang baga ay payo lang naman..~.^


Enjoy your healthy life style now.................gym na kayo bukas..~.^

may reward ang matyaga....just love your body..

Saturday, May 26, 2012

Mabilis na Pagtaba ng isang Tao?

Bakit ba nga ang Bilis Tumaba ng Isang Tao?Tanong ng Marami.
  May mga tao kaseng malakas kumain subalit hindi naman tumataba..{remember panandalian lang ito.}..lalo na nga ito ay poor diet pa..,sa takdang panahon makikita nyo ang tunay na resulta ng malalakas kumain ,na hindi daw tumataba...sa ngayon lang...yes sa ngayon lang iyan...
..At may taong ingat na ingat sa kinakain ,tapos ang bilis daw nilang tumaba...hmmm....Bakit po ba? sigurado po ba kayo tama yang ingat na ingat ninyong pagkain...well.....anyway muna..


Mataba Dahil Umeedad na? at Angkan Kase ng Matataba.?..
  Ang tao kapag dumating na sa edad 30 ay totoong bumababa na ang metabolism,.at totoong mabilis na ang pag taba..kaya napupuna ninyo bakit mabilis tumaba ang umeedad na kaysa sa bata.Kapag bata pa mataas pa ang metabolism ..Subalit ngayon hindi lahat ng bata ay may healthy metabolism at marami na ang mga over weight...Sa palagay ko isa ang magulang sa may kasalanan dito ..
  At wala po sa lahi o angkan ang pagtaba kung kayo mismo ay ay mag iingat ng kinakain nyo at huwag gayahin ang kinakain nila kung gusto mong di matulad sa kanila...at hindi po ako naniniwala sa lahi lahi...change your lifestyle and you will find it...like ako...iba ko sa angkan namin..kase neat and healthy living ang ginagawa ko...i tried to give advice ,may makinig o hindi ...ako pa ren ang panalo..dahil ako yung hindi mataba sa kanila at ako yung look young sa kanila...lolz..anyway...

Of course,depends on your manner of living and what you eat ....Ang pagtaba ng isang tao ay ikaw mismo ang gumagawa..at hindi ano o sino  man ang dapat sisihin.Bata man o matanda...


Mahina ang Metabolism ...Ano ito?
  Hindi masasabing swerte o chamba ang hindi pagtaba at malas ang tumataba..may mga dahilan iyan kung bakit ganoon ang resulta ..
Kapag napuna nyo na bumibilis ang pagtaba nyo kahit sinasabi nyong mahina kayo kumain..,isang dahilan iyan na mahina na ang inyong metabolism...Ang Metabolism...ay yung energy[calories],na tumutulong na magtunaw o magburn ng fats nyo sa katawan,kahit kayo ay natutulog,nag lalakad,nagsasalita o nagtatarabaho....importante po sa tao ang may healthy metabolism ..kailangan nyo itong alamin " how to increase your metabolism?



Muscles versus body Fats..
 Alam nyo ba.. Ang may Lower Body Fats ay syang may Higher Metabolism. Paano naten malalaman ito?  Pag usapan naten ang tatlong klase ng buhay ng tao.. Ang taong nag aaerobics o may regular na exercise , mga taong nag bubuhat o muscle builder  at yung pangkaraniwang buhay ng tao......may exercise man o wala...
  Sa tatlong klase ng pamumuhay ng tao...Ang walang exercise ay may poor metabolism...yung may regular exercise  also have higher metabolism..
At ang mga muscular people are said to have the lower percentage of body fats..so sila yung may highest metabolism......mas maraming muscle mas high ang metabolism...but i`m not telling you to build muscle.kung hindi kayo mahilig sa magang laman......im explaining here .."The important amount of muscle in your body versus the amount of body fats in your body"....


Syempre hindi lang exercise dapat right food ,enough water...at yung inyong manner of living

build some muscle to reduce body fats..
    At ang katawang puno o sagana sa muscle ay masasabing pinaka healthy ang metabolism..kung ikompara sa kokonte ang muscle...
Humihina ren ang metabolism kung puro kayo stress at kulang sa tulog,...At kumakain ng mali sa oras at hindi tamang dami ayon na ren sa inyong trabaho edad at timbang.....

Another Tips for healthy diet..Learn "How to increase your Metabolism.".
  




.
 


Thursday, May 17, 2012

Maganda ba ang Maskuladong Katawan.?

Para sa akin oo at syempre..Kayo ba san ba nakatingin ??


Muscle builder or Pretty boy looks?
Ang lupet ng tanong ah...Maskulado o Mukha ??  eh paano kung macho nga mukha namang ewan ha haha..at kung gwapo naman mukha naman tuko o bondat..o kaya naman gwapo pero may bilbil o lampa..ewww ayoko nman yan...at kung macho naman tapos tapos ano ha ha ha..bahala na kayong mag isip..wala sa macho at gwapo yan...nasa sense yan ...lolzz.

Anyway,this is my point lang naman.....kung sa gwapo mas type ko ang macho...bakit po?for me lang., ang totoong macho ,i mean not macho looks like Lito Lapid..What i am talking macho here is yung ...may muscle or yung nag woworkout..like body builder...at kahit hndi bodybuilder basta healthy looks and body conscious na boy is the real  macho...plus yung  attitude na syempre ,conduct  at manner..".macho is not only the manly looks ...but for me, importante yung how the way he take care of his body".....di puro  pogi points..kailangan ang totoong gwapo at macho dapat inside and outside...

Reward na lang den kung yung macho is good looking .tapos matalino pa..ay !.whole package na lolz...pero ang totoo naman po it is not only by the looks naman talaga...first impression lang naten ang looks..pero ang totoo sa ugali tayo mas pabor...di po ba?....ako mas gusto ko may concern sa katawan..tulad ng hindi naninigarilyo...hindi lasenggo...pag may bisyo baka mahawaan pa ako..unless mag change life style...hmmm..anyway....

Ang taong macho pumopogi na ren pag maganda yung korte ng body..gumaganda yung tindig dahil sa pag gigym...natotoned yung mga dibdib.biceps,butt at abs...yung ang totoong gwapo...bahala na kung nakalbo si kuya he he he..importante healthy sya...di ko na ren kasalanan kung maitim si kuya...

Pero sa ngayon marami na tayong nakikitang mga guys na nag papa muscle..mga artista ,kabataan ngayon at kahit na mga middle age...marami ren nakakapag patunay iba ang may magandang pangangatawan...at iba ang nagagawa ng healthy living.....Pati babae ngayon mayroon nareng nagpapa muscle...sexy kaya no..!!at para mapanatili ang timbang at korte ng figure...at maiwasan ang pag lobo at pag luyloy ng mga laman..lalo na sa mga umeedad na..at babaeng nag kaanak na like me..kahit babae ay may karapatang mag build ng muscle..
Hindi ito maunawaan ng walang alam bout bodybuilding .dahil.i am a muscle builder den. and i love being fit and healthy..ehh..i want it to share the true feelings of being healthy..no worrying about getting bulked up.... may muscle definition lang ..

Steroids on muscle??
Pero kahit sinabi ko na maganda ang bodybuilding o pag mamuscle is i am not saying here ,that i am agree sa steroids..it is personal matter na... yun kaseng mga sumasali sa competion,halos naka steroids ...para sa akin it is not healthy..ginagawa nila iyon to win the game...at para to get huge muscles...hindi na natural which is i do not like...Of course,the best is yung natural muscle..safe and healthy pa...it is not nescessary naman kung healthy living lang naman ang purpose nyo at maging fit and sexy..para yang cosmetic surgery ..it is personal choice and decision....


Benefits of bodybuilding 
Ang malaking pakinabang ng pag woworkout kunde ka sexy at body fit ,healthy na,masarap magdamit ,maganda yung tindig...malakas at may apeal......at higit sa lahat....you look younger at your real age and fabolous level  talaga ..at syempre..magiging good influence pa kayo sa iba...totoo yan!!
At tingnan nyo si Gabby Concepcion...i heard he is very health conscious person..he eat more protein ,at no high carbohydrates and he workout a lot..napaka bata nyang tingnan ..kung di ako nag kakamali almost 47 na sya or more..Alam nyo yan iba ang nagagawa ng clean living ....hope yung may mga belly fats ay magising at simulan ng mag gym..Start na!!!!!!!!!!

How to build Muscle?.

Self disipline.dedication,motivation.......bawal ang tamad...kailangan matyaga ,medyo magastos ..pero pwede naman sa bahay lang..Gamitin nyo ang utak at inyong diskarte ,lahat may paraan kung gugustuhin.. ...At may mura ren namang mga gamit ,kung mahal sa Gym..o pwedeng gumawa ng sarili nyong gamit....
 Don`t forget healthy eating is the key here..at more focus on the protein food...check nyo mga information dito sa Google search...if may time ako i `ll post some information bout muscle building..

Everytime you move..you walk,you eat.or you hug your love ones...ginagamit natin ang ating bones,muscles and joints...kung wala itong mga importanteng body parts...hindi gagana ang buo naten katawan..hindi pwede puro bones lang..at lalong hindi naman pwede ang puro taba ka sa katawan...hindi naman pwede mahina ang joints mo ..at kung mahina ang muscle mo?Alam nyo na ang sagot jan....

~.^....................................Start a new goal in your life..girl ka man o boy....para sa iyong kinabukasan..


Tuesday, April 24, 2012

Gusto mo bang tawagin kang Sexy ?

Ayaw mo?? Gusto mo??  Oa, na nagsabi ng ayaw,di ayaw kung ayaw,...Siguro sa mga conservative ayaw nila ng salitang sexy ,o siksik type nyo siguro..??? o baka lang mas maganda na lang tawaging slim o slender na lang....desente baga...kase nga naman sexy means is giving apetite about sex ,or enhancing or seducing ..ewww ganun? ,ganun? ganun ba yon?? okay para sakin .yung maging  fit and toned ka lang ..ang sarap kaya ng feeling..or gorgeous looking pa.. ,ang drama ng lola nyo .anyway..

Kaso may tao o kahit guys ang tipo nila sa babae ay medyo chubby daw ,yong bolapshoos daw ahheheh.medyo malaman.pag yakap marami taba esteeee  malaman pala..HUG gable ba type na mga ireng mga julakis na to..ginoo..bumili na lang kayo ng stuff toys..at siguradong masarap yakapin ....anyway ulit..

Sexy man kayo o hindi,mataba ,payat butiki,pandak,bochog,luyloy,.bungal.,kalbo.buntes,at walang pera este walang pakialam kung sexy ka man o hinde...katwiran kase ng iba..importante busog kahit ano pa yang bilbil ko..magsuffer na daw ang kalusugan basta di nagugutom...Nauunawaan ko naman nyan..gutom ka na iisipin mo pa ba nga naman mag Diet...


BAKIT MAHAL BA MAGDIET???
Sumagot kayo...mahal ba????????????.mahal ba ang gulay at prutas ? kesa sa pang Joli bee nyo kesa sa pang maccdonald nyo at kentucky at pizza nyo ha? ha? ha?    sagutin nyo ko.?
Puro kayo reklamo malaki tyan nyo ,may bilbil kayo.mataba kayo..tapos puro naman kayo lamon..sino ba gusto nyong sisihin..?? si batman? joke lang po..seryosong usapan to ,okay..!!

Yung mapepera nagrerely yan sa mga diet pills..kita nyo bibili ng diet pills,pagkatapos naging  lumba lumba na sila..sus mariya ,anak ng tokwang...rebound gusto nyo..? yung soshal sempre may pang BELO ..lypo lang daw yan...kaya nyo ba yon o gusto nyo ng ganun..?? pang mayaman lang yan at sayang ang pera..anyway forget na si belo..

Aminin ,Nakakainggit ang sexy ano? kase masarap po magbihis.di mabigat ang katawan...at syempre mayroong maiiggit sanyo.madaming manliligaw o pupuri mga ganun ba....ngayon paano na??mataba  ka ba?ehh..oh ano simulan nyo na mag diet..Paano daw mag diet?? asusko..
itintatanong pa ba yan...Di syempre eat properly .eat the right food.and learn about the basic step of proper eating ...in other words....eat healthily ,live healthily then we are happy ...




HEALTHY EATING HEALTHY LIVING LANG PO....kung di nyo kaya..bawasan lang ninyo ang labis sa matatamis,junk food,fast food, moderation lang po..at higit sa lahat ang MAMANTIKA...
Sa bilbil nyo para mabawasan at lumiit,konte lang sa rice at mga baked food...sit ups every morning kahit 5 minutes ..
.More discipline lang po sa kinakain naten..at gumalaw galaw kayo..di puro tulog...haayy buhay...


okay babush sa mga gusto magpa sexy at di mag pa siksik...


look me here....siksik ba ???
di yan sexy ..slim lang lolz





Monday, January 9, 2012

I have Cute Bicep Muscle..

   Yeah.i know it is weird to those who are not appreciate muscle especially people who don`t like female muscle...well sorry but i have muscle.......
   i know i know muscles are not a common thing for a woman..its created for guys but who cares, .for me
muscle is healthy and sexy ...


Ang lahat ng tao babae o lalaki bata man o matanda ay may muscle po...lumalaki lang ito pag ito ay inyong inalagaan..tulad ng pagwoworkout at pagkain ng maraming protina...at syempre healthy eating importante po .marami pong bawal sa muscle building.......kung kayo ay mahilig kumain o tamad sa mga exercises..o may mahinang pangangatawan o kalusugan hindi po kayo nararapat mag muscle build..much better to check a physician..bago nyo ito gawen..

Muscle in Japanese...is Kin Niku
Jane..muah muah..













thanks  .....