Paano ba ang Tamang Diet? helphelp.com: 2012

Saturday, December 29, 2012

Flat Abs..Pangarap mo ba?..

Sabi ko na sanyo..paano ang tamang pag babawas ng fats sa katawan..paulit ulit ko ng sinasabi...
Mahirap mag diet alam ko yan..lalo na nga at masasarap ang pagkain..hindi maiwasan ..lalo na ang pagod sa work,stress sa buhay...tapos gipit sa budget kaya kahit ano na lang yung nilalantakan...

and then may isa pang mahirap iwasan...mga manginginom ng alak..susko kasama pati pulutan..ay naku dong at inday.....wahh na ko say san yo..

Iyan sa mga di concern sa figure or even sa health nila ala na akong magagawa....masarap mag bisyo eh..masarap lumamon...masarap gumimik at masarap gumawa ng ng kalokohan..kasama na jan yung bisyo at inom at kain..so.....ayun.....hangggang umeedad kayo kunde man agad kayo tumaba ..maghintay pa kayo ng ilang taon ..kunde bilbil abutin nyo sakit sa puso,high blood ,diabetis...at kung ano ano pang lecheng sakit...

Alam ko ang stress at madepress ay kahit sino ay nararanasan...maski ako nakakaranas ng stress tao lang ako..
ang point ko lang wag nyong kalimutan ang katawan nyo..di porke stress abusuhin nyo pati kalusugan nyo..bagay di ko katawan ang mag hihirap kunde kayo..

anyway...minsan di masama ang kumain ng paborito mong food..yan yung tinatwag na cheat food mo...kaso yan po ay minsan lang...monthly lang yan pwede yung tikman ...like ako minsan natikim ng wine or beer..
minsan konteng ice cream at konteng cake,.....bihira lang po yan di palage...or chocolates...ang sabi ko nga wag lamon kundi kumain ng sapat na dami..kung nasobrahan..iburn nyo ito sa pamamagitan ng pagpapawis o pag gym ...bahala na nga kayo...kahit love making makaka burn na yan ng fats ..lollz..tuwa nyo lang...


okay..December ngayon at mag new year pa...isipin ang kakainin...llumabis man o mapasarap man sa dami ng masasarap....ibawe nyo yan after ng New year...jogging at workout to burn the calories na kinain nyo the whole holiday season...okay..yun lang ...antok na ko......

Wanna see some of my figure lately....sexy pa ren syempre..remember pala...tubig lage everyday...plenty and plenty of water ...part of healthy diet yan...entyende mga amiga at amigo...



my flat abs 


happy new year..hinay hinay po ng kain...babushhhhh..


GOD BLESS TO ALL PO.....mag 2013 na..start na po kayo ng healthy diet nyo...mua muah...




Saturday, September 22, 2012

Hindi Makahinga at Mabigat ang Tiyan..na parang laging Busog..

Nahihirapan ba kayo sa ganyang sitwasyon? Gusto nyo malaman ano po ang tunay na dahilan,kung bakit mabigat,malaki,at mahirap minsan huminga na parang busog na busog ka lage...or parang hirap tumayo ,gumalaw o kumilos dahil sa bigat ng inyong tiyan..

May mga taong kahit hindi malaki ang tyan ay nakakaramdam ng ganitong pag kabusog ..kahit kumain o hindi lageng busog o maga ang tyan.....Ano po ba ang dahilan?

Bloating .
Yes bloating po ang tawag sa ganyan...karamihan nyan ay mga taong hindi kumakain ng tama..maling oras..walang galaw,lageng nakaupo tamad at kain tulog lang....
Ang bloating po ay mga hayop o paracites sa loob ng ating bituka o daanan ng dumi...yung friendly paracites ay mas dumami pa ang bad paracites sa loob ng inyong tyan...means....puno kayo ng bulats....alam nyo na iyon....diri ako dyan sorry di ko masabi..

Ang mga alaga nyo sa tyan ay nagsisilakihan at sila po ang nabubusog at kumakain ng inyong mga kinakain.....karamihan sa may bloating problem ay bihira dumumi o halos di nag totoilet dahil may problema sa sa kanilang pag dumi..

puno den ng maruming hangin o gas ang ganyang mga tyan..kapag lumabas ay napakasama ng amoy...alalahanin nyo...mga naimbak na pagkain nyo sa inyong tiyan kapag di nyo ito inilabas ..ito ay nabubulok at babaho sa loob ng inyong katawan...pati labas ng inyong katawan o hininga ay sisingaw...
apektado po ang inyong kidney,liver,blood, immune system....at syempre stress ang mararamdaman nyo at siguradong maraming sakit kayong mararamdaman..

Clean your inner body ...Detox your body ..
huwag nyong hayaang lumaki ang mga bad paracites sa inyong tyan...lipunin nyo sila at ilabas...sa pamamagitan ng tamang pagkain.....

Ang labis na mamantika.matatamis at mga kung ano anong bad food ay iwasan nyo muna..dahil tuwang tuwa lang ang inyong alaga kapag iyan ang inyong kinakain...


Lemon juice in one week...
Subukan nyong kainin ang ayaw nila....
Lemon ....lemon po ang panglaban sa masasamang alaga sa tyan...araw araw uminom kayo ng pure lemon...or one glass water with pure lemon na piniga...sa umaga at bago matulog...mas maganda ang gutom ,kung hindi kayo sanay sumubo kayo kahit saging...no solid food muna...
Magtiis muna kayong hindi kumain ng mga lutong pagkain in 1 or 2 weeks para malinis ang inyong digestive system...kailangan nyong alisin ang cavities na iyan at patayin ang mga bad paracites at itira ang good paracites,,,,,

Fasting is good suggestion para dito ..pero may hindi kaya at hinihimatay...madedextros pa kayo...so my suggestion..eat fruits and veggies..raw food only..LEMON Juice lang po everyday...patay ang hayop sa tyan nyo.....no cooked food for 2 weeks ...   you will expect a lot of fart...means tumatalab at nilalabas nyo yung toxin sa loob ng inyong katawan...at medyo lilimit kayo sa toilet....alerto lang po..yun lang po

Sa mga hindi kaya ng raw food diet...you can eat small amout of rice with no oily food ..if possible mag oat meal kayo everyday..try to eat healthily...promise you can get good results..
no junk food..no fast food...no sweets...no deep fried foods..no baked food or bread..no dairy products..no canned or processed food....hala lahat wala na kayo makakain..kaya nyo bang maging healthy....kayo makakasagot nyan..hindi ako...dahil ako kaya ko po...

Kung may mabibilhan kayo ng Wheat Grass..mas mabuti uminom po kayo nito or spirulina at chlorella..pang detox yan maganda...At huwag kalilimutan na mag excercise o maglakad lakad..stretch your body..magpahangin sa malinis na kalikasan..hindi puro polluted place ang inaamoy nyo he he he...
maganda ren po ang mag pa masahe o magrelax sa mga spa kung may pera...kung wala kahit sa garden lang pwede na..and drink plenty of water everyday..iwasan ang sigarilyo o lugar na may naninigarilyo...
syempre kasama na ang alak...At kayo ang nakakalam ng katawan nyo...di po ba?





KUNG GUSTO NYO MABAGO ANG KORTE NG TYAN NYO.ask your Doctor or try my advice .... ..or mag search kayo sa internet about bloating..


ingat po lage...babuuushhhhh

Friday, September 21, 2012

Maganda ba ang Fasting sa Pag da Diet?

Fasting has a good results in our body kung magagawa mo ng tama...Fasting is usually ginagawa ng mga relihiyosong tao..kahit pa sa Bible mababasa nyo na si Panginoong Jesus ay nag Fasting den..
2 litters a day kaya nyo.?

water is important to our body


Bakit nga ba masasabi itong nakaka pamayat ...ang fasting po ay isang paraan ng di pagkain o pagsubo ng mga solid na pgkain sa ating bibig o ang tyan ay hayaang walang laman..maliban sa malinis na tubig...
sa religious group na mga muslim or islam...im not sure for this but i heard my oras and time limit kung pwede na sila kumain ...which hard for me to understand but anyway....

if pag uusapan naten ang fasting sa gustong mag bawas ng timbang...yes of course mamayat kayo at mababawasan ang timbang nyo....my point here is...fasting is not that simple things to do for beginners .
Ang pag fafasting ay pwede  kang magkasakit o lalo lang tumaba or lalong lumakas ang pagkain mo...

Ang fasting ay isang gawain ng isang taong sanay na at may maayos na tyan o walang sakit o problema when it comes sa fasting ...make sure pinag-aralan nyo itong mabuti bago nyo ito gawin...not all of us are qualified sa fasting...pwede kayo ritong magkolaps,lalong sikmurain,magsuka,maliyo,manlambot,at kung magawa mo man ito lalo ka lang magiging matakaw kapag sinimulan nyo ulit kumain..lalo lang darami ang inyong gutom..

Hindi nyo ba napapansen kahit muslim na ng fafasting malalaki pa ren ang tyan?  WHY???????????
Dahil po after ng fasting nila they eat lots of food ..,,fasting is not in their heart ..ginawa nila iyon as to follow the law of their religion ..and not for the sake of their health...but some muslim said ,fasting is for their own health..some muslim applied properly some are don't....i also love fasting as part of healthy diet..


It's true according to my researched and reviewed..and in my own experienced i can prove it to you na very healthy and effective.....i have had also talked some muslim people...fasting purpose is really for their health concern...to cleanse the toxin inside the body which is i agree ..totoo naman po iyun...
Fasting is a kind of Detoxification....lalo na sa digestive system .bowel problem..at colon cleansing...yung may mga bloating problem..kailangan nyo mag fasting..
long talk if i explein all the details..but fasting is really benefits and healthy if you know how to do the right fasting...if dont ...you just killing your self..


If asking me i did fasting for only 3 days...as in water lang more than that hindi ko na kaya...i will eat some fruits or nuts na..but im pretty sure to myself i can cut all the rice ,bread ..all carbohydrates even in a months..yup i can do that.,,

But fasting is also nice and good to our diet ..especially sa may mga bloating and constipation problem....
pero ang advice ko...wag na wag kayo mag fafasting kung hindi ninyo alam ang tamang paraan nito...
at ito ay pinaghahandaan....fasting is not a game ,its a serious matter involving your health and mind...

With prayers meditation  ....you can start doing your fasting ....as long as you want...but in filipino life style..,,im not sure na magagawa ninyo ito ng tama.....so the only way is....reduce eating your food na lang..exercise
and eat healthy balance diet...yun lang po..

Ask me for more about Fasting .............................i heard some groups of religion sa aten is still following the scriptures regarding fasting..for me..doing the fasting is not because of the religion ..its about your health..pero sure ako matataba pa ren sila...you know what i mean...fasting is not only in the eyes ,not in your mouth,not in your head,not only in your mind. not because of other people...its because you love your body ,gusto mo maging healthy...gawen mo iyan as your life style..not only for fashion,laws,alon o uso...or relihiyon.....it is about you and yourself..and our Creator..

Have great to all of you na gustong gusto ng mag diet ang maging sexy......pagaralan nyo pong maigi ang bawat bagay na inyong sisimulan ng walang pagsisisi sa huli....


BABOOOOSH ...see yu muahhhhhh..

Tuesday, September 4, 2012

Masarap Mabuhay ng Hindi Sakitin

Yes...Kung kayo ay magbabago ng style ng pamumuhay ..what i mean is yung mga kinakain is importante po sa lahat ng sakit na nararamdaman ng tao...kahit pa man ito ay di panghabang buhay..importante ay malusog at masigla kayo hanggang sa huling sandali ng inyong buhay...di po ba magandang pakinggan ..

Kung malala na ang sakit nyo,ayan Doctor ng bahala sa inyo,alam kong mahirap o masakit ..at alam kong ito ay magastos na sakit....subalit kung may magagawa pa namang paraan di pa po huli ang lahat...kahit man lang mabawasan ang bigat ng inyong sakit ..iyon po ay mahalaga...

Alam nyo bang ang Healthy Diet ay importante ,kahit na ano pang sakit o ano pang nararamdaman nyo sa katawan nyo ay ,isa lang po ang mali sa inyong ginagawa o mali sa inyong pamumuhay...bagkus alam kong mahirap ang buhay lalo na nga at gipit at hindi madaling kumita ng pera,nandyaang sa tindi ng stress tayo po ay nadedepress at iyan ang nagiging sanhi ng isa reng dagdag sakit sa buhay ng tao...

Isa lang ang masasabi ko ,kahit sino pang Dooctor o eksperto ,alam man ang paraan o remedyo sa natural na paraaan para matulungan ang isang may karamdaman.....AY ...hindi nila ito sasabihin sa buong tao..BAKIT? .........hindi sila kikita ...okay....Walang bibili ng gamot sa botika At wala ng magpapadoctor...

Okay...Para sa aking sarili pagsusuri at pagoobserba sa mga paligid,tao ,kilala o mga bagay na nakikita ko at nababasa sa loob ng internet...ay marami akong napatunayan at pinaniwalaan...ANO PO IYON?
Ang katotohanan tungkol sa HEALTHY DIET..or healthy living..

Alam kong mahirap sunden ang lahat ng mga pumapaloob sa pagiging malinis ang pamumuhay..dahil tayo ay paligid sa maruruming kapaligiran at hindi maayos na batas ,magulong pamumuhay at lahat ng makasanlibutang gawa ng tao ...madayang produkto ..etc etc..

Ang lahat po ay nasa sa ating sarili...ang nagdedesisyon po ay tayo...nahihirapan ay tayo...nasasarapan ay tayo...napapagod ay tayo...lahat tayo po ang gumagawa ng sarili nateng tinatamasa o nararamdaman ngayon...kayo man ay sagana..mahirap o may sakit..sikat o inaapi...

Isa lang po..kung mayroon ka ren lang naman talino..gamitin mo ito..
KUMAIN NG WASTO AT TAMA...suggestion ko focus on natural food..fruits and veggies
INGATAN ANG SARILI SA BAWAT DESISYON O GALAW NG DI MAPAHAMAK
IMPORTANTE ANG TUBIG BAGO PA ANG LAHAT NG MASASARAP NA INUMIN.
GUMALAW AT MAGPAPAWIS ,IWASAN ANG PAGIGING TAMAD.
MAGING RELAX AT IWASAN ANG STRESS O MAGALIT
PILIIN ANG KALIKASAN KAYSA SA SYUDAD NA PUNO NG RADIATION AT POLLUTION
ANG CEL PHONE AY ISANG RADIATION SA KALUSUGAN..gamitin ng tama at umiwas kung di naman importante
DUMUMI NG REGULAR AT UMIHI NG MAY MALINAW PA SA TUBIG..katibayan na malinis ang inyong inner body..
MEDITATION and PRAYER importante po ito sa lahat....
at huli sa lahat....LOVE YOURSELF,YOUR FAMILY.YOUR NEIGHBOR.....at syempre LOVE GOD ..our CREATOR..

HAVE A NICE WEEKEND PO.....God bless you all muahhh


See you...................................

Beautiful Nature...malapit lang sa house ko...im here every morning to take Vitamin D  from the Sun...try nyo ren


Saturday, August 25, 2012

Dalawang Linggo lang ..Tanggal ang Bilbil Nyo..

Medyo nakakatakot yung title ko....2 weeks mawawala ba nga yung bilbil nyo....aba ey...Gaano ba kalaki at kalapad mga biblbil nyo...ilang dakot ng kamay ...??

Opo ..mawawala ang bilbil kung kikilos kayo at gagawen ng tama ang pag da diet...hindi po nabibili ang pag papaganda ng katawan...ewan na lang kung gusto nyo ng cosmestic surgery..

anyway...in twoo weeks i `m sure mababawasan ang bilbil nyo kung susundin nyo itong sasabihin ko...hindi nyo magawa ng tama..of course you can not get the good result...

Here is the plan...for 2 weeks..buti nga di one week..lol
gusto nyo ba ng walang bilbil?

Mag raw food diet Tayo...alam kong mahirap ang water fasting sa mga baguhan..
Wala kayong kakainin o iinumin kunde puro sariwang gulay at prutas............dapat nga lang my mixer kayo o yung juice maker...hmmm...anyway..advice ko lang naman sa nag mamadaling lumiit ang tyan...
don`t forget ang paginom ng tubig na malinis.. if possible Alkaline water.....
....
Walang lutong pagkain o mga processed food...kahit ano basta puro fresh fruits and veggies...
kaya nyo kaya...???
Huwag kayong matakot di kayo magugutom kung gagawen nyo ng tama...medyo magastos po ito..
at need your real effort....sa mga interesado lang naman...but i assured you its really effective..at healthy po ito...malilinis na ang inyong colon...gaganda pa yung daloy ng dugo nyo...mag weight lose kayo..
it will flatten your belly......good also for your skin....

but take note....warning lang...you cannot do this diet..if youre not sure na healthy kayo o may stomach problem kayo...di po pwede...at mga nagtatake ng medication pill or whatever na gamot...
maliban lang kung vitamins or supplement lang....

Bawal ang umiinom ng alak..if possible stop smoking ..para maganda yung results...smoking will give you more stress...kaya hindi pwdeng gaen ito ng di ready ang sarili nyo...physically and mentally...

If you want to start raw food diet...wake up early in the morning...go outside at least 6 Am until 7 AM..para kumuha ng vitamin d sa araw...at do some stretching ...relax your mind ..mag meditate kayo one hour..
para mawala yung worries,stress,at mga gumugulo sa mind nyo....

Huminga ng malamin ..in and out..at isipin kung paano ka magstart ng right diet...okay po ba...
feel ko its not easy sa mga kalahi ko ha ha ha..well..just giving you a tips lang ..do it or not ..its still your choice and decision ..


Ngayon im doing 3 days water Fasting...di naman ako sa weight lose naka focus....i`m doing to cleanse my body...raw food diet or fasting has good benefits in our body po....ngunit hindi lahat ng tao ay maaring gumawa nito..

before you follow my style..
ask your trusted physician para mapayuhan kayo kase i'm not a doctor o expert i'm just sharing here my own experienced ..

babush na..alam ko mahirap magpapayat ..pero discipline ,dedication and motivation lang po..




Friday, August 24, 2012

Bakit Mabaho ang Utot? ha ha ha .totoo di ba?

Bakit mabaho ? syempre gaas yan na naistak sa loob ng ating katawan...marumi po syang hangin...lalo na nga itong gaas o hangin na ito...bago pa man lumabas sa  butas ng pwerta nyo....ay dadaan muna sya sa sa mga naimbak na dumi ng tao o yung tae ng tao...so kung kayo hindi dumudumi ng regular....at tinitibi kayo or tinatawag na constipation problem....lalong babaho ang inyong hanging ilalabas..
ugallin ang paginom ng tomato juice o kumain ng kamatis at gulay..para malinis ang daanan ng dumi 

  Alam naten kapag hindi dumumi sa tamang oras o regular na di nilalabas ang dumi ..ito po ay naiistak sa  bituka o daluyan ng dumi at posibilidad na mabulok o tumigas...dahil ang dumi po ng tao ay galing sa sari sari nating mga kinain .kaya ito ay dapat ilabas dahil wala na itong sustanya at basura sa loob ng ating katawan...then matagal nyo iimbak sa tyan so siguradong babaho pa lalo ang utot nyo..
 
  At mentras di kayo dumudumi ng tama mas mabaho ang gas na ilalabas nyo..at nagiging dahilan ito ng malakas na tunog ng pag utot ,puna nyo diba! mentras pala toilet kayo..Punahin nyo, hindi masyadong babaho ang utot nyo..

  Kung ang kinakain nyo ay pagkaing nakakatulong sa katawan...at mga pagkaing madaling matunaw ay hindi basta naiimbak sa loob ng tyan ..hindi po ganoon kabaho ang ilalabas ninyong dumi o utot...totoo po iyan..bakit hindi nyo subukan ..in one month..

    At alam nyo ba ang pagkain ng malalansa o mga karne ng hayop ay isang sanhi ng mabahong utot o dumi ng tao...mga junk food,mamantika,tinapay at mga pagkaing kapag nabulok mabaho......pati ang inyong hininga nakaka pag pa bad breath den ito..lalo na di kayo malinis maglinis ng dila o lalamunan nyo..pati na ang tinga sa ngipin nyo..

   Ang sariwang gulay o prutas..kahit mabulok o masira man..hindi po ganoon kabaho ang amoy ..At ang amoy ng bulok o panis na karne ng hayop o isda ay napakabaho po....isipin nyo sariwa o malinis nyo itong kinain..pero maninirahan ang mga iyan sa tyan nyo ng 3 days taposdi kayo dudumi araw araw...liyo ang makamoy sa utot nyo..ha ha ha..
   Yung panis na pagkain ang baho di ba..Paano pa kaya yung naimbak sa tiyan , anong expect nating amoy.?
Di parang may imburnal o poso negro  kayong dinadala sa tyan ...di po ko nagpapatawa totoo po iyan..

    Dahil hindi naman pwedeng iwasan ang mga pagkain...ang importante po ay dumumi kayo araw araw..uminom ng maraming tubig..Kumain ng pagkaing mabilis matunaw,gaya ng mga sariwang gulay at prutas....oatmeal,yogurt,at marami pang iba.
    Hindi man kayo maniwala...Hindi ganoong kabaho ang utot ng taong palakain ng sariwang gulay at prutas..kahit kumain ka pa ng kamote .Di sa nagpapasikat ako palibhasa di nga ko kumakain ng animal meat,bihira kong maamoy na mabaho ang utot ko at maberde pa ang dumi ko.syempre i drink plenty of water..i go to toilet regularly..yun po importante kung gusto nyo manatiling healthy kayo...

    Isang tips po ..supplement na nakakalinis ng amoy ng dumi at utot...chlorella vitamin yung blue algae..
at wag po kayo magpipigil ng utot o dumi..dahil lason po iyan sa ating katawan..so dapat ,go to toilet and flush it...

more kwento to go...next time na ulit ...sabihin ko san yo bakit madilaw ang ihi ng tao..

Saturday, August 18, 2012

Nalulungkot ka ba Dahil Mataba ka na

   Mataba man o payat lahat ay may pinag daraanan na hirap sa buhay..
Ang mahirap lang sa buhay hindi tayo pantay pantay..mapalad ka kung ikaw ay isinilang na mayaman at kawawa ang ipinanganak na mahirap.

   Ngunit ang lahat ay hindi naman palaging ganyan,lahat ng nabubuhay ay magpag asa
magsikap at magtiwala ang lahat ay may pagbabago..sa atin ang tyaga nasa Diyos ang awa.

   Ngayon,ang lungkot ay isang parte ng ating nararamdaman, maari naman itong maging masaya kung susubukan natin na maging masaya,sa hirap man o sa ginhawa..

 Malungkot ka sapagkat ikaw ay Mataba na
   Malungkot ka dahil labis na ba ang pagbabago ng inyong timbang ? Nag iba na ren ba ang sukat at laki ng inyong mga damit at syempre ang iyong kinakain ay dumami na ren ba?.....
Nasaan na ang dating sexy na kayo o ang iyong makisig na katawan?
   Mas malungkot ka dahil dati ka na talagang mataba...at hindi mo man lang ba naranasang maging slim..
 
  Masarap balik balikan sa isip ang dating isang taong payat ngunit ngayon
nagiisip kung maari pa o may chance pang mamayat..
   Ang mahirap daw,paano mababalikan ang nawala ng katawan, Malimit nyo siguro itong itanong sa sarili.
  Wala namang impossible kung gugustuhin nyong mamayat ulit.yun nga lang maraming rules,
kapag magsisimula ng tamang diet.
  
 Ang hirap naman daw kase ang sarap kumain ano?.........lalo na at maraming party at ocassion kayong napupuntahan...kahit saang paligid ,makikita mo masasarap na pagkain.wala ng ligtas baga.


   Tandaan ,hindi masamang kumain ng gusto mong kainin .kung hindi ren lang kayang maging perfect sa pag diet..
  The only key is moderation lang naman yan eh..
balance in everything ganun kasimple lang ang buhay.... kaso yun na nga,sa salita lang..
   minsan sa una lang madaling gawin katagalan sumusuko na.....

   Try to go to gym regularly ,sumali sa mga active sports para makatulong sa pagbabawas ng fats sa katawan..nakakalibang pa ito ng isip ,at nakakabawas stress.( i go to gym 4 times a week) i dance zumba ,hula, aero dance ,yoga at marami pa.

Gawing libangan ang pagpapayat at iwasan ang ma pressure sa diet .
  Tumawag ng kaibigan para mas masaya ..maraming paraan ng pag da diet na malilibang ang inyong sarili..like dancing,yoga,aerobics,cycling.hiking,play tennis etcs.

Ang pagpapapayat ay hindi impossible ano'  
  Ngunit huwag susuko , sumubok mag diet ng tama ..at mag exercise palage.reduce stress.

  if possible. MAKIPAG FRIENDS kayo sa mga HEALTH CONSCIOUS people ..or encourage some friends to do healthy diet ,mas bongga diba.
so kung pare pareho kayo ng gusto ,walang bad influence..di ba..
wala ng malulungkot,lahat na happy.'

   Remember, kung lage ka lang kain ng kain at puro lungkot ,ay sakit lang ang mahihita mo.iwasan mag tamad tamad..
   Ang taba mo ay paano maaalis ,iyan ang iisipin mo ,kumilos at gumawa ng paraan ng walang masayang na panahon. para maging good looking ka...at hindi sakitin
(Mahirap maging Diabetic ,tandaan nyo)
kung ikaw ay fit ,magiging healthy ka pa....masarap pang magdamit at magaan den ang pakiramdam...
   so hindi ka na malulungkot,at baka may maenganyo pa sa yo kung ikaw makita nilang may pagbabago..





.

.....

Bye ...see you soon..
stay cool 

Thursday, June 28, 2012

Takot ka bang Tumanda? Basahin nyo Ito....

Ang pagtanda ay hindi maiiwasan dahil tayo ay ipinanganak na hindi perfecto....lahat ng bagay kumukupas o lumilipas kahit pa nga kasikatan o katanyagan..ang bahay ay naluluma at nasisira...ang damit den ay naluluma at nasisira...

At paano pa kaya ang tao...?? Tayo ay tumatanda at nagkakasakit.at mamamatay.....at alam nateng lahat iyan..bakit hindi ba pwede tayong mabuhay ng parang bata???  sa pamamagitan ng pag aalaga sa sariling kalusugan....Ang buhay sa lupa ay maiksi lamang..wag kang mag ingat ay alam mo na ang magiging resulta..

Alam mo bang,kahit nga ba may edad ka na...maari naman tayong maging bata kahit sa iyong itsura...ang pagtanda ng itsura minsan ng tao ay nakukuha sa kahirapan...depression ,sakit o sobrang pagod at walang pahingang katawan....

Ang pagkain ng hindi masusustansyang pagkain ay isa reng nagbibigay bilis ng pagtanda ng itsura ng isang tao...Katulad ng mga fast food,laman ng hayop ,mamantika,matatamis...ang chemical na nandyan sa pagkain ang pumapasok sa ating katawan..na siyang nag papatanda sa atin...lalo na ang vetsin o yung MSG..

Ang hormone growth at antibiotic na iniinjection sa mga manok,baboy at baka ay isa reng nagbibigay bilis ng pagtanda ng tao..at lalong nagpapaputi ng ating buhok..at pagmamanas ng mukha...at pag laki ng tiyan..at katawan..ngayon,ano ang dahilan ng inyong pagtanda?????

Ang pagkain.ba ng kung ano ano..ang inyong kabuhayan,stress,imperfection...bisyo ,o ang inyong pag kabigo o ang hindi pagiging masayahin na..........

Subukan nyong tingnan ang ilan sa aking mga larawan..patunay na ang tao ay pwedeng bumata at bumagal ang pagtanda ..Kung ikaw ay mabubuhay ng tama at malinis....
muscle is good...taken 2010


this was me..1986....and look my latest photos..
Yes...papatunayan ko sa inyo ang pagiging malinis sa pamumuhay o yung clean living makes you younger ..
you cannot stop the aging process but i believe we can reduce your age in your image and appearance..watch my photos below...


Ang totoo kahit puting buhok hindi pa ko sinisibulan...nakakatawa nga eh...alam nyo ba ilan taon na ako...

Hindi na ako bata..may 2 kids na ako at ganito pa ren ako..feeling bagets.. ~.^


taken october 2005

taken 2006

taken 2007

taken 2008

taken 2009

taken 2010


taken May 2012

my latest photo taken today..June 28 ,2012..
 Hulaan nyo edad ko...??????????? parang mabagal ang pagtanda ko kase mga pamangkin ko ,nasasabayan ko pa sa pormahan...yung ibang pinsan o kamaganak ko at kabatch ko halos kita na yung edad nila..kung di mataba ,may sakit .lola na..joke...~.^  anyway healthy living is the best...to makes you healthy and younger...


Updating ...this is my very latest picture..taken just few days......


...more photos....soon...~.^


november 2012 ..photo...im enjoying my blonde wig..just for fun..medyo nahawa sa mga cosplay..uso eh...lol..


december 2012..my new hair style ...

forever young look me..lol

pacuty cute cute ang lola nyo lol....
update ..my new looks.....this coming  2013...pahahabain ko ulit ang hair ko....healthy kailangan...long and black ..


see you ulit 

Ano ba ang Healthy Living?

 Imposibleng hindi nyo alam ? owws? Hindi nyo nga siguro alam ...diet pa nga lang eh,mahirap sunden healthy living pa kaya.!!  .he he he joke lang po...o sadyang mahirap lang gawen  .o kaya ay hindi nyo lang siguro masunod ng tama..Sige sabihin ko na isa isa...Alin sa mga sumusunod ang ginagawa nyo at hindi nyo ginagawa? 


healthy life style makes you fit and younger....


Makikita naten ngayon sino ang may healthy living o yung may dirty living...


.Medyo mahirap na mgsalita kung gipit sa budget..basta gawen nyo lang ,yung the best na alam nyong mabuti para sa inyong katawan..


Kapag healthy life style..
hindi kayo basta tataba o magkaksakit ng maaga.. Ano ba yung healthy living.??....basahin nyo yung nasa ibaba...ilang yes mayroon kayo dyan?


Syempre dapat health conscious..
1.may regular gym or exercise..or mga physical activities..
2.may recreation o yung adventures,outdoors,nature tripping ba..
3.mahina o nagiingat kumain ng maraming amount ng mga carbohydrates food..like rice,pasta,noodles,bread o baked food..
4.hindi mahilig sa fast food.
5.hindi mahilig sa junk food
6.hindi mahilig sa matatamis..
7.hindi mahilig sa mga mamantika
8.maingat sa pag kain ng mga laman ng hayop.
9..hindi umiinom ng mga softdrinks,carbonated drinks at moderation in alcohol kung umiinom socialy. ..red wine is good in moderation drinking
10.hindi dapat naninigarilyo.
11..iniiwasan ang mastress o maging magagalitin..dapat palangiti..
12.natutulog ng tamang oras 
13.may meditation o may mga kinalilibangang mga gawain..like art crafts,painting,gardening,cooking ,reading books,etcs.
14.maayos at malinis sa sarili at sa bahay...
15.umiiwas na magkaroon ng kaalitan o kaaway..dapat friendly..o may family bonding..
16..kumakain lage ng prutas at gulay
17..palainom ng tubig..kahit man lang 8 glass a day..
18..nagluluto ng sariling meal..
19.nagbabasa ng tungkol sa kalusugan ..
20..marunong magbudget ng pera..
21.may time sa pamilya.
22.at may pananalig..

  Ito ay ilan lamang sa masasabi kong tinatawag na "Healthy Life style."..
walang nakakasunod nito ng perfect..subalit ang ingatan ang sarili sa mga bagay na ito ..ay napakalaking kabutihan sa isang tao,sapagkat ang makikinabang ay ikaw mismo..pati na ang taong maiimpluensyahan mo ng iyong life style..

  At kahit na nga tayo ay imperfect ... sana man lang sampu niyan ay sana mayroon kayo...dahil ang ilan sa mga iyan ay ang makakatulong sa inyo para hindi kayo basta makaranas ng depression,stress  o yung pagtaba at pagkakasakit ng maaga..
  At dahil ang healthy living  ay maganda sa pamumuhay nating lahat.nandyang taglay ninyo ang Gods guidance,ang peace,happiness at love .....well,try to change your life style into healthy way....i am not perfect too...sa food 100 percent sure ako...siguro mahina ako sa stress,at association..dahil loner ako...or baka dahil nasa ibang bansa ako...but i am doing my best in Gods guidance to live in healthy way.



"Ang Talino ay ginagamit hindi puro sa yabang o sa trabaho ...Gamitin nyo ang inyong talino kung paano nyo mamahalin ang inyong katawan..
"..Kung mahal mo ang iyong katawan,ibig sabihin mahal mo ang iyong sarili..Kapag mahal mo ang iyong sarili hindi ito katibayan na mahal mo ren ang iyong katawan..
Mahirap ba unawaain? ~,^




Tuesday, June 26, 2012

Ano ba ang Dapat Isuot ng Taong Mataba?

Ano ba ang dapat?
Kapag ganitong summer ,nakakairitang magsuot ng masisikip..o yung mga telang mabilis kang pawisan...
Sa mga taong matataba ano ba ang gusto nyong kasuotan?..Ang halos napupuna ko ay inn pa ren sila sa fashion..okay yan mas maganda kesa maiwan ng biyahe ..

Ano ba ang dapat isuot ng taong medyo nasa katabaan na?
kailangan bang masikip? maluwang? ...ang pananamit naman ay karapatan kahit pa nga anong fashion..luma man o bagong uso...subalit,mas masarap ang magbihis ng hindi napupulaan o yung desente sa harap ng mga tao...anyway..ginawa ko lang ito dahil sa may nagtanong lang sa akin..so napasulat na ako..tungkol dito..



Yes totoo,May nagtanong kase sa akin na isang babaeng medyo nasa katabaan na sya at medyo may bilbil...nag tatanong sya sa akin kung mahalay ba raw ang suot nya..kahit lingid naten na nag sasalamin naman panigurado sya....siguro may taong sadyang hindi alam ang pangit tingnan at mahalay tingnan...
  Yan po ang napupuna ko sa maraming tao ..payat ka pa o mataba,bata o matanda..mayaman o mahirap..

Ang Pananamit ay Dapat nasa Lugar..
Ang pagiging fashionista ay hindi masama basta carry mo at bagay sa iyo..kaso may taong di alam yung bagay..so ang dateng nagiging BADUY o yung masagwa at nagiging "Trying hard.."

Tips ko sa matataba...anong damit ang dapat nyong isuot at hindi dapat isuot..
   Kung medyo malaki na ang bilbil o medyo nasa katabaan na..iwasan mo ang magsuot ng fit o yung maliit na size ,na halos bukol bukol na ang inyong tiyan..hindi po magandang tingnan...tapos hanggang dibdib nyo fit ....pati sa braso nyo fit....pantalon fit...
kahit kinakain na ng pwet ang pants ..ay halabira lang ba'
lahat na lang ba fitted...Hindi naman po bawal ang magsuot ng fitted ,ang tanong lang ano po ba ang sabi ng salamin?..go daw ..oo nga go daw ..
   Opinion lang ,Hindi ba kayo nahihirapang isuot o nasisiming isuot ang mga ganyan...may nakikita pa akong naka tack inn..
  Wala namang masama kung ganyan ang suot ninyo...sa humihingi lang ng payo,mas magandang humarap sa salamin bago kayo lumabas ng bahay.....tanungin ang sarili kung bagay ba ang suot nyo sa inyong katawan o itanong sa kasambahay..ewan sino sinungaling lolz....ha! pati sila may bilbil..so, bahala na kayo he he he..

Kung kayo ay mataba..mas maganda medyo maluwang na casual po ang isuot ninyo..yung hindi bakat o hapit sa inyong katawan ng makahinga man lang ang katawan at balat nyo.....kase ang matataba alam nateng pawisin kaya hindi advisable ang mga fitted clothes...
Basta ang Bilbil ay tinatago hindi binebenta ..joke..

Ang Fitted Clothes ay para sa mga well figured body like slender,toned body o mga sports minded people...
At kung wala kang confidence na magsuot ng fitted clothes wag nyong piliting maging inn..dahil magiging mahalay lang at hindi kayo attractive tingnan...(no insulting words here) it's something ,about a healthy concern lang mula sa akin..

So bilisan nyo ng mag diet ng tama para makapag suot ng mga fitted clothes..Kapag sexy na kayo o di kaya nabawasan na yung fats nyo..then go...kahit anong fashion o porma pa gawen nyo sa sarili nyo...
masarap magbihis basta walang sagabal na taba sa katawan....

"Start your healthy diet now..." so you can always be a fashionista ~.^

itago ang bilbil..kung may bilbil..

"At Kung gusto mag explore ng fats..it's still your choice.."
..............BABUSHH"


Wednesday, June 20, 2012

Gusto mo Talagang Mamayat,Basahin mo ito..

Para sa mga Interesado at Gustong Mabawasan ng Timbang..
   Tutulungan kitang mamayat sa paraan na alam kong makakabuti sa iyong katawan at kalusugan..
if worried kayo, much better to see a doctor bago kayo magbago ng diet plan nyo..or ask some expert for advice..mine is just a tips for my own experienced
     At maasahan nyo na itong sasabihin ko is for your good health..Ang tanong eh, kakayanin nyo ba?..
well, kung interesado ka na mamayat ..bakit hindi nyo subukan..

   Hindi nyo na kailangan pa na bumili ng diet pills o ano pang mga gastusing mga gamot para lang mamayat........you only need is your self control...self control po ang sabi ko.
in short disiplina sa sarili

   Sigurado ko na mababawasan ang inyong timbang 
at magbabago ang sukat ng inyong pantalon
Sa paraang susubukan nyo na gawin itong mga sumusunod..

Mga  kakailanganin mo sa pag sisimula ng inyong  "journey of loosing weight.."
   Ang ihahanda nyo rito ay ang iyong sarili para sa isang buwan na pagtitiis..

Tatlong bagay lang kailangan mong puhunan 
            Disiplina,Tyaga, at Panahon
Kapag sinabing Tyaga ,may goal ka na dapat tuparin ,hindi ito libre gagastos ka dito,wala namang bagay na hindi ka gagastos...ano ang kakainin mo ?.
Ang Disiplina means motivated ka
At ang Panahon means dedicated kang gawin ito..
Ito ay parang isang laban na dapat ikaw ang manalo..gets nyo!
Basta relax lang and think positive....Isipin mo ang saya kaysa sa lungkot..

Gawa muna syempre.. Bago nga naman salita..
Kailangang patunayan mo sa sarili mo na kaya mo ang mag diet ng tama..Sa simula syempre may pressure...pero wala ritong imposible 
.

Let` s Start The One Month Weight Loss DIET..Journey...
Ang una nyo lang gagawen ay eat meal in your regular time...lahat ay 6 meals.
3 times full meal..umaga tanghali at hapon...
3 small meal,snack ito..10 oclock A.M. at 3 P.M..at 8 P.M.

First Step 
Hinding Hindi ka kakain sa isang Buwan ng mga Nakasulat sa ibaba 
1.Huwag kang kakain sa mga Restaurant ...unless raw veggies at fruits lang ang naka serve..or smoothies na sure ka sa contents.
lahat ng fast food ay bawal.....in one month challenge..don`t break the rules..

2.Umiwas Muna na pumunta sa mga handaan o mga bar kapag naimbitahan.....in one month lang yang tiis mo...we are just testing your pasensya at self control..

3.Kung hindi ikaw ang nagluluto sa bahay nyo...at kung may sabaw yung ulam nyo ,sigurado kong hindi healthy ang timpla nyan...wag kang hihigop ng sabaw..yung gulay lang...at kung maari wag kang kumain ng luto ng iba...MAGLUTO KA SA SARILI  MO..

Walang deep Fry Food...try nilagang talong,blanch na okra ,steamed veggies etcs..boiled saging or kamote ,at ulam na walang ginamitan ng cooking oil unless healthy oil.( Reduce your rice to one cup para sa full meal)

4.No cup ramen,noodles,lalo na ito ay instant ang sauce

5.Walang baked food..cookies ,crackers ,cakes ,pies, bread ..basta arina galing..kasama yung polvoron na dito..

6.No sweet desserts o mga ginamitan ng mga asukal..hopia,puto.biko.leche plan.pudding.halo halo.etcs.

7.No juices ,no sodas or softdrinks..kahit pa SPORTS DRINK nakakataba pati yan ,puno yan ng sugar lalo na GATORADE..(search nyo)
no beer ,any alak...no ice tea na nabibili..gumawa ka ng own tea mo like green tea with honey at lemon

8.Walang candies kahit tikim pa..walang mga chewing gum or any chewy thing..hangin yan sa tiyan ,it makes your stomach to bloat ..so stop it..no chocolates syempre...
may kunswelo lang sa chocolate kung sigurado kang 100 percent cocoa o 70 percent chocolate ..pwede kang gumawa ng oat meal champorado...(search for recipes )

9..JUNK FOOD Pinaka worst Food ito..no no no.
wag na wag kayong magkamaling tumikim o magcheat ng food na yan..masisira ang diet plan nyo...

10.No Dairy food ,processed food.at mga delata..o mga de garapon o debote..kahit pa nasa karton o kahon..maliban na lang kung ito ay 100 percent OATMEAL...Wala reng butter,margarine,cheese,mayonnaise,jam,..ice cream...etc
tocino..longganisa,hotdog..iwasan nyo ito muna ..

11..At kung makakaya nyo pa..kung meat eater kayo..cut pork and beef muna..only chicken breast
yung walang taba na parte ng manok...(sea food and fish is okay )

Mga US american at ibang lahi,Raw Food diet pa nga..PURO HILAW at walang luto.hirap diba?
Itong idea ko mabait na paraan ng pag da diet pa nga eh
    Kung malalaman nyo lang ang istorya ko kung paano ako umiwas sa mga hindi magagandang pagkain
ay hindi nyo magagawa ,dahil mas stricto ang ginawa kong pag da diet..
umiinom pa ako ng WHEAT GRASS na puro .mapait na baka hindi nyo makaya.
( now syempre ,may cheat food den ako..minsan minsan )
 
   Maari namang kumain ng katulad ng kain ng ginagawa mo date..basta maintenance lang po lage
para di kayo lumaki..MAGING CONSCIOUS LANG PO ang ibig kong sabihin..

Ihanda nyo lage ang limit alarm nyo..magtimbang lage,check in ang body fats kung tumataas,iwasan na sumikip ang mga pantalon..ganun lang naman kasimple ..
   magsunog ng taba sa gym ,di ba..
para next time makakain nyo na ang mga gusto nyo..
lalo pa nga kung hindi kayo sanay na maging VEGAN o VEGETARIAN..
Basta tandaan ...kain then burn..kain then burn ..lamon then burn 
yun lang po ang kailangan nyong tandaan..hanggang masanay na kayo..


tyaga tyaga lang ang pag da diet dear...
so esep esep......kung ano ang makakabuti sa inyong body..
.........................................
Love your Body..not only your mouth and stomach..lol



Stay healthy and stay fit...

chau....
.


Remedyo sa may mga Anghit [Body Odor]

 Poor diet minsan ang dahilan ng amoy sa katawan ng tao..
Sino ba ang gusto ng may amoy? Wala kaya..yung may maamoy nga lang nakakairita na  o paano naman kaya kung ikaw yung sumisingaw?.. Ay ! Naku sakit sa ulo..anyway...

Ano ba ang dapat talagang gawen kung ikaw ay may amoy o pawisin?
Narito ang mga bagay na dapat mong tandaan ......
  
  

1.Maging malinis palage kayo sa inyong sarili..
  Ibig sabihin laging naliligo nagpapalit ng damit...gumamit kayo ng deodorant soap.ikuskos ng mabuti sa parteng pawisin at medyo imassage nyo ito..at kung tapos ng maligo siguraduhin nyong malinis ang tuwalya nyo at hindi yung isang linggo nyo ng ginamit at pinatuyo lang ng di nilabhan..amuyin nyo ito bago nyo ipunas sa katawan nyo...
  Kung mabubukod nyo ang pamunas sa ulo,mukha ,kilikili at katawan ay mas maganda po..matrabaho eto pero ito yung tinatawag na kalinisan at pagiingat sa inyong skin..

2.Wag kayong Gagamit ng gamit ng iba .
  Lalo na nga at may anghit ang hihiraman nyo..kahit pa nga wala..iwasan nyo po iyan...ang lumang damit pag hindi nilabhan ng tama o nabilad ng wasto...kahit malinis na sa tingin nyo ay andoon pa ren yung tinatawag na bacteria ....amuyin nyo ang parte ng kilikili para sigurado kayo...
  Kahit deodorant iwasan nyo yung nakikipahid..ay naku,common sense na po..

3.Siguraduhing Malinis ang Pagkalaba ng ng inyong mga DAMIT..
At dahil sa damit den nag mumula ang amoy ng kilikili..lalo na ito ay hindi nalabhan ng maayos..o di kaya naman masikip at di makahinga ang inyong kilikili..mga telang nagbibigay ng amoy sa pawis..
Ugaliing piliin ang damit na hindi kayo basta papawisan ...
  Kung alam mong pawisin ka sa damit na iyon..ay wag nyo ng ulit ulitin pang isuot...
At higit sa lahat...
  Maging sigurado kayong laba at malinis ang ang inyong mga nilabhang damit..dahil pag hindi nga ito maayos na nalabhan ..ay mismo ang damit ang magbibigay ng anghit sa inyo...
  Amuyin nyo yun damit na susuutin nyo...kung mabango o mabaho ang laba....kung mabaho..wag nyong isuot..

4.Pagkaing Maanghang..o spicy food..
  Alam naten na ang garlic onion o mga spicy foods ay nagbibigay singaw sa katawan o hininga ng tao...
at kapag pinawisan nangangamoy..sa mga over kung kumain lang naman ..
  Kaya yung mga taong palakain ng spicy food ay isa sa mga maaanghit na tao sa mundo..batid na naten yang lahat..hindi naman bawal kumain..medyo problema nyo na yan kung gusto nyo lage ng maanghang...basta ba maingat kayo sa amoy nyo like sipilyo ,mouth care..at body care....

5.Iwasan nyo o bawasan ang Stress ..
  Ang pag init ng ulo o pag kaaburido..ang nagbibigay ren ng init ng katawan para kayo ay pawisan...kailangan relax lage..dapat lage maganda yung hormone balance ninyo.

6.Iwasang matensyon o yung kinakabahan lage..
  Isa ren itong nagbibigay para kayo ay pawisan ng malapot ang gumagawa ng bacteria sa inyong skin kasama na itong hahalo sa pawis na lumalabas sa inyo..at magbibigay amoy sa singaw ng inyong katawan..
okay lang namang matensyon at pawisan kung wala kang anghit ...kung alam nyong may anghit kayo...iwasan nyo sumali sa mga aktibong papawisan kayo..kungdi marami yung makakapuna at maiiilang sa iyo...kapalan na lang ng mukha kung okay lang na mabaho ka.parang sinabi mo..di amuyin nyo lolz...
  Ayaw naman nateng tayo ay pag usapan ng dahil sa anghit..di po ba?

7.Ugaliin nyong magbaon sa bag ng extra shirts,bimpo at deodorant..
  Kahit pa nga walang amoy .basta pinawisan maganda pa ren yung magpalit ng damit..
Ugaliin nyong may baon kayo sa bag ninyo ng mga pangkalinisang kailangan ng isang babae.
.like toothbrush,breath care,panyo,perfume o alcohol,at kahit under wear den..intriguing ba..parte po yan ng kalinisan..lalo na kapag period mo..hello!...common sense yan..
  Syempre iba na yung handa lage para lageng fresh sa amoy ng ibang tao..Kahit ang mga boys dapat ganito ren sila..At kung sobra ka naman talagang pawisan at mag ka amoy putok..dapat talaga alagaan mong hindi maging grabe ang singaw mo..

8.Ugaliin nyong maging Regular ang pag Dumi..
  Ang hindi pag dumi ng regular o pag papalipas ng ilang araw  ,ay nagiging sanhi ren ng masamang singaw sa inyong katawan...alam naten ang waste material nyo o yung TAE...ay naging solid sa loob ng katawan nyo..means bulok na sya at lalong mabaho...delikado po ito sa kalusugan..
  Nagiging dahilan ito na lalong mabaho ang inyong utot,hininga,pawis,singaw ng inyong genital part ..pati pag ihi...nagiging sanhi ren ng skin problem ..alerto po tayo dyan..

9.Maging maalaga kayo sa Balat..[ regular Skin Care]
  At kung kayo ay galisin,pimples sin ..o may mga kung ano anong skin diseases..pag pinawisan po kayo..yung sakit sa balat nyo at ang pawis pag nag halo..nagiging malansang amoy...

10.Ugaliin po naten ang regular na exercise ..
  Iba ang nagtatrabaho at kumikilos lang ng natural..ang naidudulot ng exercise ay good oxygen sa heart..ang pag hingal sa takbo ay nakakabuti sa heart lungs at liver..at nakakahinga ang mga skin dahil sa mga pawis na lumalabas dito...
  hayaan nyong lumabas ang masamang pawis na nakatago sa ilalim ng inyong skin..at lahat ng inyong dugo ay dadaloy ng maganda..kung naiilang ka na baka may amoy ang pawis mo sa kwarto ka mag exercise o mag jogging sa park..gagaling den ang anghit nyo basta continue the healthy life style..

11.Uminom ng maraming Tubig..
  Ayon na ren sa inyong edad taas at timbang...ang tubig ay nakakatulong para lage malinis ang loob ng inyong katawan..makikita nyo kapag ang inyong ihi ay mapula o madilaw...ibig sabihin kulang kayo sa tubig..
  kung sagana kayo sa tubig ang mga maruruming toxin sa inyong katawan ay mailalabas nyo sa pamamagitan ng pag ihi palagi... kung umiinom kayo ng tubig palage..kahit ang pawis nyo ay laging narerecycle ..healthy ang taong pinapawisan,huwag lamang sobra.

  Pero kung ang lage nyong iniinom ay soft drinks o alak...mas lalo itong nagbibigay ng amoy sa inyong pawis at ihi...so lalo lang kayong mag kakaamoy sa katawan..

12...Kumain ng maraming gulay at prutas..
Iwasan o bawasan ang palaging pag kain ng mga laman ng hayop...

Alam nyo isa ren dahilan ang pagkabaho ng inyong pawis ang gawa sa kinain nyong karne o ano mang laman ng hayop...
  At dahil ito ay matagal matunaw at idumi...kailangan muna itong mabulok ng matagal sa loob ng inyong katawan..as i mentioned kung hindi ka dumudumi ng regular ay lageng mabaho ang inyong singaw...bumabaho lalo ang amoy ng isang tao kung hindi tumatae araw araw..
  At kung palakain ka pa ng karne..yun na mismo ang dahilan na para kayo ay mag amoy hayop den..

at saka marami pang reason bakit may anghit ang isang tao..malay mo may sakit pala ,hmm..


 well,basta healthy life style lang, maraming prutas at gulay ng bumango ang inyong pawis..ang palakain ng gulay at prutas ay napatunayang mababa ang percentage ng may amoy anghit sa mga taong palakain ng mga animal meat...




Okay..mahaba na yata itong sinulat ko..
but last advice ko lang..How to use a Natural deodorant
Kapag kayo ay naliligo..mag dala kayo ng lemon o kalamansi sa bath nyo...ipahid nyo ito sa kilikili nyo pag matatapos na kayong maligo..

pwede ren namang after bath..wag na kayong gumamit ng deodorant kung sa bahay lang naman kayo..pwede ren pag oras ng matutulog kayo...
warning..select clothes to wear ..kase nakakamantsa ang lemon...mas maganda mag sando na lang kayo..~.^stay freshhh mga kapatid


o kaya gumamit kayo ng durog na tawas...
o kaya baking soda..
o kaya apple cider vinegar
marami pang tips pero next time na po ulit......

TANDAAN LAHAT NG MGA PROBLEMA SA KATAWAN AY IISA LANG ANG DAHILAN..
HEALTHY DIET PO..............





edited by lui1013

Tuesday, June 19, 2012

Nakakataba ba ang Soft drinks?

Alam kong batid nyong lahat iyan,Subalit ang hirap lang dito ay hindi kayang tanggapin ng tao ang katotohanan hinggil sa masasamang idinudulot ng softdrinks sa atin.,Sa bata man o matanda ..ibat ibang lahi ay halos umiinom nito.Salamat na lang at marami na ren ang nagigising sa katotohanan tungkol dito.Ang softdrinks po ay masahol pa sa ay isang droga na ang hirap iwasan....Naniniwala ba kayo ..na yung gumawa nito o yung nag tatrabaho sa factory ng softdrinks ay umiinom nito? hmm..interesting question..

Add caption


Ang mga Nakakakakilabot na Katotohanan na Dulot ng paginom ng soft Drinks..

10 Dahilan Kung Bakit Hindi Mabuti ang SOFT DRINKS


1.Dahilan kung bakit maraming may Obesity problem 
   According to my researched ang isang bote ng softdrink..na may sukat na 12-once ay katumbas ng 13 kutsaritang asukal na nabuo sa pamamagitan ng high fructose corn syrup..
Na sa bawat bote ng inom nyo ay nadadagdagan kayo ng 1 pound weight gain bawat buwan...eh paano yan ilan taon na ba kayong umiinom?

2.Nakakasira ng Ngipin..
Ang soda o yung ispiritu ng softdrink ay nakakapag tunaw ng enamel ng ngipin..dahilan na ren nito sa sobrang katamisan at tapang ..na talaga namang mangingilo ang ngipin nyo sa tapang ng sodas acidity.

3. Ang Softdrinks at Alak ay walang pinag kaiba..It Can Damage our Liver
According den sa mga expert na concern sa health ng tao..Nakakapag dulot ito ng liver damage..ang sobrang pag inom nito ay halos katumbas ng sakit na naidudulot ng alak sa katawan ng tao..

4.Ang Malupit sa lahat ..DYABETIS..
Huwag mag maangmaangan...Ang softdrinks ay isa sa ugat na dahilan ng pagkakaroon ng Dyabetis ng tao..
Tandaan nyo..ang pagkaing nakakapag pataba lalo na ito ay matatamis ay siyang nagbibigay dulot para  magkaroon kayo ng dyabetis..

5. Stomach Problem
Like acid reflux,ulcer,irritable bowel movement..bloating o yung pag laki ng tyan o bilbil..
hindi nyo ba napapansen..nagiging sanhi ito ng sakitin ng sikmura ninyo...dahil ito ay acidic beverages..nagdudulot ito lage ng hangin sa tyan ..kung kaya bakit lagi sira o kumukulo ang tyan nyo..
nakakanipis ito ng wall lining ng intestine..kaya maraming nagiging stomach problem..minsan nakakapagdulot den ito ng pag kasira ng inyong regular bowel..

6. Nagpapa rupok ng mga Buto.
because they lead to lower the calcium level...Lalo na sa mga bata...imbis na lumakas at tumibay ang buto ay nagiging manipis at marupok ang loob ng buto ng isang taong umiinom ng softdrinks..punahin pati ngipin ng bata sira agad..

7.Highblood pressure..so pag high blood apektado ang heart..
At dahil sa caffeine ang soft drinks Nakakapag hyper tension ito o yung nagiging manerbiyusin ..at siguradong nagiging cause ng  heart disease..
Basta sobrang kain o inom ng matamis nakaka highblood at huwag kayong maniniwala ng diet soda ..niloloko lang ang tao.alam nyo ba na hindi totoong diet coke ang mga iyan....iyan po ay lalong pang nakakataba pa kesa sa ordinaryong softdrinks..dahil ang sugar na kapalit na nilalagay nila ay mas lalong nakakasama... Ito yung tinatawag na Aspartame...isa itong sweet poison na tinatawag...according to Dr.Mercola it is a dangerous subtance on the market....

8.Nakaka adik ..kaya nagiging sanhi ng Mental problem..
Prang droga pa ito..nakakaadik..hindi na yata mabubuhay ng walang iniinom na softdrinks ...after meal o pag nauuuhaw...ang too high caffeine po ang dahilan nito.

9.Nagiging mauhawin lalo....
imbis na tubig ang dapat inumin ng tao....mas gusto pa nila ang tapang ng soda..akala nyo ba na nawawala ang uhaw ninyo...ang asukal mentras mo kinakain o iniinom ay lalo kang uuhawin o gugutumin...so pag walang control ..leads you to weight gain..


10.At higit sa lahat Kidney stone..
Ang kidney ang nagiging filter ng masasamang ininom o kinakain naten....kung lage kayong nainom ng softdrinks...halos sa kidney ito napupunta sa dahilang wala namang sustanya ang softdrinks ...so wala itong patutunguhan sa katawan kunde sambuten ng kidney...at pag napuno na ang kidney..nagiging solid ito..o nagiging kidney stone....pag hindi na kinaya ni kidney sa laki ng stone ninyo..dyan mag sisimulang sumakit he he he...alam nyo na ang ibig kong sabihin..."doctor doctor i am sick."..~.^

At bago ako matapos..hindi ko man mabanggit ang lahat ng masamang naidudulot ng softdrinks...
ang huli kong masasabi ay hindi ko sinisiraan ang softdrinks o dinisdiscourage ang umiinom nito...
Halos lahat naman alam ito..Individual desisyon na po ito kung iinom kayo o hindi...


Tandaan nyo kung gusto nyo ng healthy Diet...You should cut drinking softdrink..dahil ako never ng uminom nito...Mas mabutihin nyo na lang uminom ng maraming tubig...suggest ko drink Alkaline water to your diet..


i have question...
Bakit Hindi nyo kayang iwasan ang Softdrinks?
..

Maganda ba sa diet ang Hamburger?

Hamburger is a delicious food..??
Nakakatawa ba?...in short pag malimit kayong kumain ng mga iyan..Nagiipon lang naman kayo ng mga taba sa katawan nyo  para anihin nyo sa future nyo..ganon lang po kasimple.. pero kung balanse , ay hindi naman bawal .


Syempre nakakabusog ito..masarap daw sabi nila ? tadtad kase ng MSG.{Mono Sodium Glutamate}.yung tinatawag na Food Flavor Enhancer..Fake na sarap ..in short ulit..VETSIN po..
Bakit po ba sasabihin ng gumawa nito na ito ay masama sa kalusugan ng tao..alam nilang kikita sila dito...Hindi naman kayo mamamatay right away..syempre dahan dahan ,unti unti..yan at pagkatapos kikita naman ang mga mga Doctor, pati na ang mga botika...Matalino ano..? Talino ng sanlibutan ..anyway..


So Ang tanong Paano naging Masama ito sa katawan ng tao?
Kung kayo ay kumakain ng Hamburger lalo na ito ay galing sa mga restaurant o mga fast food..Natural hindi nyo alam paano ito ginawa o niluto?.Basta ang alam mo , ito ay masarap
At ang karaniwan nyong alam ito ay isang karne o baboy na giniling ..na may timplang kung ano anong rekado..
Sa mga taong hindi sanay magluto o walang alam sa Nutrion ,hindi malayong isipin mo pa kung ano ang pinanggalingan nito.basta alam mo nabusog at nasarapan ka..yan po ang tao sa mundo...mas importante yung sarap hindi yung nutrition pa.. ,eh paano ba ginawagawa ang hamburger?


Ano ba ang Sangkap na Mayroon Ginawa ang Hamburger?
Una sa lahat Karneng giniling ,sibuyas,asin,paminta at vetsin panigurado...ewan at kung ano pang mga pekeng panimpla ang nilalagay ng mga fast food maker..ang masaklap pa nito ang tagal nilang masira o mabulok..scary ha..,kung mapapanood nyo o mababasa ang story behind the fast food at mga mga animal meat..ay kikilabutan kayo...well...
  

At kung pag aaralan ninyo ang mga bagay bagay tungkol sa mga karne baboy at manok...ewan ko na lang kung manhid pa ren kayo..
Bago ako lumayo.in a brief story..

Ang beef o baboy o manok..Bago ito katayin at ibenta..Sa mga hindi nakakalam kung paano sila inalagaan..ang mga hayop na yan ay kung hinde organic ay yung mga pinalaki sa ilaw at nakakulong sa isang lugar na halos siksikan at di na makagalaw ..para hindi sila magkasakit at para lumaki ng mabilis ..ay tinuturukan sila ng mga Anti biotics at ng mga Hormone growth .

                                            
Natural hindi nyo ito muna mararamdaman...sa takdang panahon nyo malalaman ang mga side effects nito..well,long story na kung mag kukwento ako dito..
Isa reng dahilan ito na kung bakit mabilis ang paglaki o pagtaba ng isang tao...at minsan kapuna puna ang pag mamature ng mga bata ngayon.andyang maagang putian ng buhok o sibulan ng buhok kahit sa murang edad..,mag kaperiod o biglang taas ng height...dahil po iyan sa hormone growth na nakukuha sa mga animal meat...take note po,
cancerous den po ito pag sumobra kayo sa kakakain ng mga animal meat..kunde man high blood.,sakit sa puso,sakit sa kidney..etc etcs..

Kung hindi maiwasan , samahan ng maraming gulay , ang karne ay sapat na ang isang palad ang sukat , hindi kasama ang daliri ..
kumain ng masasabaw , kaysa mamantika , tulad ng nilaga o tinola .. di happy ka na.. 

 Kaso tandaan nyo ..

Animal Meat can cause Bad odor and bad breath
At mapapansen nyo ren bakit mas mabaho ang inyong dumi at minsan ang mismong singaw ng inyong katawan..Iyan po ay lahat galing sa singaw o amoy ng kinakain nyong laman ng hayop..at kung palakain ka ng karne at hindi kayo malinis mag sipilyo...

ito po ang nagiging sanhi ren ng bad breath..ang prutas at gulay ay maganda sa hininga at sa ngipin..nakakatulong para iwas bulok o pangangamoy ng inyong bibig..
Subukan nyong kumain ng 2 linggo ng puro gulay at prutas...wag kayong magtatataka na hindi ganun kabaho ang Tae ninyo..promise....hindi ako nakain kase ng laman ng hayop..kaya alam ko...

Bukod sa maraming bacteria at sakit na dala ang mga iyan...Hindi nyo ba napapansen bakit maraming sakit na tao ..yan ay halos galing sa Hayop na kinakain ng tao...
Kung mahilig kayo sa mga laman ng hayop...mas mabuti siyasatin nyo ang binibili ninyong laman.kung saan ito inalagaan o paano ito pinalaki...May mga organic Farming na ren naman kase...mahal lang siguro..anyway...Alam ko sa hirap ng buhay..mahirap ng isipin ang mga ganitong bagay...
i am just sharing lang sa mga taong curious at gusto maging healthy ang Diet nila..
Pwede ren naman bawasan ang pagkain ng mga iyan ,nasa sa inyo po ang desisyon...


Ang masasabi ko ang mga hamburger na nabibili ay siguradong hindi maganda sa Diet at sa kalusugan ng tao...Kung gusto nyo ng malinis at walang pangamba sa inyong kinakain marapating mag luto na lang kayo sa bahay nyo para makita nyo ng matino ang mga sangkap nito...at kung maari umiwas po kayo sa AJI NO MOTO o vetsin...they will kill you gently..lalo na may side effects ito sa utak ng tao.
Regarding sa Diet ulit...
Ang hamburger o basta mga laman ng hayop,lalo na ito ay fast food.. ..kung hindi kayo magiging maingat sa pagkain ng mga ito.. hindi ito maganda sa diet...better to eat them on moderation if you are a meat lover..yun lang naman po.
Pero too much eating meat .............
".Results will answer you in the next year of your Life..."

Oo ,alam ko ang mga karne,baboy o manok ay nilikha para maging pagkain ng tao..subalit kung ito naman ay nakakasira ng kalusugan kahit pa ito ay pagkain..hindi ko kakainin..Nilikha ren tayong may karapatang magdesisyon ng gusto nateng kainin...Freedom of choice..na tinatawag na unang binigay kay Adam at Eve..na ginamit naman sa maling paraan...anyway..lahat ng bagay ang magdedesisyon ay mismong kayo ..
 Ang masasabi ko na lang...Maging maingat po tayo sa mga kinakain kung gusto nyo ng magandang pangangatawan at malusog na future..

TRY NYO TO gawa ito sa ISDA ..Fish sardines Burger , akala ng anak ko beef ..

sardines fish burger homemade



i have question..
"Mahirap ba ang umiwas kumain ng hamburger..?
 o mahirap ang hindi makakain ng hamburger" ?


Friday, June 15, 2012

Remedyo sa Hindi MATAE..[Constipation Problem]

Ang May Tamang Diet Hindi Hirap DUMUMI
Kung kayo ay conscious sa kinakain nyo...hindi nyo basta basta mararanasan ang hirap na pag dumi...
Alam nyo naman mahirap po ang hindi dumudumi ng regular,bukod sa masama ito sa ating kalusugan...ito ren ay nakaka stress..nagiging sanhi ng pag baho ng singaw sa katawan..Maging alerto po tayo dito lalong lalo na sa ating regular na pag dumi..importante po ito sa ating Diet..




What is Constipation?
Constipation is a body condition in which is regular bowel movement get dry and hard,it` discharge becomes infrequent and difficult..

Ang pag titibi ay isang kondisyon ng katawan na hindi maka dumi ng regular at pagiging hirap ilabas ang mga dumi sa katawan,sa dahilang ito ay hindi natunaw ..at nanatiling matigas at kulang sa tubig para dumulas ang daanan ng ating dumi....Kung ang pagtitibi ay pinipilit ilabas sa pamamagitan ng pag iri,ay hindi po ito nagdudulot ng mabuti lalo na ito ay umabot na sa puntos na dumugo na ito sa tigas kung kaya ang inyong pwerta o daanan ng dumi ay nagagasgas ...at nagiging sanhi ren ito ng pag kamaga o tinatawag na Almoranas...

 Hindi Magandang Dulot ng Hindi Pag Dumi ng regular..
Ang hindi pag dumi ng ilang araw ay nagdudulot den ng pagkairita,hindi pag katulog ,walang ganang kumain,nagiging sanhi ng mga mga skin diseases like pimples,nagdudulot ng pagkabaho ng hininga,o mismong mabahong singaw na galing sa inyong pawis...kapag ito ay hindi naagapan ,malalason ang inyong dugo o di kaya ay mabulok ang inyong system na syang magdudulot ng cancer sa loob ng inyong katawan...
   Ang pag papalipas ng pag dumi ng halos 3 araw o higit pa dito ay maaring maging dahilan ng panghihina ng inyong katawan na may posibleng maliyo at lumabo ang paningin..at sa hindi sinasadyang himatayin ay baka matumba kayo..dahil hindi dumadaloy ng tama ang inyong daloy dumihan...dahilang ito ay barado at hindi makahinga ng tama...na syang konektado sa inyong buong katawan..

Ang tamang pag dada Diet ay hindi pwedeng hindi dumudumi araw araw...Kung kumakain kayo ng tama at may tamang exercise at umiinom ng sapat na tubig..hindi ninyo mararanasan ang pag titibi o ng constipation problem...

Mga Dahilan ng Hindi Pag Dumi o Pag tigas ng inyong dumi..
1.Wala kayong sapat na fluid o tubig na iniinom sa araw araw..
2.Kakulangan sa mga Fiber foods..like green vegetables ,nuts,oatmeal and fruits
3.Pagkain ng sobrang dami sa isang meal..(heavy meal )..hindi ito matutunaw agad agad.
4.Pag papalipas o pag pipigil
5.Heavy caffeine,junk food,dairy food ,fast food at mga processed food
6.Stress or depression
7.kulang sa exercise o kahit man lang maglakad o mag stretch..
8.Sobra sa mga Baked Food ..mabigat sa tyan ang tinapay. (at hindi basta agad natutunaw)
 At kung ano ano pang dahilan na hindi ko na nabanggit dito...At ang labis na pag gamit ng gamot sa pag tatae ay hindi po maganda ...nagiging sanhi ito ng ulcer o pag nipis ng intestine wall..o pagkakaroon ng stomach problem...

Remedyo para sa hindi ma dumi ..
Bukod na dapat ugaliin nyo ang pag inom ng maraming tubig at pag kain ng mga gulay at prutas araw araw...Nguyain ng dahan dahan ang mga kinakain...
ugaliing uminom ng mainit na sabaw o inumin kung tapos ng kumain..

Prune Juice ...
Subukan nyo itong pag inom ng PRUNE JUICE ...every morning at before dinner
wag nyo itong gagawen kung may lakad kayo o nasa trabaho..dapat nasa bahay lang kayo...


Isang dakot na prune .,pwede nyo ren itong kainin kahit hindi na i juice..mas epektibo nga lang ang prune juice...
Subukan nyong ibabad sa tubig ng ilang minuto para lumambot at ilagay sa mixer na may halong tubig..not hot or cold...don`t put sugar ..
Inumin nyo ito ng derecho...at inumin hanngang masatisfied na kayo sa inyong pag dumi...2 times a day..



...Mga Pagkaing nakaka tulong sa may Constipation problem
Mga Healthy Hot Soups..
Dried Fruits...like raisin..dates
Broccoli soup
Tomato soup
pineapple juice..pure
Fresh Papaya or juices..no sugar added
pears
peach
carrots juice
Oatmeal..no sugar added
Kamote boiled or mashed salad
2 banana a day is enough and plenty of water..
Clean Water..
Wheat Grass juices ay mabuti sa tiyan ..or any Green Smoothies..



At marami pang iba...
Pag tinitibi kayo...iwasan nyo muna ang mga laman ng hayop...junk food..baked food..pastas ...oily food..mga desserts..
lahat ng solid or heavy meal...
.
Relax and mag stretch ng katawan...maglakad lakad...

.Tips.....Iwasan nyo ang Nag aapurang kumain...o ang pag kasinok dahil sa sabay sabay o sunod sunod na subo ng pag kain at hindi pag nguya ng wasto ng kinakain...ngumuya kayong mabuti at lunukin ng di nag aapura...at uminom ng tubig hindi mga sodas..



babushhh....love your body ~.^

Friday, June 1, 2012

Gusto Mo Bang Tawagin Kang Taba.?

  Kayo ? Gusto nyo ba ng mataba ? o malapad ka na ba ngayon?,o may bilbil lang naman.?.o di kaya naman ay  malaki yung hita o luyloy yung baba o braso?...o kaya malaki yung mukha..lahat ng iyan ay  ayaw naten ano?Subalit hindi nyo ba napapansin na may mga payat naman na hindi kontento sa katawan nila.Bakit?
Minsan kase may mga slim na hindi balanse yung piyesa ng katawan nila..nakakainis den minsan ano?...may payat kase na walang korte ...kulang sa balakang o sa butt ...malaki yung shoulder etc etc..? kaso ang katawan ng tao iba iba eh.....hindi naman tayo ipapanganak ng iisa itsura...he he he...so ang tanong gusto mo ba ng mataba o ayaw mong tumaba?


Marami kayang Stress Ang isang Mataba...
.So kaya ayoko..Minsan na akong naging mataba ,noong ako ay nagkaanak ..ang hirap kumilos,grabe kaya.. ...mabigat ang katawan...hindi masarap magbihis..maiinggit ka lang sa mga slim o sexy...andyang maiinis kang humarap ng salamin ..basta ..mahirap ,lalo na nga at dati na akong slim....walang kwenta ang maging mataba....tapos tatawagin ka pang debu...no way....may mga picture nga ako sa beach noong ako ay mataba....naka swim suits pako ng red..ayoko nang makita ha ha ha...kakahiya...~.^
  Kaya pinilit ko ulit na maibalik yung figure ko ,kahit paano man lang magkaroon ng curve yung waist line ko....pag nagkaanak pa naman kase.lumalapad na yung balakang ng babae..may bilbil pa..
Pagkatapos hindi nyo papansisin ang sarili nyo..sabagay kanya kanya tayo ng pagiisip..at desisyon ...basta wala sa huli ba ang pagsisisi....Ayoko ng buhay na.puro kain tulog lang..ay naku...dyan nagsisimula ang pagka losyang ng mga babae ....dapat po hindi naten kinakalimutan na kahit may anak na.tayo ay.alagaan pa ren naten ang ating katawan....hindi lang sa figure at para na ren sa ating kalusugan

At kapag mataba..usually sakitin ..o may dala na talagang karamdaman tulad ng jabetis,high blood. at kung ano ano pa..lalo na sa mga umeedad..mahirap ng basta basta mamayat...unless mag eefort sila to loose weight..means they need to change their life style to healthy living..
Pero nakakatawa ang mga matatabang cute tingnan...kahit mataba pasexy fashion pa ren sila...o sadyang magaling lang mag ayos o fashionista lang talaga  
Subalit para sa akin.kahit anong sabihin..kung magagawan ren lang ng paraan, Ayokong manatiling mataba.kayo ano sa tingin nyo?..Wala namang imposible ang pagpapayat ..nasa saiyo mismo ang kasagutan ...
....
Workout in the Gym...
Yes..ang pag woworkout o pag punta sa gym ang magbibigay ng kasagutan sa mga gusto nyong mangyare sa inyong katawan .kung gusto mo matoned ang katawan mo..dahil may mga luyloy sa braso,sa hita o malambot yung butt nyo...kailangan ng konteng firm..o kaya naman chest workout parang mafirm yung dibdib ..lalo na sa mga girls ,kung worried kayo na soft na yung breast nyo..bench exercise lang po yan...o kaya kung mahilig kayo sa sports...  the best ang tennis ,golf,badmenton or volleyball..nakakapag firm ng mga arms yan ,legs at chest or breast..."firm ha !! not become bigger"....maganda pa sa heart..so dapat itry nyo na..

Ang pagiging sports minded o pagiging active sa gym o sa pag eexercise ay napakaganda po sa kalusugan at lalo na sa inyong pangangatawan...iba yung itsura ,.nagiging mukhang bata,malakas,masigla...at fresh yung dateng ng aura nila...at makakabawas pa ng matinding mga sakit..Ayaw nyo nyan?

Kaya ako ,ayoko ng di nag woworkout ..kahit man lang magsasayaw ka sa kwarto mo..~.^ okay den po iyon...basta pinapawisan kayo ...nakakaburn na kayo ng mga fats ....alam nateng.mahirap maipunan ng sobrang calories sa katawan...



So ganun na nga....
Mataba o payat ka man..may korte ..pandak  matangkad  mayaman matalino bobo mahirap pangit o maganda ka pa ...iisa lang po ang kailangan ng tao ,para maging healthy ang inyong sarili.....syempre wag kalimutan ang tamang pagkain..at exercise...bahala na kayo sa desisyong iyan...dahil kanya kanya tayo ng buhay..sa akin lang baga ay payo lang naman..~.^


Enjoy your healthy life style now.................gym na kayo bukas..~.^

may reward ang matyaga....just love your body..