May problema ka ba sa sarili? Malungkot ka ba ? Gipit ka ba ? Bigo sa Pag-ibig or dahil sa nag aalala ka na , na napuna mong tumataba ka na , o di kaya ay mataba ka na ? o kaya naman ay malaki na ang bilbil mo at di na magkasya ang mga damit mo, Hindi na makahinga? humihingal? Mabigat ang katawan? at ano pa ?
INSECURE or nalulungkot ka dahil ang taba mo na.. iniisip mo na gusto mo ng mamayat kaso pag andyan na ang pag kain , nakakalimot ka na.
Bakit nga ba ang hirap mag control ng sarili na bawasan ang pag kain o iwasan ang pagkaing nakakataba ????
INSECURE or nalulungkot ka dahil ang taba mo na.. iniisip mo na gusto mo ng mamayat kaso pag andyan na ang pag kain , nakakalimot ka na.
Bakit nga ba ang hirap mag control ng sarili na bawasan ang pag kain o iwasan ang pagkaing nakakataba ????
May Bagay na Dapat Tandaan at Sanayin ang Sarili sa mga bagay na babanggitin ko..
Kung Bakit Ang Hirap Mag Papayat ..
TANUNGIN mo ang SARILI MO ...
TANUNGIN mo ang SARILI MO ...
1. DISIPLINA .. kaya mo ba ito?
isa ito na importante kung gusto mong mamayat. dahil ang salitang disiplina ay isang action ng ating katawan o utos ng pag iisip o emotion , kung gagawin o hindi dapat .. kapag may disiplina ka , kaya mong kontrolin ang mali ..
in short , kapag busog na , tama na..
kapag bawal , dapat bawal , huwag mag dahilan . kaunte lang naman o di kaya minsan minsan lang.. talaga lang ha?
When you want to move on , and you learned something from your mistake or failure .. ano ang dapat na natutunan mo?
Lesson di ba ?
after lesson learned ano tawag sa susunod mong hakbang ? DISIPLINA na sa sarili ng di na maulit ..Right ??
so same kung gusto mong mamayat . you need to learn how to discipline yourself..
2. MOTIVATION or GOAL.. Mayroon ka ba nito?
Kapag nangangarap ang isang tao , like gusto mong makaipon , or gusto mong mag negosyo , di kaya gusto mong bumili ng isang bagay .. Ano ginagawa mo ? Nagsisikap kang mag trabaho para mag kapera at nag titipid ka para makaipon..so ano tawag dyan.. dream pero may goal , plan pero may motivation..
kase kung puro dream tapos walang gawa ..eh di nganga !!
kung gusto mong pumayat talaga, aralin mo ang katawan mo at ano ang problema ng katawan mo , at pag aralan mo ang pagkain na nararapat at di dapat ..
kailangan mo bang mag gym or ehersisyo , sumayaw para pawisan , anything na makakapayat .. ang goal is pinag iisipan with application po..
if you have motivation, ganon ka ka-eager to get your desired goal..na mamayat..right?
3. HEALTH CONSCIOUS ..naisip mo na ba ito sa sarili mo ?
Eating is happiness and important but not being conscious what you eat is very danger , unless you eat with balance..
kase kapag malakas pa ang katawan . di mo maisip matakot pa..so iipunin mo muna bago ang pag sisisi.. think about that !
4. LIMITATION at MODERATION ... Sa tagalog ano po ?
i know maraming masarap at kahit saan may makikitang masarap na pagkain, it's not bad to eat what your mouth wants to eat..
basta ba alam mo yung salitang limitation , disiplina , balance , moderation, consciousness , at right amount ,
eh pwede ka namang kumain di ba.. kung napadami ka ng kain , basta physically active ka, maburn out mo sya..gets ?
5. FAITH WITHOUT ACTION IS DEAD.. sabi sa Bible .. puro salita kulang sa ???
Bukang bibig na ito ng mga taong gustong mag bawas ng timbang, pero pag kaharap na yung food.."ay wala munang diet" , kesyo "galit galit muna"... hahahh... ikaw yan eh, so, sinagot mo na yung tanong ..Bakit mahirap Magpapayat..?
pwedeng magsalita? ..huwag lang magagalit ....ang tawag ko sa mga ganyan ." MATIGAS ANG ULO .."
6. KNOW WHAT YOU EAT ? .. hindi porket masarap subo agad..
What i mean is, their calories. cholesterol , fats content mga ganoon ba.. paano ginawa at ano ang mga sangkap . importante yan kase , kung ikaw ay health conscious, maiisip mo yan.. ako kase binabasa ko yung mga contents sa back label ng product para sure ako kung ano yung binibili ko .. well, long topic na to..
Whole food means . hinugot sa lupa or pinitas sa puno.. hugasan lang mabuti kase maraming chemical den ..well, another story na yan..
7. HOW MANY TIMES YOU EAT IN A DAY ?
Eating at the wrong time is di ren maganda , even skipping your meal like breakfast is not advisable to all. unless you know what is intermittent fasting.. before bed , with heavy meal is not good syempre,
ilan beses ba dapat kumain . well, it depends on your body built, height and age at kung gaano ka kaactive physically ..
then you can eat how much calories you can consume in a day ..pag aralan nyo ang food calorie chart
8. LOOK AT YOURSELF .. sa harap ng Salamin ..Ano mayroon?
sad face ? bakit , may kakaiba sa aura mo or korte ng katawan mo?
Ikaw ang makakasagot nyan.. maganda po bang tingnan ? well..
ako bilbil lang makapa ko..panic na ko ..OA ko NO! pero totoo po yun..
Kapag nakita mo ang katawan mong malapad or malaki ang tyan . Di ka ba mapapaisip na magpapayat ng totoo
di yung dada lang huh!
10. INSECURE at EMBARASHMENT ? May nag bibiro ba sa yo na mataba ka ? affected ka ba?
Minsan kung di biro , bully ang maranasan mo or pag katuwaan ka .. masakit minsan di ba? unless manhid ka .
may nadedepress sa ganyan. huwag mo ng pahantungin sa ganyan or agapan mo na agad..walang imposible kung gusto mo ngang gawing posible... losing weight is not a magic , it's about you to decide .. work with it ..
11. NO MONEY .. or walang budget
Huwag idahilan walang pera , para makabili ng masustansyang pagkain. o kase di ikaw ang nagluluto ?
hey, di ko na problema kung wala kang job .. pero pwede kang magtanim , whatever , ano bang pinagsasabi ko..
ang gulay ay mura lang ..10 piso lang ang kangkong, nahihingi lang ang malunggay ..
mura ba pizza at burger ?.. mali o tama? kayo na sumagot
12. DEPRESS or STRESS .. or may disorder ka
Depress ka ba ? or mataas ang Stress level? .usually yan yung reason kung bakit tumataba ang tao. di maiwasan ang kumain ng kumain dahil , mentally ill or may emotional issue , kapag stress at depress , ang interest iba iba , kung tamad ang kumain , mas marami yung matakaw.. you need a doctor here na.. so mahirap po na issue ito.. try to visit a phsychiatrist or stress care center..
13. MEDICATION or PILLS
May medication or iniinom na pills kaya daw tumataba ? yung iba totoo , yung iba mental problem na ,
so mahirap turuan ng pag didiet minsan ang may iniinom na gamot na nakakataba , kung hindi naman eh , kontrolin nyo syempre ..
aba eh , kayo mismo na makakaalam ng iniinom nyo..hay buhay..galaw galaw ..
at kung ano ano pang rason ..medyo pagod na ko magtype ..wala na ko maisip... next time ulit
tips..
ask yourself
MAHAL MO BA ANG SARILI MO ?
or mahal mo lang yung bibig mong sarap na sarap sa pagkain..
bawal pikon..
okay keep safe and God Bless you ..