Paano ba ang Tamang Diet? helphelp.com: April 2012

Monday, April 30, 2012

Nakakataba ba ang Juices?

halos lahat ng juices ay may asukal..




Better to eat fresh fruits than drinking juices 
             May Health Benefits Ba ang mga Juices?
                  
It is better than soda or softdrinks...
Pero wag kayong masyadong kampante na ang juices ay hindi nakakataba.,oo alam naten galing sa prutas ..Ang tanong hindi tayo sigurado na ito ay 100 percent fruit juice o mga artificial flavor lang..sa marunong tumingin alam nila kahit kulay lang ,lasa ,.label at saang maker ang pwedeng paniwalaang produkto..

Kaso ang katotohanan ay binulag ang tao,Lahat halos ng mga pagkain pinaniniwala tayo sa mga mapagkunwareng tatak,mga kaaya ayang larawan ng produkto..at mga matatamis na salita para lahat ay maniwala..syempre advertising techniques tawag jan.

.Sa totoo lang ang fruit juices ay parte naman ng healthy diet..
Kung kayo mismo yong gumawa...Yung natural nyong piniga sa baso nyo..He he he..piga talaga ey.
Sa mga nabibiling Juices??Ang kaso may mali eh..Alin ang mali?
Ang prutas ay sadyang may natural na asukal.maasim man yan o mapakla..mas mabutihin ko pang kumain ng 5  hinog na mangga sa kumain ng ice cream na mangga..o uminom ng juices na mangga..
 At kahit na nga  ,sport drinks like GATORADE,di nyo ba alam ang gatorade ay food color lang..may konte sigurong benefits kung paminsan minsan.pero hindi nyo ba alam, ito ay di maganda sa mga bata..sport drinks are developed for althletes ,means mga average person..kase mas kailangan nila uminom ng maraming liquid ,at sila yung malakas mag bawas ng pawis ..ang mga Athletes alam ang Detoxification..ang bata hindi alam..

Ang Juices ay nakakataba dahil marami itong asukal ..
Ang juices ginawa sa prutas subalit kahit one hundred percent pa yan ,nilalagyan pa ren nila ng asukal.at hindi basta asukal,kunde artificial sugar at mga syrup....Kahit pa yan ay ice tea o lemon tea siguraduhin nyo kung anong asukal ang ginamit sa produktong binili nyo.....Wag basta inom kung concern kayo sa health nyo..maliban na lang ang ilalagay nila ay ang honey...........ito kaseng honey ay may healing power at maraming nutrients..mahal nga lang at mahirap den minsang bilhin lalo na nga at kulang sa budget. ..

Kahit pa nga naman sabihin na ang juices ay di healthy ,hindi naman siguro ganun kadali sa mga tao na basta na lang titigil ng pag inom ng juices.kase nakasanayan na ren at halos kahit saan ka  pumunta.sa  restaurant ,cafe bar ,convenience store,grocery ,mga vending machine ,anywhere may mga juices.so ..mahirap mamili ng kakainin o iinumin ,Ang pag inom ng juices kumpara sa softdrink is maganda pa ren...


Subalit mula ng akoy mamulat sa katotohanan at marami ng napag alaman tungkol sa kalusugan  ,Hindi na ako uminom ng mga juices ,lalo pa kaya ang softdrinks..All are not healthy for me..
Alam kong hindi nyo naman ito basta maiiwasan.Ang maipapayo ko na lang ay drink juices with moderation..or kung makikialam na nga lang ,ang painumin ang mga bata ay sana ay iwasan o bawasan.,mabuti pa pakainin nyo na lang ng prutas o painumin ng tubig..o di kaya ay gumawa kayo ng sarinling juice nyo...like kalamansi juice para kahit man lang sa asukal matingnan nyo ang dami ..Ang juices para yang candy,nakakasira ng ngipin.,but fresh fruits help prevent cavities.

Ang Totoo Talaga Mahirap Maging Health Conscious .
Isa na ang masisira pati budget mo..at maraming bawal ,Karamihan ng pagkain sa ating paligid ay halos hindi maganda.sa ating kalusugan......kaya importante ang maging"Health Conscious"...means aware ka sa kinakain mo...,lahat ng bagay dapat tayo ay lageng may konsensya.,  Sa gawa,isip,salita,at syempre sa kinakain ..dahil tayo ren naman mismo ay makikinabang dito.


Kaya tandaan ,Ano man ang inumin mo at kakainin mo...importante maging" Health Concious" ka..Hindi masama ang magtanong o mag obserba..kung alam mo namang ito ang ikatutuwid ng buhay mo .


......................................
Drinking Water is the Most Healthiest than drinking juices..
but more Better than plain water ...is DRINK water with ALKALINE ..or ionized water.


tubig na iniinom ko araw araw..alkaline water ..





Friday, April 27, 2012

Tama Ba Ang After 6 Diet ?


small amount of meal after 6 pm is not bad 
Ang Pag da Diet.........
Ito ay hindi isang laro,ito ay isang mahalagang parte sa buhay ng tao..yan ang healthy diet na tinatawag..,dapat seryoso ka dito ..Pagsusuri muna kung di ka sigurado sa gagawin mong diet technique...mamaya di pala aayon sa iyong pangangatawan..at imbes maging slim ka ay magkasakit ka lang..


About after 6 diet???
Well,ang isasagot ko po ay hindi mali ,hindi ren tama..Ibig ko pong sabihin,alamin muna bago nyo ito gawen..Mabute kung ,magagawa nyo ito ng tama ...based on my experienced ,Ang after 6 Diet,ay hindi magandang paraan ng pag dadiet .....,at ang sanayin ang  katawan sa ganyang paraan ay nakapagdudulot lamang ng sakit ,gutom at stress ...lalo na yung kulang sa kain sa araw dahil mga busy sa work,then no meal pa sa gabi..tapos in the morning gutom ,,hello!!!!!Alam nyo gumagawa nito ay mga taong may tamang kaalaman sa larangan ng pag da Diet...sinasabi ko ito para di sa huli ang sisi nyo..

At kung simpleng diet lang naman .di nyo kailangan ng after 6 diet..
Gaano ka ba kataba? o kabigat para isipin ang after 6 diet? itanong nyo nyan sa sarili nyo..
at kung seryoso kayo ,siguraduhin nyo na wala kayong sakit o ano mang karamdaman..lalong lalo na sa parte ng bituka or hindi kayo acidic..or hindi kayo sirain ng tiyan..o kaya siguraduhin nyo na hindi kayo over weight......hindi po biro ang after 6 diet...hindi lahat ng tao ay pwedeng gawin ito..
meryenda sa gabi..kamatis

Dahil ang after 6 diet ay lalong nakakagutom...
.Akala nyo ba magagawa nyo yan ng tama, wala pang one week ewan ko lang ..kung di kayo lalong tumaba
.ibig kung sabihin ,kaya nyo ba na hindi na kayo kakain after 6 pm? ..tapos until 12pm dilat pa mga mata nyo..tapos di na kayo kakain??????? sigurado kayo ,na wala kayong isusubo o iinumin ...??.i hope tubig lang ang iinumin nyo, eh kung kape na at  3 kutsarang asukal pa...joke po..halos nakikita ko lang sa atin, grabe sa asukal ehh? at tapos  paano kung softdrink pa kaya, di isang salop na asukal na yan ..,hihigop ba kayo?......susko...pinahihirapan nyo ko..

 Alam nyo lalo lang kayong matatakaw..Aaminin ko san inyo mga 9 pm ng gabi gutom na kayo..okay lang kung nuts like kasoy ,almond,macadamia o mane lang. o kaya apple o kaya oranges yung lalantakan nyo..at hindi pandesal o balot jan ,o kaya barbeque sa kanto , lagot na...ano ba halos kinakain ng pinoy sa gabi??? pag nagugutom?? yung iba bibili ng manok  like ANDOKs chiken lang baga hehehh ..ginutom na kayo kwento lang yan.. Ano sa palagay nyo..kaya nyong subukin in one week ???

After 6 diet ay effective kung matutulog kayo ng 9 oclock ng gabi..
Kase 3 hours before bed dapat stop na yung bibig nyo sa pagsubo..kung 11pm o 12  pm o lampas pa jan..Sinisira nyo lang katawan nyo..kase kung ginugutom kayo tapos nagtitiis kayo di kumain...ay pinapatay nyo lang ang katawan nyo..Then in the morning.pag gising sa umaga gutom kayo..patawa ba kayo..!!


I am not a teacher or an expert .Pero in my own opinion and experienced..Marami na ren naman akong napayuhan regarding sa Diet tips at building muscle...kaso karamihang nakikinig sakin ay boys,ayun macho na nga sila ngayon at may sexy abs na....sa mga babae mukhang may pride yata,kaya bihira ang magtanong sa akin.bout diet ...usually..isasagot lang sakin masarap kumain eh,.hindi ko kaya,o mahirap pala..or isasagot sa akin banana diet lang yan o apple vinegar diet ..kalorkey mga pinay...Pag nasa Pinas naman ako marami ang nagtatanong ..kaso pag sinagot ko ang  tanong, labas lang den  sa tenga he he ...

Kung gusto nyo ng madaling pag dadiet...Subukan nyo tong ginagawa ko.. Na sya namang natutunan ko ren sa mga professional fitness trainer,bodybuilder mga Sports minded na kakilala...At mga internet friends at sa gym dito sa Tokyo..at ibang mga Athletic person ...included na ren yung mga web searched ko .. importante lang naman po dito yung MOTIVATION and DISCIPLINE ,kung talagang interesado ba nga ba kayo ..


Ask yourself first...
Ano ba gusto nyo mangyare sa katawan nyo?????????????...
loosing weight?toned body? muscle building? to have sexy figure? maging model na katawan?o maging healthy lang?..Aminin nyo worried kayo sa bilbil nyo ano..??


Instead of after 6 diet,.Ang ginagawa ko ay 6 meals a day or every 3 hour ..kumakain ako..that is my secret DIET...Hindi nyo kailangan magtiis ng gutom.try small amount in every 3 hour..Paano??


Quotes of the day.. 
..Remember Love your body first....before loving your boyfriend ...lolzzsmile is the best drug for staying young ...~.^






Wednesday, April 25, 2012

Nakakataba ba ang Junk food?

  Kahit saan may chichirya....lahat halos ng tao bata o matanda gusto may kinukutkot...kaso alam nateng hindi ito maganda sa kalusugan...dahil ba sa.pang alis gutom? pang alis boring? pang alis stress? o Pulutan? o sadyang adik na ...he he he..masarap kase mentras maalat mamantika maanghang nakakatakaw..yan ang junk food....
potato chips ay lunod sa mantika

junk food shop for kids sa tokyo...lahat ng anjan na junk food nakita ko na..unhealthy halos..lol
Ano ba ang Junk Food? Alam nyo ba paano ginagawa ang mga pagkaing iyan? Gaya ng mga chips,candies,chocolates,cakes.crackers etc..Ang bunga ng isang punong bayabas pag pinitas mo at kinain mo .siguradong ang bayabas na iyon ay isang totoong pagkain.means you ate it in natural state .bakit? kase kinain mo sya ng walang ano mang halo o timpla..maliban na lang lagyan nyo ng asin..


So,Ang Junk Food po ay isang processed food often contains of chemicals  ,too much sugar at salt .mga preservatives at synthetic vitamins,sa dahilang kinakailangang tumagal ang produktong kanilang ginawa..tulad ng mga naka pack na chips..may mga due date diba?


Okay .bakit ba masama kung masama ang junk food sa health.eh bakit ba nga ginagawa at ibinebenta pa??
Tanong ko ba,ang tao ba sa mundo lahat concern sa health nyo..Ayaw ng doctor na mawalan sila ng pasyente...at isa mas.iniisip nila yung kikita sila, maibebenta ang produkto nila...Pero eto ang point ko,hindi mo nga talaga maiiwasan bumili o kumain ng mga ito,bakit? andyan ang nagkalat ang mga display ,commercial sa telebisyon,mga nakakatuksong sarap .di po ba?ako may kontrol kung may nagtatanong he he he..


At kahit sa drug store may junk food nga ehh..Ang mga tao nga naman,pa health health concern pa,kahit naman guro sa school puro mukhang nasa obesity na ren ehh..may alam ,wala o nag aral ka man ng nutrition o tungkol sa kalusugan ..alam mo iyan..ako sa sarili ko lang itong pagsusuri at observation...ang taong mangmang habang buhay magiging mangmang kung ikaw ay magbubulag bulagan o magbibingi bingihan..alam mong mali pero sige lang ng sige , kase yun ang gusto mo ehh...i m telling you .your feeding your mouth and feeding your stomach to satisfied,not your body
Kung body kase dapat concern ka sa health mo..kumakain tayo para alagaan at ibigay ang bawat sangkap na kailangan ng katawan di po ba..?conscious ka dapat...kaso ang tao dedma lang..masarap kaya.ehh..it means matigas lang ang ulo ng tao at walang disiplina..so dahil  imperfect tayo,i ca do nothing na dyan..i am just giving advice lang..apply it or not..its you the one to decide ..


Nasa sa atin po ang pagdedesisyon kung gusto naten .and if you eat junk food for long period of time it can lead to obesity,heart deseases,and other health problem..
isipin nyo po,ang junk food ay ginawa na punong puno ng asukat at sandamukal na asin at vetsin...maraming artificial flavor,syrup,colors at kung ano ano pang ikakaadik ng tao .bata man o matanda..


Masarap naman talaga ang Junk food ,isa itong drug na tulad ng caffeine nakaadik..mentras matamis .mentras mamantika.mentras maalat....mas gustong gusto mo pang mag crave ng mag crave,,,
Well,.may mabuti bang madaling gawen kahit sa kalokohan masaya gumawa ng kalokohan at mahirap mag pakatino..parang LOVE NO?pagkain pa kaya !!!hanggat bata nagpapasarap ,ganun katwiran ng tao..well.no comment na ko..


Anyway..only i can say JUNK FOOD is nakakataba dahil na nga ito ay high in calories,low nutrients,nag iipon lang kayo ng fats sa katawan at gumagawa ng bagong sakit pag dating ng takdang panahon..


Kunde agad maiwasan ,eh di bawasan ...should be eaten in moderation ,mahirap namang sabihin..ayaw nyo na agad...it is your conscience..to eat or not..


Para maiwasan mag kutkot ng chirchirya o ano mang junky food..why not try nuts..fruits..boiled camote..
May mga junk food naman na gawa sa whole wheat flour tulad nito.kahit paano  digestive food...mga low in sugar at salt na ren..at medyo mahal nga lang may mga ORGANIC snack na ren ..piliin nyo na lang ang snack na kakainin nyo..read nyo yung label contents para sure kayo...
So gudlak sa inyo,.basta ingat lang ng sobra sa junk food...over salty food nakaka UTI pa...matamis naman Diabetis...ay naku dami ko ng kilalang nghihirap ngayon dahil sa tigas ng ulo nila date..ang singil di pa ngayon ..

janeeeeeeeeeeee...






Tuesday, April 24, 2012

Gusto mo bang tawagin kang Sexy ?

Ayaw mo?? Gusto mo??  Oa, na nagsabi ng ayaw,di ayaw kung ayaw,...Siguro sa mga conservative ayaw nila ng salitang sexy ,o siksik type nyo siguro..??? o baka lang mas maganda na lang tawaging slim o slender na lang....desente baga...kase nga naman sexy means is giving apetite about sex ,or enhancing or seducing ..ewww ganun? ,ganun? ganun ba yon?? okay para sakin .yung maging  fit and toned ka lang ..ang sarap kaya ng feeling..or gorgeous looking pa.. ,ang drama ng lola nyo .anyway..

Kaso may tao o kahit guys ang tipo nila sa babae ay medyo chubby daw ,yong bolapshoos daw ahheheh.medyo malaman.pag yakap marami taba esteeee  malaman pala..HUG gable ba type na mga ireng mga julakis na to..ginoo..bumili na lang kayo ng stuff toys..at siguradong masarap yakapin ....anyway ulit..

Sexy man kayo o hindi,mataba ,payat butiki,pandak,bochog,luyloy,.bungal.,kalbo.buntes,at walang pera este walang pakialam kung sexy ka man o hinde...katwiran kase ng iba..importante busog kahit ano pa yang bilbil ko..magsuffer na daw ang kalusugan basta di nagugutom...Nauunawaan ko naman nyan..gutom ka na iisipin mo pa ba nga naman mag Diet...


BAKIT MAHAL BA MAGDIET???
Sumagot kayo...mahal ba????????????.mahal ba ang gulay at prutas ? kesa sa pang Joli bee nyo kesa sa pang maccdonald nyo at kentucky at pizza nyo ha? ha? ha?    sagutin nyo ko.?
Puro kayo reklamo malaki tyan nyo ,may bilbil kayo.mataba kayo..tapos puro naman kayo lamon..sino ba gusto nyong sisihin..?? si batman? joke lang po..seryosong usapan to ,okay..!!

Yung mapepera nagrerely yan sa mga diet pills..kita nyo bibili ng diet pills,pagkatapos naging  lumba lumba na sila..sus mariya ,anak ng tokwang...rebound gusto nyo..? yung soshal sempre may pang BELO ..lypo lang daw yan...kaya nyo ba yon o gusto nyo ng ganun..?? pang mayaman lang yan at sayang ang pera..anyway forget na si belo..

Aminin ,Nakakainggit ang sexy ano? kase masarap po magbihis.di mabigat ang katawan...at syempre mayroong maiiggit sanyo.madaming manliligaw o pupuri mga ganun ba....ngayon paano na??mataba  ka ba?ehh..oh ano simulan nyo na mag diet..Paano daw mag diet?? asusko..
itintatanong pa ba yan...Di syempre eat properly .eat the right food.and learn about the basic step of proper eating ...in other words....eat healthily ,live healthily then we are happy ...




HEALTHY EATING HEALTHY LIVING LANG PO....kung di nyo kaya..bawasan lang ninyo ang labis sa matatamis,junk food,fast food, moderation lang po..at higit sa lahat ang MAMANTIKA...
Sa bilbil nyo para mabawasan at lumiit,konte lang sa rice at mga baked food...sit ups every morning kahit 5 minutes ..
.More discipline lang po sa kinakain naten..at gumalaw galaw kayo..di puro tulog...haayy buhay...


okay babush sa mga gusto magpa sexy at di mag pa siksik...


look me here....siksik ba ???
di yan sexy ..slim lang lolz





Friday, April 20, 2012

Diet Coffee?...Yes..But Roasted Rice Coffee

Healthy alternative to real Coffee

Yup.,Hindi ito ang kapeng nakikita nyo sa bilihan,telebisyon o saan mang coffee shop.,ito po ay isang uri ng bigas, ito ay aking nakagisnan na noong ako ay bata pa sa aking magulang....nakikita ko ang aking ina tuwing umaga na nagbubusa sa kawali ng bigas ,yung puting bigas na ating kilala.. ..wala pa akong alam na may ibat ibang uri pa pala ng bigas ....so ganun na nga,pag kabusa noong bigas medyo roasted brown na sya,nilalaga iyon at sinasala sa katya ...so may kape na kami kasama ang pandesal...muffin siguro sa ingles ..

Noong bata ako nainom pa ako ng kape at my gatas na malapot pa itong hinahalo..yong condensed milk kung tawagin...kung sa ngayon iisipin sa dami ko ng nalaman sa mga bagay tungkol sa kalusugan at tamang pagkain para sa ikabubuti ng ating katawan at panatilhin ang ating timbang ng di sobra o kulang..ibig kong sabihin sa mga figure conscious at health conscious person.

Gusto ko ng uminom ng Kape..pero pag sobra di naman maganda..At hindi na ko nagkakape..
Ngayon ko lang umaga naalala ang kapeng niluluto ng aking magulang ...ang sabi ko bakit di ko subukan itong gawen ngayon...bago ko po ito gawen nagsearch muna ko kung may benefit ang rice coffee..At  hindi po ako nagkakamli..sa Pilipinas yata nagmula ang Kapeng Bigas noong panahon ng Giyera..ha ha ha....nakakatawa ano..siguro sa hirap den ng buhay noon kaya bigas ang kapalit ng kape noon..,kung mahirap ka di basta makakabili lage ng kape lalo na nga at organic o imported... mahal ang mga kape...mentras mahal daw masarap....ang gusto ko lang naman sabihin dito para sa akin hindi sa sarap kundi sa sustansya at kung makakatulong ito sa kalusugan o kayo ba para lang ba masarapan ang bibig?

okay nasa sa sa inyo saan kayo masaya..So doon para sa mahilig mag diet pero gusto uminom ng kape ...try nyo po ito....ang bigas konteng busa lang may kape ka na....pwede reng ...maging Rice Tea...if possible no cream no sugar unless you use honey or any healthy sweetener

Ang Red Rice ang magandang gaweng Rice Coffee. But i am using now  the "BLACK RICE"
Sa palagay ko ngayon lang ako nakakita ng itim na bigas ..dito po sa Japan,kung wala kayong makita kahit yung red rice na lang...i don`t suggest white rice ,pero pwede ren naman ito..mas healthy lang kase ang red and black rice..

black rice for your healthy coffee
eto po yung itsura nya...
Iinit nyo lang ang kawali at ibusa ang bigas..hanggang matoasted sya..mararamdaman nyo namang tostado na sya ,at maaamoy nyo na medyo amoy popcorn..ingat lang kayo baka mapaso mainit po ang kawali..napaso kase ko..
Ngayon palamigin nyo ang toasted rice nyo..at ilagay sa isang sheets .like tea bag or coffee bag..pwede reng salain nyo na lang o katsa..wait na lang for my video tutorial di ko pa maupload.

At pag nabusa nyo na..ilaga nyo ito sa kumukulong tubig..i used alkaline water..nasa sa inyo kahit anong tubig ,.basta malinis ha!...pag kumulo na at nakita nyo na kulay kape na ang kumulong tubig nyo..hanguin sa init..
at ilipat sa isang lalagyan like tea pot or glass coffee pot..na alam nyong pwede ang mainit na tubig,kase baka pumutok o mabasag..


Then you can ready to enjoy your healthy diet coffee..and according to your taste..you can add honey ,milk,cream,coconut milk,or soy milk......or can drink alone without putting anything..just only the hot rice coffee..it taste like a tea...
coffee pitcher /pot 

honey 
bye...enjoy drinking healthy coffee NOW......................


Health Benefits of rice Coffee..
  It does not increase the heart rate and blood pressure,has no cholesterol and low in sodium,
Kung gusto nyong magbasa ng related Topic..http://www.philstar.com/article.aspx?articleid=400371

Monday, April 2, 2012

Mahilig Ka ba Sa Malamig na Tubig? basahin nyo ito..

   Ang pag inom ng malamig na tubig ay hindi masama kung paminsan minsan,Nakakatulong to para maibsan ang uhaw o pawis na lumabas sa ating katawan..,.....lalo nat ikaw ang galing sa..excercise..o mainit ang katawan..subalit ang sobrang lamig ng tubig ang ay nakakarupok ng ngipin..at minsan nagbibigay sakit sa ulo.....kaya mas inugali ko ang warm o kaya hindi mashadong malamig..hindi ren maganda ang kulang sa tubig araw araw.so .kailangan naten kahit man lang 8 cups glass a day..para maging malinis ang loob ng ating katawan at maganda ang laging umiihi..sa ihi nakikita ang inyong kalusugan,mentras malinaw ang ihi ay mas maganda.
 
  Subalit mas mabuti pang isanay nyo ang sarili ng hindi umiinom ng malamig palage.Nakakasama ang paginom ng tubig na malamig sa oras ng tayo ay kumain ng mainit na pagkain o kaya naman mamantikang pagkain..isipin nyo ang ugaling pilipino pagkatapos naten kumain kunde malamig na tubig ay softdrink ang iniinom...alam naten ang softdrink ay di nakakabuti sa ating kalusugan .,kung sinanay lang tayo sa pag inom ng hot green tea is or hot lemon  Ang mainit na tubig ,kase boring naman at walang lasa..pero wala pong masama sa mainit na tubig...mas ligtas ka pa sa cancer.

THE COLD WATER Will Solidify The Oily stuff that you have just consumed ..
   Subalit ang tubig na malamig ay hindi magandang inumin palagian lalong lalo na pagkatapos nyong kumain..sapakat ang malamig na tubig pag pumasok sa loob ng ating katawan..ay sya namang sumasabay  sa anumang ating kinain natin,.kung mamantika ang ating kinain ang malamig na tubig pag nagsama sa mantika ay nagiging sebo..and it will slow down the digestion.,and it can be a symptoms of heart attack or it will lead to cancer according to the expert ..

  Opo,ang sebo mismo.imbes natutunaw ang ating kinain pababa sa ating bituka ay sya naman nagbibigay kontra sa ating kinain dahil ang mantika ay tumitigas at dumidikit sa loob ng ating katawan at naiipon ito hanggang sa maging sebo..nakakaapekto ren ito sa ating pagdumi , para maging dahilan ng pagbabara ng daluyan ng ating dumi..na magiging sanhi ng lahat ng klase ng sakit..

kaya kung ugali nyo uminom ng malamig pagkatapos kumain ,isipin nyong mabuti ano ang inyong kinakain..dapat balanse talaga  at kung  mamantika...mas maganda ugaliin ang may mainit na sabaw sa ating agahan tanghalian o hapunan..katulad sa japan..ugali nila ang may miso soup at hot green tea,..

 Kaya sanayin nyong uminom ng mainit na sabaw o kaya hot green tea without sugar if possible..kung gusto nyo ng medyo matamis na tea, honey at lemon po ang suggestion ko..o kaya kalamanse juice.                                     .        Kung di nyo maiwasan ang malamig na tubig ay iwasan  nyo ang mamantika na nagiging sebo sa inyong katawan....

.kung parehong di nyo kayang iwasan...imposible na ang magkaroon kayo ng malusog na pangangatawan at magkaroon ng magandang  pangangatawan....eat properly eat healthily ,and you can have great healthy body..

   More Details.....and information.. http://www.snopes.com/medical/myths/coldwater.asp